Cassandra's POV
Ugh! Pasukan na naman. Inaantok pa ako pero kailangan ko na bumangon. Hay
"Cassandra, hija, mag-ayos ka na at bumaba para makakain." Sabi ni Nay Mareng pagkatapos kumatok.
"Opo, Nay. Susunod ako." Sagot ko. Lumabas na siya at tumayo na ako.
Si Nay Mareng ang nagsilbi rin na nanay ko dahil isa siya sa nagpalaki sa akin. Namatay kasi sila Mom at Dad sa plane crash. Pauwi sila dito para sa 1st birthday ko. Ay, erase! Erase! Ayoko na maalala yun. Feeling ko kasi kasalanan ko kung bakit sila namatay.
Bumaba na ako pagkatapos ko maligo at magbihis. Naabutan ko si Tita Fiona na kumakain na. Si Tita rin ang nag-alaga sa akin. Wala siyang asawa pero may anak siya. Iniwan kasi siya nung mabuntis siya. Yung anak naman niya kinuha nung nakabuntis sa kanya. Pinahanap sila ngunit hindi na sila nakita. Ilang buwan din daw nalungkot si tita, araw-araw siyang umiiyak at halos hindi na kumain. Pero nung dumating daw ako sa buhay nila ay sumaya siya at unti-unting bumangon muli. Tinuring niya akong anak lalo na nung mawala sila Mommy. Sobrang thankful ako sa kanilang dalawa ni Nay Mareng dahil hindi nila ako pinabayaan.
Nilagyan ni Tita ng maraming pagkain ang plato ko. Tawa nga ng tawa si Nay Mareng dahil kung pakainin daw ako parang isang linggo akong di kumain. Hahaha. Buti nalang hindi ako tumataba.
Nag-toothbrush muna ako bago mag-ayos ulit para makapasok na.
"Cassandra, goodluck sa first day mo. Find a good friend, okay? Take care. I love you, anak." Bilin ni Tita tapos niyakap ako at kiniss sa cheeks. Minsan tinatawag na rin niya akong anak and tinatawag ko siyang mama. Sweet, right?
"Bye, Ma. Wag din po magpaka-stress sa work." Tumakbo na ako palabas. Parang bata pa rin. Haha. Hinatid na ako ni Mang Leo gamit ang van.
Si Tita na namahala ng company na naiwan ni Dad at sa Botique na naiwan ni Mom. Alam kong pagod na si Tita pero ginagawa niya lahat yun para sa kinabukasan ko and I love her for that. Kung pwede nga lang na bukas paggising ko graduate na ako ng high school and college, kaso that's impossible. Gusto ko na talaga matulungan si Tita. Haay
Tatlo lang silang magkakapatid ni Daddy. Si Tito Zach nasa Italy, may business din sila dun. Sila lola and lolo naman nasa US, they're both doctors. Si Mommy naman, only child. Wala na akong grandparents sa side niya.
"Hija, nandito na tayo." Ngumiti sa akin ni Mang Leo at nagpaalam na rin pagkatapos ko magpasalamat.
So, this is my new school. I hope to have a normal life in this school.
Cool lang ako na naglalakad papuntang 4th year building pero ang nakakainis lang ay yung wala naman problema sa mukha ko at lalong-lalo na sa uniform dahil hindi naman ganun kaikli gaya sa kanila pero kung makatingin at magbulungan sila parang ano.. Tsk. Siguro dahil sa bago lang ako dito? Tama, baka nga dahil dun. Or baka nagagandahan sila sa akin? Haha. Kidding!
Third floor, room 207 ang classroom ko. Buti nalang hindi ako naka-heels, stairs lang ang gamit since pino-promote din ng school na to ang kasipagan at pagiging fit. One and a half hour pa before class pero marami na ang students na pumapasok pero mostly girls and gays. Na-miss siguro ang isa't isa and maraming chika. Haha
"Hi!" May bumati sa akin na babae. Maputi siya, mahaba ang itim ma buhok, mukhang korean (most of the students here are Korean, Chinese and American citizens because this is an international school), halos magkasingtangkad lang kami and she's smiling sweetly at me. Creepy. Joke! Haha
"Hello." Ngumiti ako pabalik at hinila niya ako papasok ng room.
"Wait--" May sasabihin sana ako kaso nagsalita siya ng malakas sa buong class. Yes, buong class dahil nandito na lahat ng mga "classmates" ko (not sure, though.. may kanya kanya na kasi silang upuan).
BINABASA MO ANG
Messing Up With The Bad Boys (BTS FanFiction) [HIATUS]
Teen FictionMy name is Cassandra Honasan. 16 years old. I'm beautiful and sexy. I'm talented and genius. And yes, we're rich. But, I'm a simple girl and I live my life in a simple way. Hindi ako pa-kikay and the such.. Hindi rin ako nakikipag-participate sa mg...