Naliligaw si Jae In.
Kanina lang kasi, kasama pa niya ang gumegewang na si Mrs. Gu--na ngayon ay Ms. Cha--sa may pantry. Tapos, bigla na lang nawala ang nakatatanda at ang tanging naalala ni Jae In ay ang mga nakausap na mga surfers na nagiinuman sa labas. (Nakatagay pa nga siya.) Nakasalubong din niya ang haponesang katrabaho na may buhat buhat na lalaki sa corridor.
Parang gusto na lang niyang umuwi.
Kung hindi lang siya pinapunta ng nanay niya sa pa-party ni Auntie Gu, baka nakatulog pa siya ng mahaba-haba. May trabaho pa siya sa hotek bukas at sandamakmak na sermon na kailangang ma-survive bukas. Iniisip pa lang niya sumasakit na ulo niya.
Idagdag mo na ang hangover bukas.
Sana pala sumama na siya sa London. Kasama ang mga magulang niya at ang mga ate niya. Masayang nagtatrabaho kahit mahirap. Sana kasi nakinig na lang siya kay Eun Ji.
Ang hirap maging matanda.
May kung ano ang bigla na lang gustong bumulwak sa bibig niya. Idagdag mo na rin ang kanina pang napipigil na ihi. Inikot niya agad ang paningin sa medyo madilim na corridor at tinignan kung may banyo. Bigo sa paghahanap, nakita niya ang hagdan pataas at saka hinagilap ang banyo na kanina pa niya iniisip puntahan.
Naaninag niya ang isang pintuan na may bukas na ilaw at walang anu-ano ay tinulak ito.
"Pre, san ba yung cr dito. Naiihi na talaga ako." Hindi niya alam kung nabigkas niya ng mabuti ang mga huling sinabi.
Pinagmasdan niya ang gulat na gulat na lalaki. Itim ang buhok, kahawig ni Ate Jinri pero mas maganda at nakakunot ang noo.
"No. The restroom is outside." Mala-anghel ang boses pero ang ugali, hindi niya alam. May pagkademonyo.
"Sungit naman neto." Di na napigilan ang matalas niyang bibig.
Dapat talaga ay lalabas na siya pero sa kung anong sumapi sa kanya, naglakad siya papasok at pinagmasdan ang kwarto. Parang kanya lang; plain, puno ng beige ang mga kulay at modern. Boring.
"Anong ginagawa mo? Diba nasa labas ang cr? Trespassing yan miss." Nilingon niya ang galit ng lalaki.
"Nasa bahay mo na nga ako, trespassing pa ba to?" At saka wag ka nang magalit, banggit niya sa isip.
"Nasa baba ang party. Pano ka nakaakyat dito?"
Naramdaman niya na puputok na ang pantog niya kaya nagmamadaling sumenyas siya ng sandali at dumiretso sa cr nito ng makita niya. Mga ilang minuto din siyang sumuka at umihi; pagsisisihan niya to bukas. Isinandal niya ang ulo niya sa pintuan habang humihinga ng malalim nang biglang kumatok ang kasama kanina.
"Hoy! Buhay ka pa ba diyan?!"
Natawa si Jae In. "Di na. Susunduin na ko ni Kamatayan mamaya. Ikaw ba yun?"
Tahimik muna bago ito sumagot. "Hindi pero kaya kong utusan si Kamatayan."
Sana all. Kung may kakayanan siyang ganun, baka marami na siyang napasundo. Lalo na yung mga tsismosa niyang kapitbahay at katrabaho. At saka yung boss niya. Pati na rin yung guard na nanghuli sa kanya kanina kasi inakyat niya yung bakod ng hotel kasi malelate na siya. Idagdag mo na rin si Ji Won. Yung hayop na yon.
"Bago ka magdrama diyan, papasukin mo muna ko. Baka kung ano na ginawa mo diyan."
Dear god, why is life so painful?
YOU ARE READING
Summer Nights
Fanfiction-In which Gu Jae Min was searching for answers while Go Jae In continues to question his life decisions. 2jeong fanfic