Chapter 55: Escape

1K 22 0
                                    



JENNIE's POV

7pm na wala pa din si Kai. Ang sabi nya 6pm sya pupunta para makapag pahinga pa sya. Mamayang 8pm na kasi ang byahe namin papuntang San Francisco para mag bakasyon. Dapat kasama si bestie kaso may pasok pa ang ate nya kaya hindi pa sya pwedeng sumama. Pero, napag usapan na namin yun na susunod sya samin agad pag nag bakasyon na ang ate nya.

"Rj!" Nagulat ako sa pag sulpot ni Kai. Nasa labas kasi ako nag mumuni muni.

"Tara na. Aalis na tayo." Sabi nya. Bakit parang pagod na pagod sya saka may ilang pasa sya sa mukha. Nakipag bugbugan ba to?

"Nag mamadali ka ba?" Tanong ko.

"Si Tito kasi. Sabi nya may mga aasikasuhin pa daw sya kaya dalian na natin." Sabi nya at nauna ng pumasok sa bahay. Anong meron? Parang may iba sakanya? Parang hindi sya yung Kai na kilala ko?

"Tara na." Sabi nya ng bubuhatin na sana yung mga gamit ko.

"Mag paalam muna tayo kina Mama." Pigil ko sakanya.

"Ay, oo nga pala. Nasan ba sila?" Tanong nya na parang wala sya sa sarili.

"Tawagin ko lang." Paalam ko sakanya saka na umakyat para tawagin sina Mama. Pero, si Papa lang ang nandun. Pag baba namin kausap na pala ni Kai si Mama.

"Mag iingat kayo ha. Kai, may tiwala ako sayo. Ikaw na munang bahala kay Jennie. Wag mo syang paabayaan." Bilin ni Mama.

"Wag po kayong mag alala. Ako pong bahala kay Rj." Sagot nito.

"Tsk. Kung ako lang, hindi ako papayag. Dapat nag sabay nalang kayo ni Irene." Pag tutol ni Papa.

"Ang kj mo naman. Si Kai naman ang kasama ng anak mo kaya wag kana magalit dyan." Sabi ni Mama kay Papa.

"Ayun na nga e--" Hindi na naituloy ni Papa ang sasabihin nya ng sumabat ako.

"Ma, Pa wag na kayong mag talo. Pupunta pa kami kina Bestie para mag paalam. Sige na po, aalis na po kami." Pag papaalam ko sakanila.

"Osige. Mag iingat kayo doon ha." Sabi ni Mama saka ako niyakap. Si Papa naman umakyat na ulit. Mukhang hindi talaga sya napapayag ni Mama kaya nag away pa tuloy sila. Hindi na nga ako dapat sasama kaso sabi ni Mama sya na lang daw ang bahala.

"Tara na." Aya sakin ni Kai. Nasa kotse na pala sila.

"Pero, hindi pa ako nag paalam kay bestie." Sabi ko.

"Wala dyan si Irene. Kaya tara na Rj." Natarantang sabi ni Bum. Bakit sya natataranta? Bakit ganun nalang sila magmadali? Masyado ba talagang importante yung gagawin ni Tito?

"Paanong wala?" Naguguluhan kong tanong.

"Ano kasi.. dumaan kami kanina para sana sabay sabay na kaming pupunta dito kaso walang tao sakanila." Paliwanag ni Kai. Huh? Si bestie aalis? Hindi man lang nag sabi? Hindi man lang inantay na makaalis ako?

"Tara na Rj! Magagalit na si Papa." Sabi ni Bum. Kaya pumasok na ako sa passenger seat. Nasa likod kasi si Bum. Hindi parin ako makapaniwala na hindi ko man lang makikita si bestie bago ako umalis. Haaays. Nasan kaya yung babaeng yun? Hinawakan naman ni Kai yung kamay ko.

"Wag kana mag isip ng kung ano ano. Baka emergency lang. Tawagan nalang natin sya mamaya." Sabi nya. Sinunod ko naman yun dahil baka nga may kailangan syang asikasuhin.

Maya maya may madadaanan kaming checkpoint.

"May checkpoint insan." Naramdaman kong may takot sa pagkasabing yun ni Bum.


"Alam ko. Easy ka lang." Sabi ni Kai na parang nag pipigil ng kaba.


"Checkpoint lang, natatakot ka? Haha. Hindi ka huhulihin nyan Bum." Sabi ko.

"Sana nga." Narinig kong bulong nya. Bakit parang takot na takot sya? May nagawa ba syang hindi dapat para ikatakot nyang makakita ng pulis?

"Sir, saan po kayo pupunta?" Tanong ng pulis. Kausap na pala sya ni Kai.


"Airport." Kalmadong sagot nito. Hinawakan ko yung kamay nya at nabigla ako dahil malamig pero pawis. Pati ba sya takot sa checkpoint?

"Sige sir. Ingat sa byahe." Sabi nung pulis matapos nya iscan yung buong kotse.


"Haaay. Akala ko mapapatrobol nanaman e." Nakahinga naman ng maluwag si Bum. Bakit kaya?

"Mag tigil ka nga dyan!" Naiinis na sabi ni Kai sakanya.

"Yung phone mo pala?" Tanong ni Kai. Kinuha ko naman yun at inabot sakanya. Kinuha nya din yung kanya saka inabot kay Bum.

"Oh, lagay mo nga dyan." Kinuha naman yun ni Bum at hindi ko alam kung saan nya nilagay.

Mga ilang minuto pa nakarating na rin kami. Nang papasok na kami sa airport nag taka ako dahil kasama na si Bum.

"Kai, akala ko ba kasabay ni bestie si Bum?" Tanong nya.

"Napag usapan namin ni Insan na susunduin ko nalang sya pag pupunta na sya." Paliwanag ni Bum na hindi nakatingin sakin.

"Tama na daldalan. Tara na." Sabi ni Kai na nag mamadali talaga.

Nang makapasok kami. Tinignan ko yung buong lugar. Aalis na ako ngayon. Ang simula at pagtatapos. Simula ng panibagong buhay at pagtatapos ng nararamdaman ko para kay Lisa.

Hays. Parang gusto ko syang makita ngayon. Kahit sandali lang. Kung okay ba sya, baka hanapin nya ako. Pero, hindi na pwede Jennie. Tama na yung pag iisip sakanya. Mamaya pag pasok mo sa eroplano, alisin mo na sya sa isip at puso mo. Iwanan mo na dito yung alaalang meron kayo. At hayaan mo ng mawala yun sa paglipas ng mga araw.

kabay ng pag alis ko, ang paglimot sa kung anong nararamdaman ko sayo Lisa. Eto na yung huli.


At sa muling pagkikita natin, asahan mong wala na akong nararamdaman pa para sayo.



Paalam Lalisa.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon