Epilogue

138 9 2
                                    

Third person

Natapos ang lahat ng mga bangungut.Naging mapayapa na ang lahat.Nakabalik ang lahat ng ligtas sa kanilang mga pamilyang matagal na nilang hindi nakasama.

At si Ayeshia ay nagising na mahigit dalawang linggo matapos siyang mabaril.Nakabalik na siya sa kaniyang ama,ngayong araw na ito gaganapin ang isang malaking pagsasalo sa kanilang bahay.Itoy ipinasagawa ni Mr.Santiago para sa mga kabataan na naging parte sa masimoot na pangyayari sa eskwelahang iyon.

"Dad,I was nervous"ani ni Ayeshia sa kanyang Ama habang nakaupo ito sa kanyang kama

"Wag kang mag aalala anak,magiging okey na ang lahat"Pagapapakalma nito

Napaliwanag na ni Mr.Santiago ang lahat kagaya ng pagsisinungaling niya tungkol sa batang kanyang naturukan ng kanyang experemento.Agad naman itong naunawaan ni Ayeshia sapagkat ginagawa lamang ng kanyang ama kung anong tama para sa kanilang lahat.

Dumating ang oras ng pagsasalo nagdatingan ang lahat ng estudyante kasama ang mga pamilya nito.Karamihan ay nakasuot ng mga mamahaling bestida at bestido.

Nakaupo na ang lahat sa ipinahandang mga mesa.Nagsi datingan narin ang mga naging membro ng councils,nakaupo ito sa unahang bahagi kong saan kitang kita ang lahat ng pangyayari.

Sa kabilang banda sa likod ng ginawa nilang maliit na stage ay nandoon si Ayeshia pinapakalma ang sarili.Hindi niya alam kong bakit siya kinakabahan dahil kung totousin tapos na ang lahat.At ito na ang huling bahagi ng kanilang masimoot na pagbabalik tanaw sa impernong iyon.

Pagkatapos ng maikling pahayag ng kanyang ama sa lahat.Agad niyang pinasimulan ang pagsasalo kaya lumabas na ito at pumunta sa kinaroroonan ng kanyang ama.

"Oh bakit hindi ka nakisalo sa mga kaibigan mo"Ani nito sa kanyang anak

"Mamamaya nalang dad"Ani nito bago nagpaalam para pumunta sa kusina upang uminom ng sariling tubig

Pagkarating niya doon agad siyang nagsalin ng malamig na tubig sa isang baso at nilagok ito ng mabilisan.Inilagay niya sa sink ang baso at lalabas na sana ng mapahinto siya sa nag iisang taong nakatayo malapit sa bukana ng pintuan.

"Iniiwasan mo ba kami"Tanong nito na siyang kanyang ikinagulat

Nangangapa siya ng masasabi,dahil sa totoo lang nahihiya lang siyang lumapit sa mga ito.Maghihigit tatlong linggo na simula ng huli silang magkita.At iyon yung panahon na nag tanim siya ng sama ng loob sa mga ito na agad namang ipinaliwanang ng kanyang ama.

"Ahh may ginagawa pa kasi ako"Pagpapalusot nito

"Kagaya ng ano"Tanong nito bago dahang dahang naglakad papunta sa kanya hangang sa ma corner ako nito sa lababuhan.

"Nahihiya ka ba"Tanong nito bago inilapit ang mukha sa kanya.Isang dungki nalang ang kulang at sa isang galaw mahahalikan niya ito.

"Hindi ahh,umalis ka nga"Ani nito bago itinulak si Pinuno.Pero bago niya pa ito magawa hinalikan na siya ni Pinuno sa kanyang labi na nagpahinto sa kanyang kamay sa pagtulak sa kanyang dibdib.

Mahigit Isang minuto bago tinapos ni pinuno ang halik na iyon.Tulala si Ayeshia habang nakatingin kay Pinuno na ngayoy nakangiting nakatingin sa kanya.

"From now on you are my girlfriend,remember that"Ani nito bago siya hinawakan at hinila ang kamay at nagpatianod kay Pinuno.

Agad silang nakarating sa pwesto ng councils na nagkakatuwaan at natahimik lang ng makita sila.

"Long time no see Aye"Pagbati sa kanya ni Keffer na kanya lang nginitian

Kahit hindi pa siya nakabawi sa ginawa ni pinuno sa kanya kanina umupo siya sa hinilang upuan ni pinuno sa tabi nito bago niya sinamaan ng tingin ang kanyang katabi na nginingisihan lang siya.

Sa loob loob ni Ayeshia ay masaya siya.Masaya siyang malaman na mahal din siya ng taong mahal niya.

"Okey kana ba Aye"Tanong ni Shinna na kanya namang nginitian

"Okey na ako salamat

Nagsimula muli ang katuwaan ng councils at nakakasunod na dito si Ayeshia.Masaya siya dahil sa kabila ng lahat naging magkaibigan parin sila.Ma swerte siyang may kaibigan siyang nakikilala na lubos na nagmamahal sa kanya sa kabila ng impernong kanilang napasukan kung saan sila nagkatagpuan.

Dahil sa kabila ng lugar na nagkatagpuan may nahanap naman siyang mga totoong kaibigan.

The end...

*****
Salamat po sa lahat ng sumubaybay sa kwentung ito.Sana po ay hindi kayo huminto sa pagbabasa ng aking mga likha,maraming salamat.Hanggang sa muli.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hidden Academy(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon