CHAPTER 34 ALIVE

3.8K 153 7
                                    

Maian's POV

"Daddy Prince, bakit ba hindi ka pa nagigising? Wake up, please. Miss na miss ka na namin ng mga bata. They are looking for you, daddy." Hindi ko mapigilang mag-alala dahil ilang araw na ang nakalilipas simula noong insidente, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising si Prince.

Hinahanap na rin siya ng mga bata. Mabuti na lang at nariyan sila mommy at daddy. Palagi nilang inilalabas para malibang at makalimutan nila panandalian ang kanilang ama.

Palagi rin silang dinadalaw nila tita Nancy at tito King at dinadalhan ng mga kung ano-anong pasalubong. Ako naman ay halos hindi na rin umuuwi kahit hinahanap na rin nila ako.

Mas kailangan ako dito ni Prince at gusto kong sa paggising niya ay ako ang unang-una niyang masisilayan.

"Hmmn.."

"P-prince?" Bigla akong nataranta nang marinig ko ang kanyang pag-ungol.

Gising na ata siya?!

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at inilapit ko ang aking mukha sa kaniya.

"Prince? Daddy Prince, i'm here."

"Hmmn.." He slowly opened his eyes and stared at me with no emotion. 

"Y-you're awake." Tears streamed down my face and I hugged him tightly. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

"M-may masakit ba sa iyo? I'll call the doctor." He just stared at me and didn't answer. I couldn't read any emotions in his eyes kaya naman nilukuban kaagad ako ng kaba.

"D-do you remember me?" I nervously asked him as I held his face.

There was a bandage still wrapped around his head and every time I saw it I couldn't help but feel afraid that it might affect his memory. That maybe when he woke up he couldn't remember me. At hindi iyon p'wedeng mangyari. Kung sa akin lang ay walang problema pero paano ang mga bata?

"D-daddy? C-can you hear me? D-do you remember me?"

He still didn't respond and I noticed that his eyebrows were slowly arched kaya naman mas dumoble pa ang pagkabog ng aking dibdib.

"Please, d-don't do this to me. Daddy Prince, please."

My tears were dripping. Wala sa sarili kong inilapat ang aking labi sa kanyang mga labi at siniil ko siya ng mapang-alab kong halik. Matagal bago ako bahagyang umangat mula sa kaniya.

"I'm Maian, Prince. Please remember me, please."

Muli ko siyang hinalikan ngunit hindi talaga siya sumasagot. Muli akong umangat at pinakatitigan siya sa kanyang mga mata.

"Prince..." Hindi ko na alam ang gagawin ko!

Tatayo na sana ako para tawagin ang doctor upang malaman kung ano ang nangyayari sa kanya ngunit bigla niya akong niyakap at napasandal ako sa kanyang dibdib.

"I s-still don't r-remember anything. C-can I ask for another kiss?" Natigilan ako at napanganga sa kanyang sinabi. At dito ko na rin napansin ang pilyo niyang ngiti na pilit pa niyang pinipigilan.

"Daddy Prince!"

"Ah," daing niya nang hampasin ko siya sa kanyang braso pero tumawa din naman sa huli.

"Nakakainis ka! Tinatakot mo 'ko!" Napaiyak ako pero hindi sa inis kundi sa kaligayahan sa kaalamang naaalala niya ako at walang anumang masamang nangyari sa kanya.

SHADOW 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon