Chapter Eleven

161 6 1
                                    

Cassandra's POV

Dumaan ako sa supermarket para bumili ng beer. Twenty cans ang binili ko. Pinadoble ko na lang ng plastic para di makita nila manang pag-uwi ko. I need to do this, pagkatapos naman nito ay magiging malakas na ulit ako. Just spare me this once.

Pagkapasok ko palang ng kwarto ko ay nag-umpisa na naman tumulo luha ko. Ang sakit isipin na yung taong pinagkatiwalaan mo ay kaya kang iwan ng ganun ganun lang. Kung kailan naman natutunan mo na siyang mahalin.. kung kailan nahulog na ako sa kanya. Ako kaya mahal niya? Naalala ko tuloy yung sinabi noon ni Jin.

"Tapos ano? Aasa siya? Mag-a-assume na may gusto rin ako sa kanya. Ganun naman kayong mga babae eh. Konting pakita lang namin ng sweetness, iisipin niyo may gusto na kami sa inyo. Pag nasaktan kayo, sa aming mga lalaki ang sisi na mga paasa kami."

Sweet lang ba talaga si Jungkook? Pero bakit niya ako hinalikan? Trip lang ba yun? Pero dalawang beses niya yun ginawa! Imposibleng wala siyang siyang feelings sa akin kahit konti. O nag-a-assume lang ako?

Nakaka-limang can ng beer na ako. First time ko uminom pero parang sanay na ako. Manhid na ako at hindi ko na malasahan ang pait. Sa pang-walong can ko ay umikot na ang paligid ko at nagdilim ang paningin ko. Sana bukas.. hindi na ako nasasaktan.

Three years later..

Papunta akong Korea ngayon. Three years ago, nalaman ko na buhay pa ang grandparents ko sa side ni mommy. Itinakwil pala siya noon dahil ayaw nila kay daddy. Korean din kasi ang gusto nila na makatuluyan ni Mommy. Hindi nila alam na may anak si mommy, which is ako, dahil akala nila ay pauwi noon sila mommy galing honeymoom. Ang di nila alam ay pauwi sila noon para sa 1st birthday ko.

Flashback

Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko. Ang kalat din ng kwarto ko. Tumayo ako kahit na nahihilo ako. Kailangan ko maligo para maalis to.

"Yuck. Ang baho ko." Sabi ko pagkaamoy ng damit ko. Buti nalang hindi ako nagsuka.

Nagsuot lang ako ng loose shirt at maong short pagkaligo ko. Mag-stay ako sa bahay ngayon, ayoko muna makihalubilo sa mga tao. Pagkababa ko ay naabutan ko si Tita at may kasama siyang dalawang matandang singkit. Mukhang mag-asawa. Kailan pa umuwi si Tita? Sino yung mga kasama niya? Lumapit ako para mag-mano. Seryoso lang ang mukha ni Tita.

"Cassandra, sila ang lolo at lola mo sa side ng mommy mo." Naiiyak na sabi ni tita. Nagulat ako kaya nakatingin lang ako sa dalawang matanda.

Nakita ko naman na naluluha na rin sila. Lumapit ako sa kanila at niyakap sila ng mahigpit. Naramdaman ko na nababasa ang kaliwang balikat ko. Umiiyak si lola.

Simula ng araw na yon ay lagi ko na silang nakakasama. Nasa Pilipinas sila hanggang graduation ko. Ako ang Valedictorian kay tuwang tuwa sila. Ang hiningi kong gift ay mag-aral sila ng tagalog, dahil lagi akong nano-nosebleed lalo na misan korean ang pagsasalita nila kahit ako ang nasa kaharap nila.

End of Flashback

Gusto sana nila mag-stay sa Pilipinas pero kinailangan nila bumalik ng Korea dahil sa Entertainment and Recording Company nila. Maraming bagong auditionee kaya kailangan sila dun.

Hindi na ako nag-aral ng college. Gabi-gabi ay nagba-bar hopping ako. Flirting with different guys every night. Tuwing umuuwi ay lagi akong lasing. Ilang beses na ako sinubukang kausapin nila Tita at Manang pero nginingisian ko lang sila. Sila lola naman ay hinayaan lang ako, basta nandyan lang daw sila kung kailangan ko sila. I admit, malaki nga ang ipinagbago ko. Ako rin nong una ay hindi makapaniwala. Pero wala, nasaktan ako. Gusto ko naman sumaya.

Messing Up With The Bad Boys (BTS FanFiction) [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon