Part 3

85 6 1
                                    

Sa dami ng pwedeng mangyari nung binuksan niya yung pintuan sa cr--pwede silang magbugbugan, maghabulan, magbangayan--hindi naisip ni Jaemin na tatabihan niya ang dalaga. Na maguusap sila at magkakaron ng alak sa kanilang usapan. (San nanggaling yun?)

Heck, wala nga din sa options ang paguusap.

All he ever wanted was to be in good terms with life. May galit ata sa kanya si life, ni ayaw makisama kahit isang gabi lang. Tatapusin lang naman niya yung trabaho niya, ang dami pang nangistorbo. Speaking of istorbo, maya maya din ang tingin niya sa pintuan at baka bumalik ang nanay niya. May kung ano pang isipin tungkol sa kanila.

Bumalik ang atensyon niya sa dalaga na tinutungga ang bote ng wine. Yuck. Germs.

"Malinis ako, gago. Alam ko na yang itsura na yan eh. Arte mo pre. Ganda ka ba?" He rolled his eyes. Childish.

"Dalian mo na," sagot niya habang iniextend ang braso para kunin ang bote. "Pupunasan ko pa yang bibig ng bote."

Ngumuso ang dalaga at nagdalawang isip pa bago ibigay sa kanya. Nang maagaw(?) niya ang bote ng kalayaan, narinig niya muli ang boses ng babae.

"Alam mo pre, dapat di ka nagmumukmok dito eh. Ang ganda ganda ng beach sa labas," sabay turo sa labas, "sarap ng pagkain kaso mahal tapos ang ganda ng ambiance, bakasyonista ka talaga tignan. Sinasayang mo yung chance. Nagbakasyon ka ba talaga?" Jaemin almost snorted at her sudden topic.

He could easily rebutted that. Hindi safe sa beach kasi high tide kapag gabi, risky yung puro barbecue at saka nakukuha naman yung ambiance na pang beach sa bahay. Depende naman sa tao kung saan siya magiging komportable.

"No. Kung magbabakasyon din lang ako, pupunta na lang ako ng ibang bansa. Mas magandang magtravel." Sabi pa niya habang naiimagine ang sarili sa Paris o kaya sa Amsterdam.

"Pfft, boring." He glanced at her again, blush scattered on her cheeks as she continued to wrestle with her short hair.

Nilagok niya ang alak bago nagtanong. "Why? Kelan pa naging boring ang pagtatravel?"

"Nung ikaw yung nagisip." Medyo natawa siya don.

"Okay, fine. Kung magtatravel ka saan? Don't talk about absurd places like going to Bermuda triangle or what."

Hinayaan niya itong magisip habang pinagmamasdan ang dalaga na pinaglalaruan ang mga kamay niya. Kapag tinignan ng mabuti, napakaamo ng mukha nito. Yung tipong intimidating pero hindi naman pala. Does that even make sense. He doesn't know. Its the alcohol talking.

"Maybe I'll go to London. Sasamahan ko yung pamilya ko. Pupunta din ako sa Wiltshire. Basta lahat ng may shire sa England. Tapos kikitain ko din si Queen Elizabeth."

Its the softness of her voice that got him. Ewan ba niya. Lasing lang ata talaga siya at kung anu ano ang pumapasok sa isip niya. Pero, at that moment, it was the first time he saw a girl glow right in front of him. He tried fighting it. Whatever it is.

"Pareho lang pala tayo eh. Boring ka din. Basta makaalis lang sa lugar na to, ayos na."

"Pre, ikaw yung pumasok sa loob ng banyo. Alam mong mabaho dito."

All his life, ang mama niya ang nagdedesisyon para sa kanya. Hinahayaan ng binata para wala nang away. Tinawanan pa niya si Ate Jinri kasi kaya niyang magdesisyon para sa sarili niya; lahat naman ng desisyon niya mali. Napaisip siya.

Nagdedesisyon din pala siya. Ngayon lang niya naisip na mali pala lahat ng pinagbabasehan niya.

What a weird cycle.

Summer NightsWhere stories live. Discover now