"Midnight meet-up"
Tahimik ang paligid. Wala na rin mga katao-tao sa paligid. Malamang ay takot lamang ang iba na lumabas ngunit ang iba naman ay tulog na pero para sa kaniya. Ito pala lamang ang kaniyang kalayaan. Para siyang kolono na nakakubli sa anino ng kakambal niya. Gabi lamang ang kaniyang kalayaan na makalabas sa kaniyang malapalasyong bahay este kulungan.
Nang tumuntong ang 11 ng gabi ay dali-dali siyang lumabas sa tahanan nila at tinahak ang lugar papuntang bayan. Sout ang sumbrero at makapal na jacket ay naglalakad siya sa pamilihan. Napakatahimik ng lugar pero para sa kaniya ay masaya na siya. Gabi lamang siya nakakalabas at ito ang unang pagkakataong makalakad siya ng walang kasamang buntot. Ganun kahigpit ang parents ko. Kahit gabi ay pinapabantayan ako samantalang ang kambal niyang si cristine.
Malapit na siya sa park ng may nakabangga siya kaya naman napasubsob siya at nawala ang kanyang sombrero.
"aray." hiyaw nito sa boses nito ay hula niya isa itong lalaki.
Napansin naman niya na parang nagmamadali ito kaya naman kumunot ang kaniyang noo. Napalingon siya sa pinangalingan ng lalaki at ganun nalang ang laki ng mata niya ng makita ang ubod ng daming babaeng humahabol dito.
"hΦly cΦw!!" sabi niya at hinila ang lalaki sa tabi ng talahiban. Hirap na hirap pa siyang hilain ito dahil mukhang sumakit pa ang paa nito.
Umupo sila doon at hinintay na lumampas ang mga babae.
"haisst" sagot niya at napabuntong hiniga. Tumingin siya sa katabi na nakangiwi na nakatitig sa kaniya. "problema mo?" tanong ko at tumayo.
"saan ka pupunta?" tanong nito at hinila ang kamay niya .
Di siya sumagot at tiningnan lamang ito.
"iiwan mo ko dito ng ganito? Pagkatapos mong humarang sa daan?" sabi nito sa kaniya kaya naman napangiwi siya."kasalanan mo yan boy" sabi ko dito at boung pwersang kinuha ang kamay at umalis sa talahiban.
Nangnapansin na di sumunod ang lalaki ay tiningnan niya ito. Nakaupo pa din ito at tumingin sa kaniya na parang nagmamakaawa.
"tsk."ismid niya at inirapan ito "umalis ka na diyan boy. May ahas dyan" sabi niya dito. Bigla naman nanlaki ang mata nito at tumakbo papunta sa kaniya. "parang babae" sabi niya at tumalikod.
"a-ano? Di mo ba ako kilala?" tanong nito na parang nagmamayabang. Doon ay naistatwa siya. Papano kung kilala ito ng kapatid at baka mapahamak pa sila. Hindi na niya alam ang gagawin ng magsalita ito.
"sean drake pala" sabi nito at inabot ang kamay subalit tiningnan niya lang ito at hindi sumagot.Biglang nagalarm ang relo niya at nakitang three oclock na kaya naman tiningnan niya muna ito sa mata.
"hindi mo na dapat malaman" matabang na sabi sa lalaki at umalis na doon. Tiyak niya naman na huling beses na nila iyon na pagkikita.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT MEET-Up
AdventureThis content is made up of my pretty little mind. Kung may pagkakahalintulad man ay di sinasadya at nagkataon lamang