Nabhse Olaznog
Active 3 minutes ago"Selos"
Seen 12:47PM
Yun na ang huling chat na natanggap ko sa misteryosong nag cha-chat sa akin.
Hindi ko maintindihan ang huling chat niya. Hindi ko na rin lang pinansin at ipinagsawalang bahala nalang.
PERO Akala ko titigil na siya, nagkamali ata ako.
Araw-araw siyang nag se-send ng kung ano-anong emoticon. May GoodMorning, GoodNight, may kumakain, nalulungkot at iyong iba ay sumasayaw.
Kaya isang araw, hindi ko talaga mapigilang tumawa ng malakas sa canteen ng mag send siya ng babaeng anime na sumayaw ng ocho-ocgo na parang ewan. Tawang-tawa yalaga ako. Nabatukan pa nga ako ni Zyriel at naguguluhang tiningnan ni Rechelle.
Di ko talaga napansin na nasa canteen kami. Kaya hanggang pag-uwi ko sa bahay, tawang-tawa pa rin talaga ako sa sinend niya.
Ang gaan sa pakiramdam. Para bang isang taon na akong hindi nakatawa ng ganoon ka lakas. Tiyaka ko lang nakaramdam ng hiya sa nangyari sa canteen kanina ng humiga na ako sa kama at unti-unting naalala ang nangyari kanina.
Nakakahiya.
Ipipikit ko na sana ang aking mga mata para sa pagtulog.... ng may maalala ako.
Nabhse Olaznog
Active Now"Thank You 😊
You made my day"Hindi ko na hinintay pa ang reply niya at dali-daling ini-off ang aking cellphone at natulog na.
HINDI ko alam kung paano nangyari. Nakita ko na lang ang sarili kung nakaharap sa salamin at tinitignan ang tumubong tigyawat sa tungki ng aking ilong.
Nabhse Olaznog
Active Now"Kasalanan mo to! 😣"
"Good Morning
too 😊""Argh! Walang GOOD
sa morning!""Ang sungit naman
😢 monday na
monday. Galit ka na
niyan?"Nakakinis ka!
Naiinis ako sayo!""Bakit? 😢"
"May tumubong
tigyawat sa ilong ko!
Kung di mo ko chinat
wala sana to! Ihy 😢""Ako rin."
"Ready ka na para
school."
"Ingat ka."
"Wag kalimutang
kumain."Seen 6:23AM
Habang naglalakad ako papuntang room ay itinakip ko ang dala kong libro sa aking mukha.
"Anong ka oa-han yan MickieMie Estillore?"
Taas kilay na tanong ni Rechelle. Napairap talaga ako sa kanya. Wala na bang itaas ang kilay na yan?
"Anong sabi mo?" Che
"Ha?"
"Naku! Alam mo namang #KilayIsLayp yan. Bumagyo man, hintayin niyo si Rechelle sa pagkikilay niya." Ani Zyriel
Ha? Nasabi ko ba yon? Iniisip ko lang yun ah.
"Ugh! Ang gwapo pa rin kahit may tigyawat"
"SANA ALL!"
"Bakit?" Takang tanong ko
"Si Mister G. Kahit may tigyawat nakakalaglag panty pa rin." Zyriel
"Anlandi mo talaga eh no? Kurutin ko singit mo diyan eh." Rechelle
KINABUKASAN. Nag face mask na talaga ako dahil nangangawit ang kamay ko sa sa pagtakip ng kung anu-ano sa mukha ko buong araw kahapon. Anlaki pa man din ng tigyawat na to! Kailan ka ba mawawala ha? Hays.
Normal na araw lang. Walang pinagkaiba. School at bahay. School at bahay. School at bahay. Ganun. Pa ulit-ulit na ulit-ulit na ulit ulit. Sige, ulit ulitin pa natin.
Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang enrollment pa, pero ngayon December 1 na, malapit ng magtatapos ang taong to. At panibagong buhay sa bagong taon.
Ganun pa rin kami ng ka chat ko. Araw-araw mag ka chat. Umaga, tanghali, gabi at paulit-ulit sa buong araw. Nagka tanungan ng kung anu-ano, favorite food, color, spot or place, at mga malilit na bagay tungkol sa sarili namin. Kumbaga, nagkaroon ako ng kaibigan sa chat online.
"Mickie Mie!." Tawag pansin ni Che
"Oh? Bakit?"
Nasa canteen kami ngayon at kasalukuyan kong nire-replayan si Nab. As usual, nagtatanong kung kumain na ba ako at kung anong ginagawa. Nab na rin ang naging tawag ko sa kanya, yun naman kasi ang name niya sa chat namin at okay rin lang naman daw na yon ang tawag ko sa kanya.
Napangiti naman ako.
"Nagbago ka na." Seryosong sabi ni Zy
Napatigil ako sa kanyang sinabi at napabaling ang tingin ko sa malumay niyang mukha.
"Ano?"
"Nag fi-facebook ka?" Che
"Oo. Bakit?"
"Sinong ka-chat mo?" Che
"Wala?"
"Anong klaseng sagot yan Mickie Mie Estillore? Eksaheradang tanong ni Che
" Ano, I mean, wala."
"Meron!" Giit na Zy
Napanganga naman ako sa kanila. Pano ba to? Sasabihin ko ba? Na ano? May ka-chat akong hindi ko kilala? Ano? Sasabihin mo ba Mik?
"Okay lang naman sa amin Mik! Ang amin lang, eh share naman diyan.
Pinagloloko ba nila ako? Parang kanina lang malungkot at galit sila. Taposss.......
" Tsk! Ewan ko senyo!"
"Ayiee! Lumalandi na ba ang kaibigan naming matalino, mahinhin, mabait slash Maria Clara ha?" Zyriel
Natatawang napairap ako sa kanila.
"AYAN! Ashushu.. Tingnan mo baks! Umiiba ang peslak ni vivi. Ikaw ba'y inlababo na Mickie Mie Estillore?" Ani Zyriel
Napatigil naman ako sa sinabi ni Zyriel.
In love?
With who?
Nab?
Mysterious?
No way!
Hindi ko siya kilala. Nagka chat lang kami. Possible bang mahulog ako sa lalaking isang napaka laking misteryoso at sa chat ko lang nakilala? At hindi ko alam kung bakit ko siya naging friend sa facebook. Ditalaga! Paano nga ba? E sa pagkakaalam ko. Hindi ako basta nag a-accept ng kung sino-sinu lang. 580 nga lang friends ko sa Facebook at mga relatives ko pa ang karamihan. Kunti nga lang ang friends ko na mga kaklase.
Deactivate your Account
Yes No