Chapter 16

1.8K 38 25
                                    


Vice's Point Of View

Nanito na kami sa Showtime studio. Galing pa kami ng bakasyon at ngayon pa lang kami mag la-live show ulit.

Nagchi-chikahan na ang mga host ng showtime. Hindi pa nila alam na boyfriend ko na si Ion. Hindi ko alam kung paano ko sa kanila sasabihin. Kinakabahan ako kasi alam ko namang wala talaga akong maitago dito.

Nagtatambay kami sa Pantry at kakakain lang namin. Nagchichikahan kami dito tungkol sa iba't-ibang pagkain na natikman namin sa trip. At biglang tumunog ang Cellphone ko.

Nanay.

"Hello Nay! Napatawag ho kayo?" Alalang tanong ko sa kanya.

"Hi Tuy! Wala namiss ka lang ni nanay." Lumalambing si Nanay.

"I miss you too Nay!"

"Hindi mo na ako binibisita dito Nak ah!"

"Sorry po Nay. Babawi po ako Nay, promise."

"Sige nak. Yun lang talaga ang rason bat napatawag ako. Namiss lang talaga kita.."

"Sige nay. I love you po Nay!"

"I love you din Nak!"

Naku, baka magtampo na naman tong nanay ko. Ano kaya gagawin ko para hindi to magtampo sa akin.

Ah! Mag fa-family Vacation nalang muna kami. Kahit dito nalang muna sa Pilipinas.

MAG BOBORACAY KAMI!

Pag dating namin sa Caticlan Airport, agad naman ako nag IG Story. Nandito na kami! Mag fafamily bonding muna kami ng pamilya ko at ng mga vakla. Days off!

To: Mahal ❤️
November 19,2018
12:07pm

Love, nandito na kami nina Nanay sa Boracay. I miss you. I wish you were here. :(

From: Mahal ❤️
November 19,2018
12:08pm

Ingat kayo diyan Mahal. At mag enjoy kayo nina Nanay. I miss you too. Wag mag hanap ng iba ha? I love you.

To: Mahal ❤️
November 19,2018
12:09pm

Ikaw lang ang gusto ko Mahal. Wag kang mag alala sa akin. I love you. O sya mag che-checkin na muna kami sa hotel. 😘😘

From:Mahal ❤️
November 19,2018
12:10pm

Okay. Magsisimula na rin ang Showtime. Enjoy kayo jan!

Napa buntong hininga ako habang nasa speedboat kami papuntang Boracay Island, naka tingin lang ako sa dagat.

Ang sweet ng mahal ko. Pero namimis ko na siya. Hahay sana balang araw, magiging malaya na rin kami. At biglang tumunog ang cellphone ko ulit. Mag lalive show na, ba't nagtetext pa to? Hmm

From : Calvin
November 19,2018
12:13pm

Hi Vice. Nasa Boracay ka rin pala? Kita tayo? Miss na kita eh. ☺️

Calvin? Nandito siya sa Boracay? Nanghihina na naman ako. Sa totoo lang, hindi parin naman nawawala ang sakit na nararamdaman ko ky Calvin. Pero may Ion na ako ngayon. At maligayang maligaya na ako sa kanya.

To: Calvin
November 19,2018
12:14pm

Oo. Kasama ko Nanay ko, pamilya ko at ang mga bakla. Sige ba. Text lang kita. See you.

Pag dating namin sa kwarto namin mga bakla.

"Mga vakla! Tagay tayo mamayang gabi!!" Pagyayaya ko sa kanila. At sumangayon naman sila sa plano ko. 'Tong mga baklang to talaga, kahit kailan, camel din pagdating sa alak!

Kinabukasan, may na tanggap akong mga message. Syempre una ko binasa ang message ng Mahal ko.

From: Mahal ❤️
November 20,2018
8:06am

Good morning Love! Komusta ang Love ko diyan sa Boracay? Papunta na ako sa studio pala Love. Miss na kita. I love you!

Agad naman ako nag reply. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya na nandito si Calvin. Siguro pag balik ko nalang sa Manila.

To: Mahal ❤️
November 20,2018
10:37am

Good morning Love. Kagigising ko lang po. Okay lang kami dito. Nag inuman kami ng mga bakla sa kwarto namin kagabi. I miss you too so much Mahal. Mag ingat ka po jan ha? I love you po. 😘

Binasa ko na ang iba pang mga messages

From: Calvin
November 20,2018
9:23am

Good Morning Vice! Kita tayo later? Lunch tayo?

Vice. Inhale, exhale.

To: Calvin
November 20,2018
10:38am

Morning. Sige see you!

Alas dose imedya na ng tanghali at pinatawag ko na ang pamilya ko sa kabilang kwarto ky Buddi. Nandito na kami sa isang restaurant. Tinext ko na lang rin si Calvin kung saan kami kumakain para makasabay na rin siya.

Naguusap lang kami dito sa restaurant. Katabi ko si Nanay at si Calvin. Nagva-vlog nga pala sila.

"Vice, inum tayo mamayang gabi, may magandang bar dito sa station 3 malapit." Pagyayaya niya sa akin.

"Oo sige."

Nakakahiya naman tumanggi. Nakikinig sa akin ang mga kapatid niya. Baka sabihin ang arte-arte ko.

Sa club.

"Vice namiss talaga kita. Komusta ka na?" Biglang tanong sa akin ni Calvin.

"Ok lang naman. Masaya na ako ngayon." Pag sagot ko sa tanong niya.

"Wala ba talaga ako'ng lugar sa puso mo?"

"Calvin, wag na. May asawa kang tao. At may naghihintay sa akin sa Manila. Kaya please wag na natin ipilit."

"Buong akala ko talaga, maliligawan kita dati. Ang saya na natin noon ah, tapos biglang hindi ka na nagpapakita sa akin. Bakit ganon?"

"Kasi mali yun. Mali yun lahat. Aminado ako, nasaktan ako noon dahil alam ko nagkakagusto na naman ako sa maling tao. Pero pinigilan ko ang sarili ko kasi alam ko kung saan ako dapat lumugar. Napakabuti mo'ng tao Calvin, ang ganda-ganda ng mga ipinakita mo sa akin dati, pero sana, sa asawa mo nalang yun ginawa at hindi sa ibang tao." At medyo naluha-luha na yung mata ko. Buti nalang madilim sa club.

Maya-maya ay napagdesisyonan na naming umuwi kasi maaga ang flight namin kinabukasan.

"Alis na kami ng mga bakla Calvin. Maaga pa kami bukas" paalam ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at bigla niya akong hinalikan sa labi. Diniin niya ang mga labi niya sa labi ko at hindi ako maka galaw kasi hinawakan niya ang ulo ko sa likod. Kaya sinampal ko siya. Napalakas ko kaya tumigil siya at hinawakan niya ang pisngi niya kung saan tumama ang palad ko. Buti nalang walang masyadong tao sa bandang table namin.

"Bakit mo ginawa yun?!" At umiiyak na ako sa takot at kaba.

"Mahal kita Vice." Nagmamakaawang sambit niya.

"TAMA NA CALVIN!" At tumakbo na ako palabas ng Club. Hindi ko kaya. Gusto ko nang umuwi. Agad naman ako hinabol ng mga bakla. Patuloy parin ang pag iyak ko at hindi nalang ako kinausap ng mga bakla. Pag dating namin sa hotel ay agad ako pumasok sa kwarto at pinagpatuloy ang pag iyak.

Mahal ko si Ion. At alam kong masasaktan ko siya pag sinabi ko sa kanya 'to. Pero hindi rin naman kaya ng konsensya ko ang mag lihim sa kanya. Nasasaktan ako kasi parang nabastos ako at hindi ako makakilos. Sana nandito si Ion para ma protektahan ako.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na to sinagot, ni hindi ko na nga tinignan ang caller ID. Baka si Calvin yan. Ayoko siyang makausap.

Patuloy parin ang pag agos ng mga luha ko hanggang sa nakatulog na ako.

Right Time (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon