Chapter 38

1.5K 71 20
                                    

                                                                 Chapter 38

                                                                     Luther

            Naabutan namin sa roof top si Mr. Loomis na buhat-buhat ang isang batang babae. At mukhang ito ang isasakripisyo niya sa pamamagitan ng paghulog sa bata mula sa roof top.

            “(Humarap sa amin) Ahhhh….. Nandito na pala kayong tatlo. Pero huli na ang lahat.” Bungad sa amin ni Mr. Loomis.

            Nag-aamba na siyang ihuhulog na niya ang bata. Pakiramdam ko ay biglang bumagal ang oras, at naririnig ko ang malakas na pag-tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa mangyayari, hindi pwedeng mamatay ang batang iyon bilang isang sakripisyo. Matindi ang pagnanais kong matulungan ang bata…………

            “Hindi……..siya pwedeng……… (Shouting) MAMATAY!!!”

            May kung anong malakas na pwersang lumabas sa akin at laking gulat ko nang bigla nalang tumilapon pabalik sa amin si Mr. Loomis at ang batang buhat niya.

            “Shit! Nagawa mo ulit Luther.” Sabi ni Tom.

            Mabilis din na tinakbo ni Trevor ang bata para mailayo ito kaagad kay Mr. Loomis.

            Ibig sabihin nagawa kong….. Makapag telekenesis ulit. Pero sa biglang paggamit ko nito ay mabilis akong nakaramdam ng panghihina at sobrang sakit ng ulo ko. Naramdaman ko nalang din na may tumutulo sa ilong ko kaya agad ko itong pinunasan.

            “D---dugo.” Nanghihinang sambit ko.

            Ibinigay ni Trevor ang bata kay Tom.

            “Luther tumayo kana! Bilisan mo! Bumabangon na si Mr. Loomis.” Sigaw ni Trevor.

            Pero hindi ko kayang tumayo, mukhang naubos ang buong lakas ko sa ginawa ko.

            “(Evil Laugh) Hindi ko inaasahan na magagawa mo iyon Luther. Pero siguradong hindi mo na ito mauulit ngayon. Baguhan ka palang sa abilidad mo kaya mabilis kang nawalan ng lakas…. Tatapusin na kita bago ka pa tuluyang makabawi.” Banta sa akin ni Mr. Loomis.

            “Yaaaaahhhhhhhhh” Sinugod siya ni Trevor, sinubukan nya akong protektahan pero…. Hindi sapat ang lakas niya para labanan ang may sa demonyong si Mr. Loomis.

            Para lang siyang basura na inihagis nito palayo.

            Lumapit si Mr. Loomis at sinakal ako ng mahigpit……..

                                                                  Alejandre

            Hindi ko maintindihan ang nangyayari, pagkatapos akong bigyan ng isang malakas na suntok sa mukha ay bigla ng umalis ang kaharap kong kulto.

            “Fuck! Hindi kaya hiniwalay niya lang ako kina Luther, para makasiguro na walang makakapigil sa sakripisyo….”

            Mukhang ito ang plano nila, binigyan niya ng oras si Mr. Loomis para magawa ang sakripisyo. Ako lang ang may hawak ng baril sa aming apat, ako ang posibleng makapigil sa kanila. Kaya pinilit nilang maiwanan ako dito.

Unfinished 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon