LALISA's POVMatapos ang dalawang linggong bakasyon.
Pasukan nanaman.
"Oh. Halatang paborito ka ni Maam J-un ah." Pag lapag ni Bambam ng pagkain namin. Lunch break na kasi namin, tapos na lahat ng morning class.
"Hayaan mo na yun." Walang gana kong Sagot saka kinain yung binili nya.
"Oy, mag papaliwanag kapa sakin Manoban!" Nakakunot noong sabi ni Jungkook.
"Tungkol saan?" Naguguluhan kong Tanong.
"Tungkol kay Nam Ji Hyun." Sagot nya.
"Oo nga. Paliwanag mo nga kung bakit parang iba yung tensyon sa pagitan nyong dalawa e." Puna ni Jin.
"Oy, mga lalaking chismoso! Ano nanaman pinag chichismisan nyo dyan?" Sulpot ng kakarating lang na Si Chichu kasama si Rosé.
"Yung prof kasi namin e, mukhang type Si Lisa." Sagot ni Bambam.
"Aba? Edi mabuti. Sa prof mo na lang ibaling atensyon mo." Sabi ni Chichu.
"Baliw! Hindi pwede yun. Saka Chichu, kilala mo sya." Sabi ko nang alalahanin ang nakaraan.
"Kilala ko? Sino nanaman sa mga babae mo?" Tanong nya.
"Si Jayi. Professor namin sya ngayon." Sagot ko.
"A-ano?! Pero paano nanagyare yun?!" Naguguluhan nyang Tanong.
"Teka nga! Hindi kami makarelate. Pwede bang ipaliwanag nyo muna ng maayos." Sabi ni Jungkook.
"Okay. Ganto kasi yun..." panimula ko.
FLASHBACK
Nandito ako ngayon sa bahay nina Tito at Tita sa Davao. Dito kasi ako nag aral nang 1st yr highschool. At ngayon, bakasyon na. Napag desisyunan ko nang bumalik sa Manila dahil Mas sanay padin ako sa pamamalakad doon.
"Pards. Tara na, akala ko ba tutulungan mo ko?" Sabi ni Jayi nang makapasok sa room ko.
Kaibigan ko Si Nam Ji Hyun. Jayi ang tawag ko kasi yun yong unang pag kakaintindi ko sa pangalan nya nung nag pakilala sya sakin. Naging kaibigan ko sya dahil schoolmate ko sya. Graduating sya nung panahon na yon.
Ngayon nag papatulong sya sakin na mag hanap ng magandang school dito sa Davao.
"Sige na. Pero, tatlong school lang ulit ha? Nakakapagod e." Paninigurado ko.
"Oo na. Tara na." Sabi nya. Sinamahan ko sya nung mga nakaraan, May ilang napili na sya kaso Mas nagpipili pa sya.
Hindi ko pa din nasabi sakanyang aalis na ako. At huling tatlong araw na namin itong magkasama.
Matapos namin mag inquire sa mga Universities. Nag lunch na muna kami.
"Pards, kapag wala kang klase at wala akong klase, mag kita tayo ha?" Nakangiting sabi nya.
"Uh. Jayi? May sasabihin pala ako sayo e." Ngayon na yata ang tamang panahon para masabi ko na. Nahihirapan akong sabihin sakanya dahil natatakot akong magalit sya o malungkot sya.
"Sagutin mo muna yung tanong ko." Nakapout nyang sabi.
"Mukhang mahirap yun e." Sabi ko.
"Bakit naman? First year college pa lang naman ako e. Hindi pa naman ako magiging busy nun." Pag pilit nya.
"Hindi naman kasi ayun yong problema." Sagot ko.
"Eh Ano pala?" Tanong nya.
"Jayi, babalik na ako sa Manila. Doon na ulit ako mag papatuloy nang Pag aaral ko." Seryoso kong Sagot sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/206415749-288-k351363.jpg)
BINABASA MO ANG
I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETED
FanficYung nobody na akala mo wala lang yun pala yung magiging buong mundo mo. Paano kung mahal nyo pala yung isa't isa, pero pinag lalaruan kayo ng tadhana. Mananatili kaya ang pagmamahal nyo sa isa't isa hanggang dulo o mapapagod at susuko ka na lang?