Chapter 23:(Betrayed)

92 5 2
                                    

Ayeshia P.O.V

Betrayed

Hindi ko alam kong sino ang tumakip sa aking bibig ngunit nagpapasalamat ako nito dahil kong hindi niya ako itinago dito sa puno.Makikita ako ni Henry kasama ang kanyang tauhan na batid kong naghahanap sa akin ngayon.

Pagkaalis nina Henry agad ako nitong binitawan kaya nakahinga ako ng maluwag at agad humarap sa kanya na aking ikinagulat.

"Denna"ani ko sa kanya

"Parang nagulat ka yata"

Sinong di magugulat anong gusto niyang reaction ko tumawa.Sinong di magugulat sa kanya ngayon bigla bigla nalang sumusulpot kung saan.Anong ginagawa ng bruha nato dito.

"Akala ko kasi--"Hindi ko tinapos ang aking inani bagkos tumahimik nalang.Nababaliw na yata ako,papaano ako matutulungan ng isang taong iyon kong ako na mismo ang tumatakbo palayo sa kanya upang hindi sila madamay sa gulo ko.

"Akala mo si ano,si Pinuno.Huh!wag kang asumera akin lang si Ash itatak mo yan sa kukute mo"Ani nito na kinataas ng aking kilay

"Doon kana sa Nathan mo wag kanang mang agaw pa"

Edi sayo na isaksak mo sa baga mo mga bwiset kayo.

Agad ko siyang iniwan doon at nag iba ng direksiyon.Tinatawag pa niya ako ngunit hindi ko ito pinansin at nagpatuloy maglakad hanggang sa nairita ang bruha at hinawakan ako ng mahigpit sa kamay dahilan ng aking paghinto.

"Ano bang problema mo"Ani ko sa kanya sabay waksi ng kanyang kamay na nakahawak ng mahigpit sa akin

"Alam mo kahit nabwibwiset na ako sayo,kailangan parin kitang tulungan dahil yun ang utos sa amin"Aniya nito

"Bakit sino bang nag utos sa inyo"Tanong ko sa kanya na agad naman niyang iniba

"Wala ka na doon,kaya sa ayaw at sa gusto mo sumunod ka sa akin dahil mas alam ko kung saan ka dapat dalhin upang matapos na ang lahat na ito"Mahabang ani nito na kinakunot ng aking noo

Seryoso ba siya,tutulungan niya ako kahit na bwibwiset na siya sa akin.Dahil kong sa akin naman the feeling is mutual bwiset na bwiset na rin ako sa kanya.Pero sa ngayon mukhang kailangan kong sumama sa kanya dahil mukhang mas alam niya kong saan ako ligtas.

Agad ko siyang sinundan ng maglakad ito papasok sa madilim na kagubatan.Walang salita ang lumalabas maski isa sa aming bibig.Nanatili lang kaming naglalakad habang nagmamasid sa paligid hanggang huminto si Denna dito sa patag na bahagi ng gubat kong saan nakatayo si Henry kasama ang kanyang mga tauhan.

Agad dumagondong ang aking dibdib dahil sa kaba.Napatingin naman ako kay Denna na ngayoy naglalakad na papunta kay Henry.Mali sana ang iniisip ko ngayon,pinagkatiwalaan ko siya ngunit anong ginawa niya.Ito ba ang sinabi niya kanina na dadalhin niya ako sa lugar kong saan matatapos to lahat.Ang galing,ang galing niyang magpaikot ng tao.

"Very nice Denna"Puri ni Henry kay Denna sabay tapik ng balikat nito na ikinangisi ni Denna.

Anong ibig sabihin nito kaaway siya isa siyang traydor.Pinagkanuno niya ang councils at ako pinaikot niya lamang kaming lahat sa laro nila.

"Anong ibig sabihin nito Denna,isa kang traydor"Sigaw ko sa kanya

"Obvious ba,kailangan kitang dalhin dito para matapos na ang lahat na ito at masulo kona si Ash na wala ang isang katulad mo"Galit na ani nito sa akin

Paano niya nasisikmurang mag traydor sa mga kasama niyang matagal niya ng nakasama at nakilala.Baliwala lang ba sa kanya lahat ng iyon oh baka nama ako lang ang nag iisip na may pakialam siya because in the first place mukhang planado nato lahat.

"Isa kang traydor"Sigaw ko sa kanya.Gusto ko siyang pagsasabuton kong wala lang sa gilid niya si Henry kasama ang mga tauhan dito na mahigit sampo ang bilang.

"Oo alam ko iyon kaya tumahimik ka"

"Relax darling"Pagpapaamo ni Henry kay Denna

"Pwede ba dad tapusin niyo na lahat ng ito lalong lalo na yang babaing yan"Ani nito na aking ikinagulat

Tika mag ama sila,siya ang totoong anak ni Helena.Si Denna na membro ng councils naging kaibigan ng councils at higit sa lahat si Denna na palaging irita sa akin ay anak pala ng dalawang demonyong namumuno sa paaralang ito.Kaya pala sa lahat ng plano ng councils alam din nina Helena at dahil iyon kay Denna na tromaydor sa aming lahat.

"Ama mo siya"Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya

"Nagulat kaba haha"Ani ni Denna sabay tawa

"Bakit!,ikaw na nasa matinong pag iisip bakit hindi mo man lang pinagsabihan ang iyong mga magulang bagkos kinonsinte mo pa sa mga masasamang gawain nito at kumunchaba kapa"Hindi makapaniwalang ani ko sa kanya

Wala palang mapipili sa kanilang pamilya puro silang mga baliw,sakim,demonyo at kampon ni satanas ang kaluluwa.

"Sino kaba sa akala mo para pagsalitaan ako ng ganyan.Isa kalang expermentado sa mundong ito para pag kunan ng dugo para maging gamot.Kokontrahin ko paba aking mga magulang sa gawaing iyan na gusto ko naman.Sino ba namang hindi magugustuhan ang isang gamot upang hindi ka tumanda at mamatay."Ani nito sa akin na aking ikinailing.

Nagkakamali siya,sino sila upang dugtugan ang mga buhay nila at sino sila upang kumitil ng maraming buhay mapasakamay lang ang kanilang inaasam asam na gamot.Ganito na ba talaga kababaw ang pamilya nila upang magpaikot mangluko at kumitil ng mga tao,they are monters a demons.

Agad akong tumalikod upang tumakas sana ng saktong pagtalikod ko nakapaligid na sa akin ang mga tauhan ni Henry habang nakatutuk ang mga baril sa akin.

Napataas nalang ako ng aking dalawang kamay upang sumuko ng may isang nagpasabog ng malakas na bomba sa kinatatayuan ng mga tauhan ni Henry dahilan ng malakas na pag yanig ng lupa kasabay ng pag kamatay ng mga tauhan nito.At doon nakita ko si Ash at si Rad kasama si Nathan na may dalang mga baril.Agad napagawi sa akin ang tingin ni Ash at suminyas na tumakbo ako papunta sa kanila na siya namang aking ginawa.Ngunit sa hindi malamang dahilan natamaan ako ng isang bala malapit sa aking dibdib.Agad umagos ang malalalapot na dugo sa aking katawan.

Tila nabibingi ako at nawawalan ng lakas dahilan ng pag bagsak ko sa lupa.At doon ko lang din nakita si Denna na may hawak na baril na nakatutuk sa akin na may gulat sa mga mata.Sa kabilang banda sina Ash na tudo tawag sa akin na hindi ko marinig.Tila ng hihina na ako at ano mang oras bibigay na aking katawan at tuluyan ng makatulog.

Dinalunan ako agad ni Ash at sina Rad at Nathan kasama ang ibang estudyante na ngayon kulang napansin ang tumapos kina Henry at sa mga tauhan nito.

Hindi ko alam kong anong nangyayari sa akin ngunit hindi kona nalabanan ang pag pikit ng aking mga mata kasabay ng pag agos ng aking luha.Ngunit bago ako nawalan ng malay narinig ko ang isang malakas ng sigaw ni Ash sa aking pangalan.

Dito nalang ba ako?

*****
Huhu bumangon ka diyan Aye baka maagawan kapa ng bruhang Denna na iyon😢

Hidden Academy(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon