Chapter Six

161 9 1
                                    

Cassandra's POV

Naka-simangot agad ko pagdilat pa lang ng mga mata ko. Paano ba naman kaya nga ako natulog para maiwasan mag-isip ng nakakatakot tapos yun pa mapapanaginipan ko. Hinahabol daw ako ng mga zombies, and guess what? Yung mga zombies na yun ay ang BTS. Bwisit talaga.

"Buti naman nagising ka na." Sabi bigla ni Jungkook. Ngayon ko lang napansin na nakaunan pala ako sa hita niya at nakatitig siya sakin.

Huh? Nakaunan ako sa hita niya?

"Waaah! Anong oras na?!" Biglang sigaw ko at tumayo. Nanlalaki mga mata ko. Shit, baka hinahanap na ako nila Tita! Hindi ako nakapag-paalam!

"Chill. Kung iniisip mong hinahanap ka ng tita mo, wag ka mag-alala napag-paalam na kita." Sabi niya tapos kumagat sa Hershey's na hawak niya.

"Paano? Kilala ka ni tita?" Nanghihinalang tanong ko.

"Oo, pinuntahan ko siya sa office niya kanina para ipag-paalam ka tapos pinuntahan kita sa bahay niyo para lang malaman na si Taehyung ang kasama mo." Padabog siyang kumagat ulit ng Hershey's.

Wait.. Imposibleng pumayag si Tita na makasama ko to, lalo na't lalaki siya at hindi naman sila magkakilala, diba? Kung magkakilala naman sila, paano nangyari yun at kailan?

"Tara, kain na tayo ng dinner." Nauna na siya lumabas habang sinubo ng buo ang Hershey's na natira. Di man lang nagbigay. Ts

Naabutan ko siya sa kusina na nag-aayos ng lamesa. Pero nakita ko yung plastic ng Jollibee. Nagpa-deliver? So, wala talaga siyang balak ipatikim sakin niluto niya kanina!

"Bakit ka nagpa-deliver? Ayaw mo patikim sakin niluto mo kanina?" Tanong ko pagkaupo sa harap niya. Tinignan lang niya ako ng masama tapos kumagat sa chicken.

"Damot." Bulong ko.

"Pasalamat ka nga pinakain pa kita." Narinig niya bulong ko? Wow naman pandinig ng masungit na to.

Ako nagligpit at naghugas ng pinagkainan namin. Nakakahiya naman kasi sa kanya. Please, note the sarcasm. Pupuntahan ko na sana siya sa sala kaso nakita ko trash bin niya, nandun yung mga niluto niya kanina! Hahaha! Hindi marunong magluto! Kaya naman pala ayaw ako bigyan! Hahahaha! Pinuntahan ko siya sa sala para sana asarin kaso ang sarap ng higa niya sa sofa.

"Ano pinapanood mo?" Tanong ko. Ang sarap lang talaga ng higa niya sa sofa, nakakainggit. Umupo nalang ako sa sahig, ayoko sa maliit na space umupo at wala lang..

"Tara?" Napatingin ako sa kanya nang nagsalita siya. Nakakunot ang noo ko.

"Saan?" Ngumisi siya at kinilabutan ako.

"Alam mo na." Kumindat siya. Shit. Ang bipolar ng taong to. May saltik talaga! Tumayo ako at aalis na sana pero mabilis siyang tumayo at hinila ako para yakapin.

"Bitawan mo nga ako! Uuwi na ako!" Asar na bulyaw ko. Shit! Mangyayari na yata ang pinakaayaw ko!

"Sshh. Makisama ka nalang, please. Nasa labas sila hyung, nanonood. Please, last lang to." Narinig kong bulong niya. Nakasiksik siya sa leeg ko kaya siguradong walang makakakita na nagsasalita siya.

Sila hyung? So, nasa labas yung walangyang ka-miyembro ng masungit na to? Wala sa loob na tumango lang ako ng marahan, dahan dahan niya akong binitawan at hinarap sa kanya.

"Sorry." Narinig kong sabi niya bago ako halikan ng mariin at marahas. Nanlaki mga mata ko at hindi agad nakakilos dahil sa gulat. Shit! Ano ginagawa ng bwisit na to?! Magpupumiglas na sana ako pero bigla siyang tumigil at hinila ako para tumakbo papunta sa isang kwarto katabi ng theater room nila.

Messing Up With The Bad Boys (BTS FanFiction) [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon