Chapter Five

202 6 0
                                    

Cassandra's POV

Thirty minutes na yata kaming nanonood sa mga dumadaan, nakaupo lang kami sa bench sa harap ng fountain sa labas ng mall. Nakakainip na pero okay na rin kasi presko naman dito at hindi maingay. Pero medyo naiirita ako kasi lahat ng dumadaan tumitingin kay Jungkook tapos ngingiti at magbubulungan then titingin ulit pero mapapalingon sa akin at iirapan ako. As if naman gusto ko kasama tong masungit na to. Tss

Napatayo agad ako dahil bigla siyang tumayo at naglakad papasok sa entrance ng mall. Seryoso? Ni hindi man lang sabihin kung saan pupunta. Hay naku. May sayad yata to katulad ng mga ka-miyembro niya.

"Hoy, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Dinedma lang niya ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi nga rin siya lumilinga-linga, samantalang ako ang likot likot kakatingin sa mga dinadaanan naming botique. Gusto ko mag-shopping! Nung makita ko ang The Princess pumasok agad ako. Bahala siya sa buhay niya. Parang wala rin naman siyang kasama kung makaasta siya.

"Miss, may color red po nito?" Turo ko sa isang dress na medyo balloon ang skirt. May black ribbon sa waist at may kasama pang diamond necklace at black heels.

"Yes, ma'am. Kunin ko lang po." Tumingim pa ako ng ibang dress at blouse habang naghihintay. Ang ganda kasi ng mga designs nila, nakaka-temp tuloy bilhin lahat.

Sinukat at binayaran ko na agad yung dress, necklace at heels. Susuotin ko to next sunday pag magsisimba kami. Dumiretso ako sa Jollibee dahil gutom na ako. Bahala na si Jungkook sa buhay niya. Nakakainis siya. Tss

Sarap na sarap ako sa pagkain ng fries at chicken nang biglang may pumalo sa lamesa kaya nabitawan ko ang fries na isusubo ko na sana. Sayang tatlong piraso yun!

"What the hell, Cassandra! Saan ka ba pumunta?! Hindi mo ba alam na alalang-alala ako sayo! Fuck! Akala ko-! Shit!" Frustrated at galit na sabi ni Jungkook pagkaupo sa harap ko. Ginugulo niya buhok niya habang mariing nakapikit. Halatang nagtitimpi.

"Bakit ba? Wala ka naman pakealam. Ni hindi mo nga ako pinapansin. Parang wala kang kasama." Kalmado pero nakasangot kong sabi. Sumubo ako ng tatlong pirasong fries.

"Kahit na! Dapat nagsabi ka! Parang tanga akong naga-alala tapos nag-shopping ka na pala at kumakain!" Galit pa rin niyang sabi at nakatingin ng matalim sakin. Ngumuso pa ako lalo.

"Ano na?!" Inis niyang sabi at tumalim pa lalo tingin sa akin. Sumubo ako ng dalawang pirasong fries tapos kinuha ko yung natitirang limang piraso at tinapat sa bibig niya.

"Nga-nga dali." Utos ko at sinunod naman niya. Dahan dahan niyang nginuya habang matalim pa rin tingin sakin. Kinuha niya float ko at uminom tapos tinuro bibig niya. Sus, gutom pala. Pa-baby pa.

"Teka order pa ako." Tumayo ako pagkatapos niya tumango.

"Bilisan mo." Utos niya tapos nangalumbaba habang tinitignan ako. Parang ang gwapo niya ngayon? Joke.

Umorder ako ng large fries, large coke,  dalawang sundae, cheese buger at dalawang mango pie. Pagkalapag ko pa lang ng tray ng pagkain nilantakan niya na agad. Gutom na gutom na pala. Haha. Nakakaaliw siyang panoorin kumain.

"Hoy anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ko. Yung mango pie kasi nilagay niya sa sundae tapos pinaghahalo.

"Dessert ko. Tikman mo." Binagay niya sakin tapos nag-scoop ako ng konti. Ano kaya lasa nito?

"Masarap?" Tanong niya na ngiting-ngiti. Tumango ako at ngumiti ng malaki. Ang sarap kasi talaga. Bakit di ko to naisip dati pa? Ginaya ko na rin siya at tahimik kaming kumain.

---

Nasa supermarket kami ngayon. Bumili siya ng chocolates, candies, juice, milo, mayo, veggies at fruits. Ako kumuha lang ng isang box ng cheese at agad binuksan para kainin.

"Tsk." Inagaw niya sakin yung cheese na aalisan ko na sana ng foil.

"Ano ba! Akin na yan!" Nakasimangot kong sabi.

"Di mo pa nababayaran." Poker faced na sabi niya. Sinimangutan ko pa siya lalo at naglakad nalang papunta sa cashier. Babayaran din naman kasi. Ts

Pumunta kami sa bahay niya after mag-grocery. Hindi ko nga alam kung bakit kami nandito at bakit sinama niya ako. Dumiretso siya sa kusina at kung anu-ano pinagkakalikot at kinikuhang utensils at anu-ano pa sa ref niya. Magluluto siya?

Nangalumbaba ako habang pinapanood siya. Binuksan niya ang stove at nilagay ang kawali. Nagbuhos ng tubig at nilagay ang na-torture na meat. Papakuluan yata. Ang bilis niyang nahiwa lahat ng veggies tapos naglagay ng broth cube dun sa pinapakuluan niya at sinunod yung mga veggies.

Sa kabila naman naglagay siya ng kaserola na maliit at pinuno yata ng tubig. Kumuha pa ng mas maliit na kaserola at tinunaw yung chocolates sa kumukulong tubig at nilagayan ng butter.

Mga isang oras siyang nagluluto dun kaya pinapak ko nalang yung cheese na siya rin ang nagbayad. Pumunta ako ng sala para manood, bahala na siya dun sa kusina. Di rin naman siya humuhingi ng tulong sakin.

Wow. Ang cute naman niya nung bata siya. Tinitignan ko mga pictures niya na nakadisplay. Ang gwapo pala talaga niya, lalo na sa mga pictures niya ngayon.

"Tara sa theater room." Pagyayaya niya. Dala niya isang tray na may isang malaking bowl na ewan kung ano laman, coke na 1.5 at dalawang baso. Movie marathon? Game ako dyan. Haha

Sinundan ko siya hanggang sa pumasok siya sa pinakaunang pinto sa left side pagkaakyat ng hagdan. Simple lang interior ng bahay pero maganda.

"Ano gusto mo panoorin?" Tanong ko. Ako na nangalikot dito sa mga dvd's dahil inaayos niya mga pagkain. Pakealamera ba? Haha. Hindi siya sumagot kaya kung ano na lang nadampot ko yun ang panonoorin namin.

Umupo ako sa tabi niya na nilalantakan agad yung ginawa niya. Sus, fruit salad pero di condense ang nilagay, yung tinunaw na chocolates.

"Nasaan yung veggie salad? Saka yung soup?" Tanong ko habang kumukuha ng fruit salad.

"Wala. Pagkain ko yun mamayang dinner saka di mo naman ako tinulungan kaya bawal kita bigyan." Sabi niya at sarap na sarap pa rin sa pagkain. Sumimangot nalang ako. Kainis, di man lang ako patikimin. Sana pala tumulong ako kanina.

Nanood kami ng Private Benjamin. Ako, di tumatawa dahil nababadtrip ako kasi di niya ako pinatikim ng soup. Siya naman hagalpak ang tawa na parang wala ng bukas. Napapatingin nga ako ng madalas sa kanya dahil hindi ko ineexpect na tatawa siya ng ganito.

"Jungkoooook!" Biglang may pumasok sa theater room kaya nabitawan ko spoon ko.

"Oh, you're here." Ngumisi si Jimin. Bwisit, bakit nandito tong mga to? Si Jungkook seryoso na naman sa pagkain. Kanina lang.. bipolar.

"Bakit? Bawal?" Pagtataray ko. Tumawa si Taehyung at  Suga.

"Hindi naman. Uh.. Alam ko na.." Sagot ni Jin kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang siya ng nakakaloko.

"Jungkook, mamaya niyo na gawin. May gagawin kang report bukas kaya.. basta alam mo na. Alis na kami. Enjoy lang kayo at patayin ang ilaw dito." Sabi ni Namjoon tapos lumabas na sila habang tumatawa.

"Baliw." Bulong ko tapos sumulyap kay Jungkook na namumula. Huh? Namumula? Tumingin ako sa kanya pero di naman siya namumula. Baka namamalikmata lang ako.

"Ano tinitingin-tingin mo?" Maangas na tanong niya. Binalik ko nalang tingin ko sa movie.

Tatayo na sana ako para lumabas sandali pero biglang namatay mga ilaw pati bigscreen kaya napasigaw ako at napayakap kay Jungkook.

"Ang bigat mo naman." Narinig kong sabi niya pero di galit ang tono. Medyo playful pa nga. Medyo napaupo kasi ako sa lap niya.

"Anong mabigat? Tss. Brown out? Kainis naman." Inis na sabi ko. Narinig ko lang siya tumawa ng mahina at inalis pagkakayakap ko sa kanya bago tumayo.

"Sandali lang, kukuha ako ng flashlight." Umupo lang ako at nagi-imagine ng masasayang pangyayari. Kainis kasi iniwan ako dito!

Humiga nalang ako sa sofa. Kung anu-ano kasi naiimagine ko na nakakatakot kaya matutulog muna ako sandali.

----

Messing Up With The Bad Boys (BTS FanFiction) [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon