Chapter 1

3.9K 59 4
                                    

2014
"Naaaaaaaay! Andito na po ako!" Sumigaw ako sa loob ng bahay, nagbabakasakaling marinig ako ng nanay. Tahimik ang buong bahay at hindi ko alam kung sino ang naiwan. Alas dose na ng tanghali at yung iba ko pang mga kapatid ay nag aaral pa, yung iba may trabaho at mga pamilya na rin.

"Oh nak! Napaaga ka ata ngayon? Komusta?" Saad ni Nany Zeny nung nakita niya ako'ng nakaupo sa sala namin.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko at sabi ko "okay na po Nay! Naubos ko na po yung mga kakanin na niluto niyo po. Ay at 'eto po pala yung pera po."

Naramdaman ko ang ngiti ng Nanay sa pisngi ko. Tiningnan nya ako at sabi niya "nako, ang swerte swerte ko talaga sa Benigno ko."

"Siyempre! Ako pa ba Nay? Kakayanin ko ang lahat Nay para sa pamilya'ng 'to! Hindi'ng-hindi ko papayag na mahihirapan ka pa mag lakad-lakad sa ilalim ng araw para mag lako. Pangako Nay, hanggat kaya ko, tutulungan kita" sabi ko. Ngumiti si Nanay na may luha sa mata niya. "Pero kasi hindi ako marunong mag luto ng kakanin Nay na kasing sarap nung sayo kaya sa 'yo na muna yan. Ako nalang po ang maglalako para hindi ka umitim sa ilalim ng araw" dagdag ko pa at pinunasan ko ang luha niya gamit ang hinlalaki ko.

Tumawa naman si Nanay sa sinabi ko. "Oh kumain ka na! Tamang-tama, nagluto ako dito" sabi niya habang papalakad patungong kusina.

"Sige po Nay!" Sabi ko.

Upo nga muna ako, pina andar ko yung electric fan at kinuka ko yung remote.

Tamang-tama, Showtime. Ito, masaya to, manonood muna ako.

"Welcome back! Vice ganda!" Saad ni Billy Crawford. At lumabas si Vice Ganda galing sa likod ng LED. "What's up Madlang people!! At dahil flashback friday ngayon, mas magiging FUN, FRUITFUL and FULFILLING- ay taray ako talaga nag sabi nun ah! 'Di, pero ito lang ah, lilinawin ko lang, kasi sinasabi namin 'dapat masaya, dapat maingay at tumatawa.' Kahapon, narealize ko, wala namang masama kung paminsan minsan umiyak. Kasi yun ang realidad, yun ang totoo. Kaya sorry ah! Sorry kung hindi ako naka pasok kahapon kasi I chose not to laugh yesterday"

Nakakaawa naman 'tong si Vice Ganda. Ang hirap siguro para sakanyang magpatawa araw-araw sa mga tao habang siya ay may pinagdadaanan.

"Kawawa siya Nak noh? Ang alam ko, nakipag hiwalay siya sa boyfriend niya kasi hindi siya tanggap ng pamilya dahil bakla siya" biglang singit ni Nanay habang nanonood ako ng TV.

"Wow updated si Nanay ah! Pero oo nga eh. Hindi naman siguro siya mahirap mahalin Nay noh kasi napakamabuting tao din yan si Vice Ganda eh. Bakit ba siya sinasaktan?" Kasi ramdam na ramdam ko ang sakit sa boses nya.

"Kaya ikaw anak, kung sa tingin mo mahahanap mo na ang taong mahal na mahal mo at mahal na mahal ka rin, eh wag mo nang pakakawalan 'yon. Kahit sino o ano pa siya, bakla man siya, babae, lalaki o tomboy man yan, kung wala naman kayong naaaapakang tao sa pagmamahalan nyo, ay okay lang yan." Sabi ni Nanay.

"To naman si Nanay! Para namang liligawan ko si Vice Ganda! Ang hirap abutin din nyan, tsaka, hindi naman kami magkakilala. Kumain na tayo Nay! Nagugutom na ako!" Para mawaling ko ang aming pinag-usapan, inakbayan ko si Nanay papuntang kusina.

Sa gitna ng aming pag uusap ni Nanay sa hapagkainan ay biglang tumunog ang cellphone ko.

From: Jojo
May 20,2014
12:49pm

Good afternoon Ion! Pwede na ba kita maimbitahan mag pageant? Ako ang bahala sayo.

To: Jojo
May 20,2014
12:50pm

Good afternoon po Sir! Pag iisipan ko po muna. Nahihiya po talaga ako sir eh.

From: Jojo
May 20,2014
12:50pm

Okay.

Right Time (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon