CHAPTER 16 MAHAL

4.1K 153 2
                                    

Walang kapagurang laro at kulitan ang mag-aama sa maghapon. Tinuruan din ni Prince ang mga bata sa pagsusulat, english-tagalog spelling at pagso-solving. Ako naman ay walang ginawa kun'di ang picturan sila at i-vedio.

Nakakaiyak silang panoorin. Hindi maiwasang manikip ang aking dibdib dahil sa nakikita kong pagmamahal na ibinibigay ni Prince para sa mga bata. Daig pa niya ang isang ina. Samantalang ako? Anong ginawa ko? Pakiramdam ko ay ang sama-sama ko.

"Hey, you're crying. Why?" biglang tanong sa akin ni Daddy Prince.

"H-ha?" Agad kong kinapa ang aking pisngi at nalaman ko ngang basa. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Mabuti na lang at abala ang mga bata sa pagsusulat kaya hindi nila ako nakita. Siguradong maiistorbo sila at ako naman ang kanilang kukulitin.
"Ah, h-hindi. May naalala lang."

Napatitig siya sa akin pero hindi ko mabasa ang emosyon sa kaniyang mga mata.

"Problem? Marunong akong makinig," taimtim niyang sabi sa akin.

Hindi ko alam kung alam ba niya ang nangyari sa akin noon. After kasi niyon ay lumayo na siya sa akin. Iyon kaya ang dahilan? Pinandirihan ba niya ako?

Inilihim na lang nila Mommy at Daddy ang nangyaring scandal sa akin noon para daw sa aking kapakanan. Hindi rin naman kasi nahuhuli pa ang gumawa niyon sa akin. Pero ang sabi sa akin ni Daddy ay hindi pa rin daw siya tumitigil sa paghahanap hanggang sa ngayon.

Hindi ko sinasabi sa kanila na nakikita ko ang anino ng lalaking iyon at palagi pa ring sumusunod-sunod sa akin. Kailan nga lang ay muling naglapat ang aming mga balat at higit pa doon. Hinalikan pa niya ako!

Ang ipinagtataka ko lang ay bakit hindi ako nakaramdam ng kahit anong pandidiri sa kaniya noong mahalikan niya ako? Noong niyakap niya ako ay kakaibang init ang dumaloy sa aking katawan. Kabaligtaran noong gabing hinalay niya ako na punong-puno ng pagnanasa. Para siyang hayop noong gabing iyon!

"Ahh, c-can i ask you?" mahinang tanong ko sa kaniya.

"What is it?" Mas tumabi pa siya sa akin at hinayaan ang dalawang bata sa center table dito sa sala na abala sa pagsusulat.

"Amn, m-may nalalaman ka ba sa akin na p-pangyayari noon? M-may alam ka ba?" Biglang nablangko ang kaniyang mukha at umilap ang kaniyang mga mata.

"W-what do you mean?" tanong niya na hindi makuhang tumingin sa akin.

"B-bakit ka lumayo?" Doon naman siya napalingon sa akin.
"D-di ba, palagi kang gumagawa ng paraan na makalapit sa akin? Bakit ka lumayo?" Lumalakas ang tambol sa aking dibdib pero pilit kong pinakakalma ang aking sarili.

Napahinga siya ng malalim.
"Do you see them?" turo niya sa mga bata. "May babaeng aksidente kong nabuntis."

"Accident?" Natawa ako.
"Ipinasok mo, ipinutok mo, aksidente iyon?" maanghang kong tanong sa kaniya at napanganga naman siya sa akin. Lalaki talaga. Wala rin siyang ipinagkaiba sa mga fuckboy.

"You don't understand, Maian. It was an accident and I never wanted it to happen in my whole life," seryoso at taimtim  niyang sabi sa akin.

"Eh paano 'yon nangyari?"

"That was complicated at ayokong sa akin manggaling 'yon."

"Hindi kita maintindihan. Eh bakit hindi mo na lang pinanindigan ang ina ng mga bata? Kawawa naman ang mga bata, wala ang totoong nanay."

"The children's mother hates me so much."

"Eh kasi nga tinakbuhan mo siya," gigil pero mahina kong sabi sa kaniya para hindi namin makuha ang atensiyon ng mga bata.

"Hindi ko siya tinakbuhan, ayaw niya sa mga bata. Kaya ko siyang panindigan, I can marry her in any church or in all churches as long as she accepts our children," taimtim at seryoso niyang sabi sa akin. Para bang pinapatimo niya sa aking isipan ang kaniyang mga sinasabi.

Para namang tinusok ang aking dibdib sa kaalamang pakakasalan niya ang babaeng iyon kahit saan pang simbahan, o kahit sa lahat ng simbahan?! Gano'n ba kaimportante sa kaniya ang babaeng iyon? Ang akala ko ba ay ako lang ang pag-aari niya?!

"M-mahal mo ba siya?" Napatungo ako at para bang gusto kong bawiin ang aking tanong. Hindi ko 'ata kayang tanggapin ang maaari niyang isagot sa akin.

"Yes." Napatingala ako sa kaniya.
Nanikip ang aking dibdib at hindi ko mapigilan ang panlalabo ng aking paningin sa luha.

Pero agad ko itong pinigilan.
"I love her so much, but she hated me so much. So I could do nothing but let her do what she wanted to do... at gagawin ko rin ang mga gusto kong gawin."

***
Pabaling-baling ako sa kama at hindi ako makatulog. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Prince. Ibig sabihin, noong matulala ako sa loob ng isang taon ay nakahanap kaagad siya ng iba? Ipinagpalit niya ako kaagad ng ganoon kabilis?! Tapos ay sasabihin niya sa aking mahal niya ang babaeng iyon?! B'wisit siya!

Gusto kong makilala ang babaeng iyon at tatadtarin ko siya ng pinong-pino!

"P'wede bang matulog ka na, ang likot mo. Baka magising si Princess?" Bigla tuloy akong napalingon sa aking tabi nang may bumulong sa aking tainga.

Gising pa pala ang b'wisit na ito?! Kainis!

Oo nga pala, magkakatabi nga pala kami dito sa kanilang kama dahil ayaw talagang matulog ng dalawang bata na hindi ako katabi. Kanina ay nakayakap sa akin si Princess pero dahil tulog na siya ay nawala na ang kaniyang yakap dahil pabaling-baling ako ng higa pero ang magaling namang ama ang nakayakap sa akin ngayon!

Sa pagkakaalam ko ay dalawa lang ang kaniyang anak na hinayaan kong yumakap sa akin, bakit parang naging tatlo na?!

Sinamaan ko siya ng tingin at tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin pero muli lang din niyang ibinalik at mas niyakap pa ako ng mahigpit!

"Matulog na tayo, okay. Ang likot-likot mo, natatamaan mo ang jr ko," bulong pa rin niya sa aking tainga.

"Tuhurin ko kaya 'yan nang malaman mo kung gaano kasakit ang ginawa mo?" matigas kong bulong sa kaniya.

"Ha? What do you mean? Nasaktan ka saan?"

"Wala," sagot ko at pumikit na lang ako.

"Nagselos ka ba?" Inugoy pa niya ako.

"Mukha mo," sagot ko habang nakapikit.

"Pogi."

"Ew."

Napamulat ako nang bigla niya akong halikan ng mabilis sa labi.

"Tigilan mo 'ko," matigas kong bulong sa kaniya.

Nangiti lang naman siya. Ano bang ginagawa ng lalaking ito? Akala ko ba ay may mahal na siyang iba?

"Why? Aminin mo muna."

"Wala akong aaminin."

"Selos ka."

"Hindi."

"Selos."

Muli ko siyang sinamaan ng tingin at ang sira-ulong ito. Pangiti-ngiti pa sa akin!

"Mahal naman kita ah," bigla niyang sabi habang nakatitig sa aking mga mata at bababa din sa aking mga labi. Na-speechless ako at napanganga.

"M-mahal mo 'ko?"

"Ayaw mo?"

"Seryoso?"

"Ayaw mo nga?"

"G-gusto."

Nangiti siya ng malawak at agad niyang sinunggaban ang aking labi at siniil ng mapusok na halik.

Mahal niya ako! Hindi kaya nananaginip na naman ako?

SHADOW 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon