Chapter 30

1.7K 72 14
                                    

                                                                 Chapter 30

                                                                Alexandria

            Bumalik kami sa bahay nila Trevor para dito pag-usapan ang susunod naming galaw para sa paglutas ng kababalaghan na ito…. Nung una ay tungkol lang ang pag-iimbistiga namin sa kung bakit na pagpapakita si Tamara, tungkol sa paghahanap sa ama ni Trevor at kung ano ang laman ng basement. Pero ngayon ay mas bumigat na ang lulutasin namin lalo na at may kinalaman na ito ngayon sa occult. Nakakadagdag pa sa pressure na nararamdaman namin yung pagpapaubaya sa amin ng bagong Dean tungkol sa kaso na ito.

            Hindi masyadong maganda ang aura sa paligid, walang may gustong magsalita. Marahil ay nagkaka-ilangan pa kaming lahat dahil sa nangyari sa likod ng old building kagabi.

            “Ano ba? Hanggang mamaya nalang ba tayong magtitinginan dito? Kailangan na nating kumilos guys! Hindi na biro ang nangyayari!” Pangunguna ni Ma’am Bernadette.

            Please! Kung ano man ang nagyaring hindi pagkaka-unawaan kagabi, kalimutan na natin ngayon! Kailangan na ulit natin ang isa’t-isa…. Kailangan na ulit nating magtulungan!” Seryosong sambit ni Kim.

            Biglang tumayo si Luther at lumapit kay Kim.

            “K---kimberly…. Sorry sa nangyari kagabi… Hindi ko sinasadya….. Masyado lang akong nagpadala sa emotion ko……” Paumanhin niya.

            “Huwag mo ng intindihin iyon Luther, naiintindihan kita nung gabing iyon! Kalimutan na natin.” Nakangiting tugon ni Kim.

            “Ayon naman pala eh! Magiging okay din! Pero ano ang masasabi nung isa diyan? (Sabay tingin ko kay Trevor)”

            “Ge…..ge…… okay na sa akin! Basta okay na kay Kim….. Huwag mo nalang uulitin….” Lumapit si Trevor at inakbayan nito si Luther.

            “Cool na tayo! Luther (Smile)” Dagdag pa niya.

            “At ngayong mukhang sweet na kayong dalawa Luther at Trevor…. Simulan na natin ang pag-iimbistiga sa ikalawang libro! Ang Truth beyond the eyes!” Sabi ni Tom.

            “Sa mga naunang page nito ay nakasulat ang mga sakuna at trahedyang nangyari sa ating lugar. Sa kalagitnaan ay may mga nakasulat na matatalinhagang salita na hindi ko maintindihan kung ano ang kahulugan. Katulad nalang nitong una kong nabasa “Walong buhay ang nagpapatunay,isa ang dahilan para mabuhay.”…..“Ngunit planado ang lahat ng bagay, at ang siyang nag-aalay ang mamamatay.” “Papatak ang dugo sa lupa, kapalit ay pagbubukas ng hiwaga.”…. Tapos sa bandang huling bahagi naman ng libro may mga symbol na naka drawing, 6 symbols lahat-lahat, 1 symbol per page.” Paliwanag ni Kim.

            “Malalim na salita nanaman….. Mukhang sa pagkakataong ito, riddle na iyan.” Sabi ni Luther.

            “Ano pa nga ba ang gagawin natin? Syempre isip-isip nanaman tayo (Huminga ng malalim) Gisingin nyo nalang ako pag may naisip na kayo (Smile)” Biro ni Trevor.

            Nagsimula nang mag-isip ang mga kasama ko kung ano ang pwedeng maging kahulugan nito. Samantalang ako ay hindi masyadong makapag-concentrate, may gumugulo sa isip ko… Para bang nakita o narinig ko na yung riddle na nilulutas namin ngayon.

            Kinuha ko ang libro, humiga ako at binasa ko ito.

            “(WHISPERING) Walong buhay ang nagpapatunay,isa ang dahilan para mabuhay……. Tsk! Parang pamilyar talaga sa akin ito…….

            Pero ayaw paring pumasok sa isip ko kung saan ko ito narinig…. Binuklat ko pabalik ang isang pahina ng libro, at dito ko na napansin ang nakatagong clue nito.

            Natapatan ng liwanag ang pahina na hawak ko, ang pahina kung saan nakasulat ang katagang Walong buhay ang nagpapatunay. May imaheng lumitaw dito, hugis triangle na may mata sa tuktok.

            “What the?????”

            Akala ko ay namamalik mata lang ako dahil nawala yung imahe ng ituloy ko ng ilipat sa susunod. At para makasiguro, muli kong hinawakan ang pahina at itinapat ko ulit ito sa liwanag…..

            “Whoa…. Makikita lang ang imahe sa tuwing itatapat sa ilaw…….”

            Tinignan ko ang mga symbols na nasa bandang hulihan ng libro, ang imaheng biglang lumitaw sa pahina ay katulad na katulad ng unang simbolo….. Dahil sa nakita kong ito, pumasok na sa isip ko kung saan ko narinig ang salitang walong buhay.

            “(Nagmamadaling tumayo) GUYS! Nakuha ko na………..”

            “Ang alin ang nakuha mo na Alex?” Tanong ni Kim.

            “Ang sagot sa riddle!” Nakangiting tugon ko.

            “ANO???” Sabay-sabay na tanong nila.

            “Kapag itinapat sa liwanag ang pahina na ito lilitaw ang isang imahe… (Ipinakita ko sa kanila)”

            “Wow….. Ang galing…. Hugis triangle ba iyan na may mata sa tuktok?” Namamanghang tanong ni Trevor.

            “Oo Trevor! At nung tinignan ko yung mga symbols sa dulong part ng libro, parehas silaaaaa……(Binuklat papunta sa dulo) NITO! (Pagtukoy sa unang symbolo)”

            “At sa tingin ko, yung limang natitira pang image ng symbol ay nakatago din sa mga Riddle na mag tuturo sa location nila.” Dugtong ko pa.

            “Anong ibig mong sabihin sa magtuturo ng location?” Tanong ni Luther.

            At sinimulan ko na ang pagpapaliwanag sa Riddle.

        “Walong buhay ang nagpapatunay,isa ang dahilan para mabuhay….. Ang walong buhay na tinutukoy ay ang grupo ni Vonjo……. Walo silang lahat diba? Na naglaro ng Ouija Board…. Ito ang dahilan para mabuhay……Si Sierra!”

        Halos lahat sila ay labis na nagulat sa sinabi ko.

         “Ngunit planado ang lahat ng bagay, at ang siyang nag-aalay ang mamamatay. Sa tingin ko ay planado na maging part ang Ghost Club sa kababalaghang ginagawa ng Occult……. Katulad ito ng premonition, alam na nila kung ano ang nakatakdang mangyari kaya naisulat kaagad nila ito sa libro….. Katulad ng Ang Siyang nag-aalay ang mamamatay… Si Mr. Rodriguez ang nag-aalay ngunit siya ang namatay.”

        Mas lalo pa silang naging seryoso ng unti-unti ng lumilinaw sa kanila ang aking mga sinasabi.

         “Papatak ang dugo sa lupa, kapalit ay pagbubukas ng hiwaga…….. Pumatak ang dugo ni Mr.Rodriguez sa lupa ng mamatay siya….. at kasunod nito ang pagbubukas ng hiwaga! Ibig sabihin ay nasa abandonadong gusali ang sagot sa mga tanong natin sa susi!

        Nagkatinginan kaming lahat sa isa’t-isa, nagpapahiwatig na kinukumbinsi namin ang aming mga sarili na tama ang aking sinasabi. Hanggang sa magbigay na ng Go Signal si Kim.

        “Ano pang hinihintay natin? Puntahan na natin ang abandonadong gusali na pinagdalahan sa buong Ghost Club!” 

Unfinished 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon