YLMS 3

1 0 0
                                    

Nagmamadali akong bumaba sa aming sasakyan ng ihatid ako ni Mama.

"Bye Ma. Love you. Take care. Mwahhhh"

Hindi ko na narinig pa ang sagot ni Mama dahil tumakbo na talaga ako.

"Pero Sir Chef! Naiwan ko po kasi. Late na po ako sa klase ni Maam Bautista. Tsaka parang di mo naman ako kilala niya. Please."

Oo. Napapaawa talaga akong pumasok dahil late na late na ako.

"O siya sige. Pasok na."

Muntik na talaga akong mapatalon sa tuwa. Higpit kasing talaga. Kahit baka uniform ka pa, kung wala kang ID pasemsyahan na lang pero bawal talagang makapasok.

"Oh Gonzalo. Late ka na naman."

Napatigil ako sa sinabi ni Sir Chef na nakatingin sa tinutukoy niya sa aking likuran. Napalingon naman ako.

Kapansin pansin ang gusot gusot niyang pulo at ang magulo niyang buhok na nililpad ng hangin. Ang itim sa ibaba ng kanyang dalawang bilugang mata at ang mukha niya pagod na pagod.

Anong nangyari sa lalaking to? Mukhang ilang araw siya walang tulog.

Nagsimulang kumabog ang aking dibdib nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa at nilagpasan kalaunan. Sumikip ang aking dibdib at parang nauubusan ako ng hininga sa kanyang presensya. Nakatitig ako sa malapad niyang likuran habang naglalakad at papunta na ata sa kaniyang klase.

Napahigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag ng tumigil siya sa paglalakad at dahan-dahan akong nilingon, tila'y huminto ang takbo ng aking isip at hindi alam kung paano ihakbang ang aking mga paa. Tiningnan niya ako gamit ang pagod niyang mga mata na tila bang siyang hirap na hirap at...... nasasaktan?

Eshban Gonzalo.

Bakit na mimisteryosohan ang lahat sayo? Pati ako?

Misteryoso.

Nab..

Nang may maalala ako ay pilit itong iwinaksi sa aking isipan.


ISANG buwan ng naka deactivate ang aking facebook account

Naguguluhan na ako. Open ko na ba? Bakit? Ano ba Mik! Anong sasabihin ko kay Nab pag magtanong siya kung bakit naka deactivate ang account ko? Magtatanong ba? Paano kung hindi naman, dahil wala naman siyang pakialam? Paano kung hindi lang naman ako ang ka chat niya?

Paano kung nasa akin naman talaga ang problema? Na masyado akong na attached sa pagiging chatmate namin? Hays. Di ko na alam.

Lumipas ang mga araw na hindi ko man lang napansin na nahulog na pala ang aking loob sa isang lalaking hindi ko kilala?

Kung hindi ako binigyan ng ideya nila Zyriel, paano kung lumalim yong naging koneksyon naming dalawa? Tapos ako lang pala ang nagbibigay ng ibang sabihin sa pag cha-chat at sa mga pag-alala niya sa akin?

Sa loob ng isang buwan, ng hindi namin pag cha-chat ay parang nakukulangan ang aking mga araw na siyang ipinagtataka ko sa aking sarili.

Hindi maiwasang hinahanap ang kanyang mga chat at ang kanyang mga paalala araw-araw.

Nami-miss ko ang mga araw na wala akong ibang inaalala kung paano makakuha ng mataas na marka sa aming pagsusulit at ang paggawa ng mga tula sa tuwing wala akong ginagawa.

Isang araw, ini-on ko ang aking data habang kumukain ng tanghalian ay umaasang may mag pa pop-in na message. Ngunit bigo ang sinapit ng aking matanto na naka deactivate pala ang account ko.



"You like my Status? Ano to?" Naguguluhang Zyriel na nakadungae sa kanyang cellphone

"Ha?" Tanong naman ni Rechelle

Ibinaba ko ang aking tingin sa pancit bihon sa aking harapan at inikot-ikot ito gamit ang isang tinidor.

Ito ang paborito kung pagkain at pampatanggal ng badvibes, ngunit parang wala itong epekto ngayon sa akin at ang pagka walang gana ko sa pagkain.

Anong nangyari sayo Mik? Hindi ka ganito!

Nakatulala lamang ako sa kawalan ng narinig ko ang impit na dalawa kong kasama na siyang nagpabalik sa aking sarili.

"Ohmhayghad!!"

Gusto kong hampasin sina Che at Zy ng aking folder na nasa mesa dahil sa gulat.

Napairap talaga aki ng todo at pakiramdam ko sumakit bigla ang aking ulo sa ginawang yon. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko. Sa aking nararamdaman. Ewan! Ang gulo lang.

Ba't ba ang gulo gulo? Pati nararamdaman ko ay napaka komplikado.

"HAHAHAHA shet! Ang jeje! Di ko alam na may second account palang ganito si Ginzalo." Tawang tawang sabi ni Zy

"HAHAHAH Oo nga! Ba't ganito? Anong ka jejehan to? Naglalaway ako sa cake. Pero, bakit may 'You like my Status' na nakalagay?" Ani Rechelle

"Click mo nga ang account niyang yan. Tingnan natin kung anong meron." Zyriel

Tiningnan ko ang dalawa. Sana ganyan din ako. Napapatawa sa chismis. Napaismid naman ako sa sariling isip.

Kung magmumokmok ako lagi, baka pumuti agad ang buhok ko nito. Kaya kahit hindi ko ugaling makiusyoso sa kanila e ginawa ko pa rin.

"Anong meron?" Tanong ko sa kanila

"Si Mister G kasi. Nag post ng picture ng chocolate moist cake na may nakalagay na 'You like my Status' HAHAHA" Ani Rechelle

"Oh, anong nakakatawa don?" Aniko

"Eto naman! Ang kj masyado. Hindi kasi namin alam na may second account pala itong si Mister G na jejemon HAHAHAHA tingnan mo." Rechelle

Pinakita naman niya sa akin ang kanyang cellphone

At ang kabog ng aking dibdib ay walang mapaglalagyan sa aking nakita.


      Eshban Sarsate Gonzalo is with Nabhse Olaznog

    May post na cake na may nakalagay na 'You like my Status' at may caption na 'After 3 years...'

"Hoy! Anong nangyari sayo?" Zyriel

Hindi ko na pinansin pa ang dalawa at sa nanginging na kamay ay kinuha ko ang aking cellphone sa bag at dali-daling  inactivate ang aking account.

Paanong? Bakit?

Pinuntahan ko agad ang chat box namin at ang lakas ng tibok ng aking dibdib ng may nakita akong tatlong tuldok na nagpapahiwatig na typing siya.

Agad?

Hindi lang ata puso ko ang gustong sumabog sa mga oras na to at pakiramdam ko pati ang aking ulo.

Bigla kong binitawan ang aking cellphone at sinapo ang aking sintido at bahagyang minasahe. Di ko na alam.

Eshban?

Si Nab?

Eshban Gonzalo

Nabhse Olaznog

Nang aking matanto ay hindi ko alam. Di ko alam kung ano dapat ang maramdaman at isipin. Di ko talaga alam...

                       Ting!

Napatingin ako sa aking cellphone na tumunog dahil sa isang message.

Sa pagtanaw ng aking mga mata sa nabasa ay ang panghihina ng aking kalamnan at walang mapaglalagyang kabog ng aking dibdib.



                        Nabhse Olaznog
                           Active Now

"Lemon Time. 5pm"


Mga limang minuto ko ring tiningnan ang tatlong tuldok at hinintay ang sunod niyang mensahe... ng bigla itong nawala at ang kasabay na pagkawala ng green dot.

You Like My Status Where stories live. Discover now