Chapter 9:(Headquarters)

114 6 0
                                    

Ayeshia P.O.V

Headquarters

Bumaba ako sa kamang aking hinigaan at sinundan si keffer na tinalikuran ako kanina.Hindi man lang mabiro ang isang iyon.

Agad akong lumabas at nagulat sa aking nadatnan.Nandoon si Keffer sa sala naka upo sa sofa kasama ang isang babae at dalawang lalaking hindi ko kilala.Nag uusap ito ng makita nila ako.

"Oh bat ka nandito"

Pagsusungit sa akin ni keffer ng makita ako,sa totoo lang kunti nalang talaga mapagkakamalan ko na talaga siyang may saltik na bayot.

"Umayos ka nga"

Siko sa kanya ng babaing katabi niya kaya agad itong napatikom.

"Upo ka"

Pag anyaya sa akin ng isang lalaki na agad ko naman inilingan.Nanatili lang akong nakatitig sa kanila ng may mapansin ako sa kaliwang dibdib ng babae.Nandoon ang sticky notes nakalagay na walang laman.Agad akong napapaatras dahilan kong bakit sila nagtataka.Tinignan ko sila bawat isa wala,yong babae lang ang nakatanggap ng sticky notes.

Agad tumayo sila ng makitang umaatras ako,lalapit na sana sila ng tumakbo ako dahilan kong bakit nila ako tinatawag.Halos malola ako kabababa ng 3 palapag pala ang laki ng headquarters na tinutukoy ni Keffer kanina.Hindi ito ang bahay na aking napuntahan noong isang araw.

Agad akong napunta sa unang palapag at pinihit ang pintuan ng hindi sa malamang dahilan hindi mabuksan.Doon kulang napagtanto ng may password podlock ang boong palapag na ito.

Kahit alam ko hindi ito mabubuksan pinilit ko parin at naghanap nang kahit anong mapaglalabasan.Nabuhayan naman ako ng dahan dahang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang lalaki na agad naman ako nakita,sumunod dito ang iba pang miyembro pang huli ang kanilang pinuno na seryosong nakatitig sa akin.

Nakababa rin naman sila keffer nang nagmamadali kasama ang babae kanina at ang dalawang lalaki.

"Bat ka ba tumatakbo ng biglaan"Saad ni Keffer habang habol habol ang hininga

Napatingin naman sa akin ang ibang miyembro nito ng nagtataka.Kahit tinulungan nila ako ngayon hindi ako nakakasegurado na ligtas ako kasama.sila.

"What's happening here"Sabat nang nagngangalang Radson na pabalik balik ang tingin sa amin

Natutup ko ang sticky notes sa may dibdib ng babae kanina dahilan kaya napansin nila iyon.

"Remove that"Agad na saad ng kanilang pinuno sa babae

Agad naman napansin ng babae kung anong pinapahiwatig ng kanilang pinuno.Kinuha niya ito agad saka inilukot at itinapon kung saan.

"Pasensiya kana,naglalaro kasi kami kanina ng sticky notes at hindi ko alam na may natira pa pala"Paumanhin na saad nito sa akin

Agad akong nakahinga ng maluwag sa sinabi nito.

Bumukas naman muli ang pinto at iniluwa na doon si Shinna kasama ang Den na tinawag niya noon.

"Ayeshia"Agad niya akong niyakap ng mahigpit na nagpahinto sa akin.

"I hate dramas pwede tigilan niyo yan"

Agad naman ako binitawan ni Shinna at tinignan ng masama ang Den na tinawag niya.

"Shut up will you"Giit nito saka ako hinila ni Shinna paitaas.

Hindi ako nakapalag dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa akin.Agad niya ako dinala sa silid kung saan ako naka higa kanina.Magtatanong na sana ako ng maunahan niya ako.

"Akin ang silid na to"

Bakit maynang aangkin ba

"Wag mo nga akong titigan ng ganyan"

Agad rin naman akong umayos.

"Okey kanaba"Saad nito na nag aalala.

Kung wala lang ako sa lugar na ito kaya kong tanggapin bilang isang totoong kaibigan si Shinna ngunit ayaw ko pang magtiwala sa ngayon.

"Bakit ano bang nangyari sa akin"Tanong ko na naguguluhan

"Nakita ka ni pinuno sa di kalayuan at inaapoy ng lagnat"Ani nito na nagpagulat sa akin.

"Laking gulat nga namin ng pagbalik niya dito ay dala kana.Laking pasasalamat ko sa kanya dahil sa ginawa niya--"

"Maraming salamat"Putol kong saad sa kanya,ayaw kong ng marinig ang susunod niyang sasabihin,dahil ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa taong iyon.

"Wag ka sa akin mag pasalamat kay pinuno dapat"Tinanguan ko lang ito bilang sagot

Hinila niya ako patayo na aking ipinagtaka.

"Saan tayo pupunta"

"Ano kaba hapunan na tingnan mo"

Doon kulang napansin na madilin na pala ang paligid sa labas,kinilibit balikat kulang ito at nag patianod kasama si Shinna.

Sa ngayon kailangan ko monang sumama kay Shinna dahil segurorado akong kapag kasama ko sila walang mangyayari sa akin ng masama.

******

Hidden Academy(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon