ANDITO pa rin ako sa sala palakad lakad. Hindi ako mapakali hanggang ngayon kasi wala pa si alex lumalabas.
Maya maya pa ay bumakas ang pinto at lumabas.
"bud. Ano? Kamusta siya?" tanong ko dito.
"bad news bud. Pero wag ka mabibigla"
"ano ba yun?" aligagang tanong ko dito.
"Mukhang isang buwan nabugbog ang gf mo at ngayon lang nakapagpahinga tsaka bud hindi lang yun. May napansin ako sa kaniya. May part ng ulo niya na may malaking hiwa. Maybe from operation i guess? Alam mo ba yun?" tanong nito sa akin.
"operation?" takang tanong ko. "i don't know" mahinang banggit ko. Naramdaman ko namang tinapik niya ang balikat ko.
"don't worry bud. Anything will be okay. She just need some rest. Ill go now" paalam nito na tinanguan ko lang.
Paglabas nito ay nanghihinang napaupo ako sa sofa. Accident? Si cristy? Impossible dahil hindi naman na acceidenty si cristine unless magkaiba sila. Tumayo nalang ako at pumunta sa kwarto doon ko nakitang namamahinga si cristy.
Sino ka ba cristy?bakit pinapabilis mo ang tibok ng puso ko. Si princess lang nakakagawa nito eh. Matagal ko itong tinitigan hanggang sa naramdaman ko na lang ang sarili kung hinalikan siya sa LABI
[TINA P.O.V]
MABIGAT ang pakiramdam ko ng naramdaman kung may dumampi sa labi ko. Napakasarap nun sa pakiramdam maya maya pa ay naramdaman kung nawala ito.
"cristy. What are you doing to me" sabi ng boses sa gilid ko kaya naman napadilat ako ng mata at nakita ko sa tabi ng bintana si drake na ginulo gulo ang buhok maya maya pa ay bumuntong hininga ito at humarap sa akin.
"cristy!! Maayos na ba ang pakiramdam mo?" alalang tanong nito at lumapit sa akin.
"asan ako"
"andito ka sa condo ko. Bigla kang nawalan ng malay kaya naman dito kita dinala" paliwanag nito. Tumango tango ako at umiwas ng tingin."cristy umamin ka nga. Sino ka ba talaga" sambit nito kaya naman napatingin ako sa kaniya.
Bigla ay bumalik ang sinabi ni tine tine kaya naman napaluha ako.
"cristy? Bat ka umiiyak?" tanong nito.
"gusto mo ba malaman" malamig sa yelo ko pang sabi sa kaniya na nagpanginig dito.
"o-oo"
Napabuntong hininga ako at tumayo sa harap niya. "I am princess cristina sofie reyes." sabi nito na nagpahinto sa kaniya.
"re-reyes? Princess reyes??" biglang tumulo ang luha nito na kinataka ko.
Di ko ito pinansin at nagpatuloy. "i have a twin name precious cristine sofia reyes." dadagdag pa sana ako ng yinakap na ako.
"kaya pala iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko si cristy sa umaga." sabi nito at suminghot. Lumayo ito sa akin at tinitigan ako sa mata "princess di mo ba ako nakikilala ako to?? Si sean!!" sabi nito na tuwang tuwa pero nanatiling nakakunot ang noo ko.
"sean?" tanong ko.
"oo ako to ang kababata mo!!!"
"pasensya na pero wala akong naalalang sean. " sabi ko dito at muling tumulo ang luha niya.
Alam ko na nagmumukha na akong bakla pero princess. Alam mo ba miss na miss na kita akala ko namatay kana pero di ko akalain na buhay ka." madamdaming saad nito pero di ko pinansin.
"namiss kita kahit na alam ko na di mo na ako maalala pero uunti untiin natin. Ipapaalala ko sayo ang lahat at sisimulan natin sa lugar kung saan tayo unang nagkita" saad nito
KATULAD nga ng sabi ni drake ay dinala niya ako sa palawan kung saan kami unang nagkita.
"dito sa lagoon na to tayo unang nagkita" sabi nito at kumapit sa riles kung saan tanaw mo ang ilalim ng tubig.
Ginaya ko ang ginawa niya. Tumanaw din ako sa ilalim at nakita ko doon ang mga tilapia na tila nagkukumpulan sa isang lugar.
"anong tawag sa isda na yan!" namamanghang tawag ko sa malaking goldfish. "ang laki naman na pagkagoldfish yun" pagkasabi ko noon ay tumawa ng tumawa si drake.
"hindi iyan goldfish. Carpa ang tawag nsming narranians diyan" sabi nito na kinatango ko naman.
Napalingon ako sa paligid at nakita ko ang dinaanan namin kanina. Maraming tao ang nagdidate doon sa parteng iyon. Maraming kabataan din ang nagsicellphone.
Maya Maya pa ay lumakad uli si drake at pumunta sa harap ng isang building na may nakalagay na 'I LOVE NARRA'
"Noong panahon na iyon ay tumakas ako sa amin dahil ayoko dito sa probinsya. Gusto ko manirahan sa city kung saan maraming tao hindi dito pero nabago ang lahat ng iyon ng may narinig akong umiiyak sa kabilang bahagi nito" mahabang sabi nito at hinila ako paikot ng pader na parang harang at doon ko nakita ang malawak na playground. Maraming bata ang naglalaro ngayon dito marahil dahil ay festival ng bayang ito.
"dito kita nakita noon nakaupo diyan sa may slide." turo nito sa may padulasan. "midnight din noon kaya naman natakot ako at tinakbuhan kita kasi akala ko multo ka" sabi nito at tumawa na para bang nakakatawa ang eksenang ganoon. "pero narealize ko na hindi mo ako hinabol kaya naman binalikan kita pero wala ka na doon" sabi nito at malungkot na ngumiti sa akin.
"Alasingko na tara!!" sabi nito at hinila ako papasok sa simbahan. Napakalaking simbahan. "Pangalawang pagkikita natin dito sa simbahan" sabi nito at hinawakan ang kamay ko.
"nag-iisa ka kasi na nagdadasal noon kaya naman nilapitan kita" sabi nito na siyang nagpasakit ng ulo ko. Parang may umuukay pero hindi ko pinahalata sa kaniya.
PUMASOK pa kami ni drake sa loob at naupo.
"d-drake." mahinang usal ko dito.
"bakit!" tanong nito na nakatingin pa rin sa harap.
"d-drake ang sakit ng ulo ko" usal ko dito na nagpaharap sa kaniya.
"h-ha. Talaga baka makakaalala kana!!!" masayang turan nito subalit umiikot na ang paningin ko.
"princess!!!" rinig kong tawag niya pero di na ako nakatugon.
[SEAN DRAKE P.OV]
"PRINCESS!!!"hiyaw kong sigaw dito dahil bigla itong natumba mabuti na lamang at nasalo ko siya.
"iho anong nangyayari!?" tanong ng matandang lumapit sa akin.
"dalhin po natin siya sa hospital!" sagot ko dito kaya naman dali dali itong umalis para kumuha ng sasakyan.
Pagdating namin sa hospital ay agad na inasikaso nila si princess. Maya maya pa ay lumabas na si Dr. Sarmiento na siyang tumingin sa kalagayan ni princess.
"doc how is she?" tanong ko agad dito. Ngumiti naman ito at tinapik ako sa balikat.
"don't worry iho. Lagnat lamang iyon. Masyado lamang siya napagod kaya lumala ang sakit niya pero reresatahan pa rin kita ng gamot" sabi nito at may binigay na mga dapat bilhin.
"maiwan na kita"sabi nito at umalis na.
Pumasok naman ako sa kwarto ni princess sa hospital at umupo sa tabi niya.
"pinag-alala mo ko princess. Sana di na to mauulit" mahinang usal ko at hinalikan ito sa noo.
Sa tagal na panahon ko siyang hinintay ay natatakot ako na mawala siya muli kaya gagawa ako ng paraan wag lang mangyari ang nangyari noon.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT MEET-Up
AdventureThis content is made up of my pretty little mind. Kung may pagkakahalintulad man ay di sinasadya at nagkataon lamang