Chapter 39

1.5K 73 53
                                    

                                                                Chapter 39

                                                                  Kimberly

            Nagsigawan ang lahat ng tao sa paligid ng Star Tower ng biglang may nalaglag mula sa itaas.

            “Go Kim!” Senyas ni Officer Perez habang tumatakbo ito palapit sa katawan ng bumagsak.

            Inilusot ko na ang susi sa huling Blood Lock. At sa pagkakataon na ito….

*****CLICK!******

            “Tumunog na!” Nakangiting sambit ni Alex.

            Agad kong hinugot ang susi, at kulay pula na ang limang bilog nito.

            “(Smile) Nice! Nakumpleto na natin!”

            Lumapit na din si Ma’am Bernadette sa amin.

            “Mukhang nagtagumpay sila Luther sa pagpigil sa inosenteng sakripisyo…. Si Mr. Loomis ang namatay.Balita niya.

            Labis na pagkatuwa ang naramdaman ko dahil nailigtas nila ang dapat na isasakripisyo. At kahit papaano ay nabawasan kami ng kalaban.

            Maya-maya pa ay dumating na din sila Luther, Trevor, Tom at Officer Alejandre.

            “Nakumpleto na ang limang layers ng susi!” Bungad ko sa kanila.

            “Kung ganon ay pwede na nating puntahan ang Fildenthon University para alamin ang itinatago ng basement.” Pag-aya ni Officer Alejandre.

            Pero may hindi inaasahang tao ang biglang lumapit sa amin.

            “Not so fast Detectives!” Sabi ng isa pang pulis.

            “Chief Bernabe….” Banggit ni Officer Perez.

            “Kailangan ko kayong maka-usap Smith at Jack. Sumakay na kayo sa sasakyan ko.” Utos ni Mr. Bernabe.

            “Pero Chief, may aasikasuhin pa po kami sa kasong ito, papunta na kami sa…… ”

            “(Shouting) This is a DIRECT ORDER Officer! Sakay sa kotse ko! MOVE!” Pagputol ni Mr. Bernabe sa paliwanag ni Officer Alejandre.

            Wala ng nagawa sila Officer Alejandre kundi sumunod sa mas nakakataas sa kanila.

            “Officer! Malapit lang dito ang bahay ko, doon tayo magkita-kita sa Convenience Store. Hihintayin namin kayo.” Sabi ni Tom.

            “Sige! Mag-iingat kayo.” Paalam ni Officer Alejandre at tuluyan na silang sumakay sa kotse ng leader nila.

                                                                   Alejandre

            Nang makarating kami sa head quarters ay sinabi kaagad sa amin ni Sir Bernabe ang tungkol sa pagpapatawag niya sa amin.

            “Tinatanggal ko na kayong dalawa sa kaso na may kinalaman sa Fildenthon University!”

Unfinished 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon