CHAPTER 2

3 1 0
                                    

chapter 1:

PAG-UWI sa bahay ay sarado ba ang mga ilaw. Sa wakas safe ako. Di nila malalaman na lumabas ako ng bahay

Paakyat na sana ako sa hagdan ng may sumigaw
"SAAN KA NANGALING CRISTINA?" tanong ng kung sino sa likuran kaya naman napalingon ako dito at nakitang si yaya ito.

"diyan lamang po yaya" sabi ko dito at bumaba para mahalikan ito sa pisngi.

"nakuu..ito talagang bata ito. Alam ko namna na sabik ka na makalabas. Pero alam mo naman diba.?hindi ka maaring makita ng mga tao!paano kung malaman ito ng magulang mo?" mahabang sermon nito.

"hindi po nito malalaman dahil hindi namn po ako nagpakita sa iba" sabi ko pero dali dali naman umiwas ng tingin.

"sige na nga.. Matulog ka na lamang ng sa ganun ay kung sakaling magising ang iyong ina at ama ay iisipin nilang tulog ka" sabi ng matanda kaya naman tumango siya at umakyat na sa kwarto.

Paghiga sa kama ay napaisip siya.
'ngayon lamang may nakakita sa kaniya' anong gagawin niya? Siguradong yari sa mommy niya pagnagkataon. Kambal sila ni cristine pero simula noon ay hindi siya hinahayaang lumabas. Isang sikat na artista si cristine kaya naman ng nagdalaga ay todo ingat na sya sa paglabas. Sa kanila ng kambal ay mas matalino siya dito. Pero mas malakas ang confidence nito.

"bahala na nga" sabi sa isip at pumikit na upang matulog

MIDNIGHT MEET-UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon