CHAPTER 2: Warning/Threat

6.1K 163 9
                                    

Sorry? Bakit sorry?

"Ting!" bigkas ni Rhea na may kasamang pagpitik ng daliri sa aking harapan. "Ayan ang sinasabi ko sa 'yo. Tulo-laway ka na naman d'yan sa isang Prinsipeng ubod ng MANHID!" Lumingon pa siya sa gawi ni Prince habang ni-emphasize nang pasigaw ang salitang "manhid."

Pero si Prince ay parang wala lang namang narinig kahit hindi pa naman siya gaanong nakakalayo. Mas nakaagaw-pansin pa nga namin ang mga estudyanteng nasa mas malalayong table.

"Hindi, no. M-May iniisip lang ako," pagtanggi ko kahit sa loob-loob ko ay... KINIKILIG AKO, OH MY, FAFALICIOUS! NIYAKAP NIYA AKO! OH MY GOD! Pero hindi mo 'yan makikita sa physical appearance ko. Magaling akong mag-hide ng aking nararamdaman simula noo—

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad palayo ng canteen, pero dahil kilala na ako ni Rhea, alam niya kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

By the way, ipinapakilala ko nga pala ang prinsipe ng buhay ko na si Prince Hernandez Jeong. Anak siya ni Tito King, na kaibigan at ka-trabaho ni Daddy. Ang mama naman niya, si Tita Nancy, ay kaibigan at dating workmate ni Mommy noong nagwo-work pa sila sa restaurant. Pareho na kasi silang nag-resign doon dahil nag-asawa na sila.

Kaya ang resulta, mga bata pa lang kami ay magkakakilala na kami. Pero hindi kami naging close ni Prince, kahit na palagi siyang nagtatangkang lapitan ako. Hindi siya nagtagumpay dahil sa panggigitna ng aking istriktong kambal.

Yes, I have a twin brother named Ian Rhavalez Heinrich.

He's been away from the Philippines for about five years, though I'm not sure of the exact year. Nagising na lang ako mula sa pagkakatulala na hindi ko na siya nakita. Ang sabi ni Mommy, nagtungo siya sa ibang bansa kay Tito Chad, na kapatid ni Mommy. Doon na siya mag-aaral. Siguro nga ay nakatapos na siya ngayon.

Hindi ko kasi siya nakakausap ng apat na taon mula nang magising ako. Suplado kasi siya, at sabi nila Mommy, hindi rin nila siya nakakausap. Si Tito Chad lang ang nakakausap nila at kinukumusta.

Nagtaka rin ako kung bakit biglaan na lang siyang umalis, samantalang halos itali na niya ang sarili niya sa akin. Ayaw niyang hiwalayan ako at ayaw akong palapitan ng kahit sino, lalong-lalo na ng mga lalaki. Kahit lamok, ayaw niyang padapuan ako dahil ako daw ang kaniyang Prinsesa. Tapos, magigising na lang akong wala na siya at iniwan akong hindi man lang nagpaalam.

Pero nasanay na rin ako sa itinagal-tagal na naming magkahiwalay. Ang ipinagtataka ko ngayon ay si Prince, na dapat ay nagagawa na ang lahat ng gusto niya dahil wala nang hahadlang sa kaniya. Pero...

But I've also gotten used to being apart for such a long time. Pero ang ipinagtataka ko ay si Prince na dapat ay nagagawa na niya ang lahat ng gusto niya dahil wala nang hahadlang sa kaniya. But...

...he distanced himself. He became distant from me. I became a stranger to him when I woke up from a nightmare of the past.

FLASHBACK~~

"Mag-iingat kayo, ha. Ian, ang kapatid mo. Huwag na huwag mo siyang iwawala sa paningin mo," paulit-ulit na habilin ni Mommy. Naririndi na nga 'ata si Kuya Ian, eh pero hindi naman niya kasi pinapansin dahil busy siya sa kaniyang phone.

Kanina ko pa rin napapansin ang pagtawag-tawag niya sa kung sinuman sa kaniyang phone at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Lumalayo pa nga siya kaya hindi namin marinig ang kanilang usapan.

"Ian, did you hear me?! I'm talking to you." Naiinis na si Mommy sa kaniya. Narito kami sa living room ng aming mansiyon, na mukhang apartment kapag nasa labas ka. Nag-aayos kami ng aming bagahe para sa camping sa Antipolo, na tatlong araw at dalawang gabi kasama ang buong senior high.

SHADOW 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon