Nanginginig kong sinagotan ang papel sa aking harapan.
Bakit?
Hindi ko matanggap?
Nang matapos ay pumunta ako sa lugar na walang makakita at binuhos ang lahat ng aking kinimkim sa mga araw na lumipas.
Gumraduate akong most outsanding students with high honor.
Sobrang saya ni Mama sa araw ng aking pagtatapos at ganun rin ang aking nararamdaman.
Si Mama ay isang professor sa isang malaking Unibersidad. Hindi lang basta Unibersidad. Isang malaki at sikat na Unibersidas dahil sa mga estudyanteng mga matatalino lamang ang makakapasok. At malaki ang standard sa kanila. Kung hindi ka maka pasa sa Entrance Exam wala rin. At hindi sila tumatanggap ng mga estudyanteng basta basta lang. Talino ang labanan.
Nanginginig ang aking kamay habang nag i s-scroll sa website na siyang makikita ang mga nag te-take ng Exam na nakapasa. Nag Entrance Exam ako sa Unibersidad na siyang pinagtaposan ng pag-aaral ni Mama at ngayon ay pinagtrabahoan niya.
Naluluhang binalik balikan ko ang siyang mga pangalang naka pasa.
Estillore...
Estillore...
Estillore...
At kahit anong paulit ulit kong scroll ay wala ang aking apelyido.
Sobrang disapointed ang nararamdaman sa aking sarili ng hindi ako naka pasa at nakita ko ang mga kaklase ko na nakasabayan ko sa Entrance Exam at nakaramdam ng sobrang inggit ng nakita kong nakapasa sila.
Hindi ko matanggap ang naging resulta.
Sila na 85 below ang average grade at hindi nakakuha ng anumang rewards at medal ay nakapasa. Tapos ako? Bakit?
Sigurado naman ako sa naging sagot ko at kampante akong makapasa. Pero, ang lahat ng iyon ay nauwi sa ilang gabing pag iyak at hindi paglabas ng sariling kwarto.
Palagi akong ini-encourage ni Mama may mas malaking oppotunity ang dadating at mas better at kung ano ano pang pampalakas loob na sinabi niya.
Nang araw na yun ay sinamahan niya akong mag pa enroll sa paaralan na siyang pinag aralan ko sa kasalukuyan. Biglang may tumawag sa kaniya ng mga panahong yun at kailangan niyang umalis dahil importante ang lakad na yun.
Nabalik lamang ang aking pag-iisip ng bigla niyang kinuha ang aking dalawang kamay.
Kinakabahan akong tiningnan siya.
"Matagal na Mickie Mie." Namamaos niyang sabi
"B-bakitt. N-n-abb"
Nakita ko ang namumuong luha sa kaniyang mata.
Dinala niya ang kanang kamay ko sa kanyang pisngi at marahan niya itong hinaplos doon.
Nanindig ang aking balahibo sa ginawa niyang yun at ang napansin ko ang posisyon naming dalawa.
Mahihiya ang hangin na dadaan sa pagitan naming dalawa sa sobrang lapit ng aming katawan. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha ng matanto iyon.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi.
"Paanong.... Naging friend kita sa facebook, sa pagkakatanda ko ay wala akong natandaan na nag friend request ka sa akin at ina-accept ko yun." Nguso kong sabi at binaling ang tingin sa makulay na desenyo ng shop
Narinig ko ang munti niyang halakhak kaya napabaling ulit ang tingin ko sa kanya.
"Marlon." Banggit niya
"Ha?" Nalilitong baling ko sa kanya
"Marlon Bautista."
Napakunot naman ang aking noo.
Marlon Bautista? Anak ni Maam Bautista?
"Dalawa ang facebook account niya at hindi masyadong ginagamit iyong isa. Binili ko iyon, dahil nakita kong friends kayo sa account niyang yon. Naduduwag akong mag friend request gamit ang real account ko. Kaya dinelete ko ang mga post niya dun at pinalitan ang pangalan." Di makatitig niyang paliwanag sa akin
Napataas naman ang kilay ko don.
Eshban Gonzalo? Nahihiya? Weew!
"Bakit?" Tanong ko
"Anong bakit?" Naguguluhan niyang balik
"Bakit ka naduduwag." Kagat labi kung tanong
"Mickie Mie." Malumanay niyang sambit sa aking pangalan.
Sa ginawa niyang yun ay ang bilis na pagtibok ng aking puso.
"Walang araw na hindi ako nag post ng Lmsc para mapansin mo. At sakyan ang kalokohan kung yun." Eshban
Wala akong ibang nasabi kundi puro...
"Bakit?"
"Matagal na kitang tinitingnan sa malayo at umaasang mapansin mo. Duwag ako, Oo. Dahil sa tuwing magkaroon na ako ng lakas na sabihin ang mga gusto kong sabihin sayo ay nanghihina agad ako sa mga tingin mo."
"At dumating ang panahon na matagal ko ng gustong magyari. After 3years, You Like My Status and that's the best day of my life."
Walang masabi.
Yun ang naging reaksyon ko sa mga nangyari.
Hindi ko alam.
Na sa simple at aksidente kung pag like sa post niyang iyon ay magbago ang takbo ng buhay naming dalawa.
Hindi ko inakala na may ganitong mangyayari.
Ang malambing niyang paghalik sa aking noo ay ang siyang pagpikit ng aking mata at ang dahan dahang paglagay ng aking mga kamay sa kanyang dibdib at ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso na aking naririnig na para bang nagdadala sa akin sa lugar kung saan saya at payapa ang siyang tanging mararamdaman.
The End 😊