Chapter 24:(Fight for love)

92 6 2
                                    

Third Person

Fight for love

Isang napakalaking pangyayari ang dumurog sa buong puso ng councils.Lalong lalo na si Ash na kanina pa hawak si Ayeshia na walang malay.Agad siyang dinalunan ng iba niyang kasama at ng kanyang kapatid na ngayoy tumutulo na ang mga luha.

Natapos ang labanan sa panig nina Henry at ng mga councils.Naging madugo ito at nahantong ng pagkamatay ng ibang estudyante at nina Henry at Denna.

Naging malungkot ang lahat habang nakatingin sa katawan ni Ayeshia na ngayoy nakahandusay sa lupa.

"Wala na siya kuya"Ani ni Rad sa kanyang kapatid habang kinakapa ang pala mulsuhan nito.

"Tumabi kayo"Sigaw ni Ash sa lahat

Binuhat niya ang walang malay na katawan nito saka naglakad papunta sa labas ng kagubatan.

"Saan mo siya dadalhin kuya"Tanong ni Rad sa kanyang kapatid na ngayoy nag aalala ng husto sa kanyang kapatid at sa kanyang matalik na kaibigan.

"Kailangan niyang makalabas dito"Giit nito sa kanyang kapatid na sinang ayunan ng kanyang mga kasama

Lumabas sila ng gubat at nagtungo sa labasan ng eskwelahan nito.Nadadaanan nila ang mga bangkay ng mga tauhan ni Helena at ng mga estudyante na lumaban sa para sa kanila.

Pagkarating nila sa isang pintuan na puro halaman ang nakapulopot sa pinto nito.Agad niyang ibinaba ang katawan ni Ayeshia at pinasadahan ng tingin ang kanyang mga kasama.

"Nasa labas naba ang mga police"Tanong nito sa kanyang mga kasama na agad naman sinagot ni Nathan

"Kanina pa sila nandoon,nandoon narin ang ibang mga estudyanting nakaligtas.Ngunit may isa tayong problema"Ani nito

"Anong ibig mong sabihin"

"Hindi pa nahuhuli hanggang ngayon si Helena"Anya nito kay Ash

Hindi na ito kinagulat ni Ash bagkus pumunta siya sa harap ng pintuan kung saan sila makakalabas.Hindi ito mapapansin dahil sa nakatago ito sa mga malalagong halaman na nakapulopot nito.Agad niya itong hinawi at binuksan ang nakapadlock na pintuan na gawa sa bakal na metal gamit ang kanyang susi na dala dala.

Pagkabukas nito agad niya ulit binuhat ang katawan ni Ayeshia at lumabas sa pinto.Agad namang sumunod sa kanya ang kanyang mga kasama.Binagtas nila ang kakahuyan nito ng mahigit 15 minuto hanggang sa makita nila ang dulo nito sa waiting sched nandoon ang maraming police kasama ang mga estudyanting kanilang nailigtas.

Agad silang tinulungan ng mga ambulansiyang naka standby doon.Kinuha nila ang katawan ni Ayeshia at inilagay sa stretcher bago ipinasok sa loob ng ambulansiya.Sumunod dito si Ash at Rad na ngayoy nakatingin sa katawan ni Aye na namumutla.Linagyan nila ito ng mga aparatus sa katawan at kinapa ang pala mulsuhan.

"Mahigit ilang minuto na siyang nabaril"Tanong ng nurse na umaasikaso sa katawan ni Ayeshia

"Mahigit mag iisang oras na"Malungkot na ani ni Rad

Napapailing nalang ang nurse dito at agad inasikaso si Ayeshia.Ang suot nitong blue gown ay ngayoy nababahiran na ng mga putik at ng kanyang mga sariwang dugo.Ang buhok nitong gulo gulo at ang laylayan ng kanyang gown na punit punit dahil sa pagkakasabit.

"Sabihin mo sa amin buhay paba siya,makakaligtas ba siya"Seryosong ani ni Ash sa nurse habang nakatingin ng malungkot kay Ayeshia

"Sa sinabi niyong maghihigit isang oras,nang mabaril siya kinapa niyo ba ang kanyang pala mulsuhan"Tanong ng nurse sa kanila na agad tinanguan nila

"Posibling huminto na ang kanyang paghinga sa mga oras na nabaril siya kanina"

"No!are you kidding.Fuck this!"Sigaw ni Ash sa nurse na ngayoy sinusuklay ang buhok dahil sa frustration.Agad pinakalma ni Rad ang kanyang kapatid at tinignan ang nurse na ngayoy nagulat sa inasta kay Ash

"Totoo ba yang sinabi mo,wala naba talaga siya"Malungkot na ani nito

"Patapusin niyo muna kasi ako.Ibig kong sabihin posibling huminto ang pagtibok ng kanyang puso kanina ngunit nalabanan niya ito.Sa pag pulso ko sa kanya ngayon tumitibok pa ito kaya lumaban siya kay kamatayan"

Nagulat ang dalawa sa inani ng nurse tila nabunutan sila ng tinik sa dibdib ng malaman ito.Ngunit ang saya na iyon ay naging panandalian lamang ng may isang sumabog malapit sa kanila dahilan ng kanilang pagtilapun ng malakas.Agad tumayo si Ash sa kanyang pagkakahiga kahit nasasaktan at sininyahan ang nurse na umalis na sila at dalhin nila si Ayeshia sa Hospital.

Sinunod agad ito ng nurse agad nilang pinaharurut ang ambulansiya hanggang sa hindi na ito makita.Nagsikilos agad ang mga police at doon nagpakita sa di kalayuan si Helena kasama ang kanyang mga tauhan,at sa kamay dito hostage niya si Shinna na nagpagulat kay Rad.

"Shinna"Sigaw ni Rad

Agad sana itong pupunta doon ng pigilan siya ng kanyang kapatid at ng mga police.

"Ngayon kapag hindi niyo ibinigay sa akin si Ayeshia buhay man oh patay.Mamamatay din itong babaing ito."

"Wag mo siyang gagalawin"Sigaw ni Rad habang nagpupumilit pumunta doon

"Sorry ka nalang,patayin silang lahat"Ani nito na nagpakilos sa mga tauhan nito

Habang busy ang lahat sa paglaban sa mga tauhan nito.Sa kabilang banda ay nandoon ang isang tao sa likod ni Helena may dalang baril at sa isang iglap agad niyang binaril si Helena sa braso dahilan ng pagkawala ni Shinna sa mga kamay nito.

Agad pumunta si Shinna sa tabi ng taong iyon.At si Helena na dinaramdam ang sakit ng kanyang braso dahil sa pagkabaril.Pagharap niya sa taong iyon agad siyang nagulat.

"Tristan"Gulat na ani nito

"Ako nga Helena"Ani nito na kinahalakhak ni Helena

"Alam mo bang huli kana,patay na ang anak mo haha"Tawa nito

"Kilala ko ang aking anak lalaban siya"

"Tama ka lalaban siya at hindi siya basta bastang mamamatay dahil sa dugo niya"

"Mali ka Helena,yung sinabi ko sayong gamot na naiturok ko kay Ayeshia hindi iyon totoo.Patibong kulang iyon upang mahuli kana sa mga krimen mo na matagal munang tinatakasan.Yung nagpakasal tayo alam kong pinike mo iyon dahil kay Henry.Nakipagkunsaba ako simula palang ng una sa mga police at sinabi ang bagay na iyon dahil alam kong alam mo kung nasaan ang anak ko ng mga panahong iyon."Mahabing ani nito na ikinagulat ni Helena

"Walang batang na expermentuhan dahil lahat iyon ay patibong lang"Ani nito

Dahil sa subrang galit ni Helena kay Tristan nabunot niya ang baril na nasa gilid niya at agad sana niyang papuputukan ang mga ito ng maunahan siya ni Trisan at bumaon ang bala sa kanyang puso dahilan ng pagluwa ng dugo nito at namatay.

Natapos lahat kasabay ng pagkamatay ni Helena.Namatay lahat ang mga tauhan nito at napayakap nalang si Shinna sa Ama ni Ayeshia.

Pumunta sa gawi nila ang mga councils kasama na ang magkapatid na kababata ni Ayeshia.

"Tito pasinsya na po kayo.Hindi ko natupad ang pangako kong poprotektahan ko siya"Ani ni Ash habang nakayuko

"Wag kang mag aalala kilala ko ang anak ko.Matapang yon kaya lalaban siya"Matamis na ngiti ang iginawad nito

"Umalis na tayo dito upang makabalik na kayo sa mga pamilya niyo,Chief kayo na ang bahala dito"Ani nito na tinaguan ng police

Agad sumunod ang councils dito at sumakay sa mga kotse na ipinadala niya dito kanina.Nakasakay na ang lahat lalong lalo na ang mga estudyanting naka ligtas sa delobyong nangyari at sinapit nila kanina lang.

****
Hello po maraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa kwento ni Ayeshia.Baka epilogue nalang ang sunod nito,kaya maraming salamat po sa lahat ng naging parte ng kwento ni Ayeshia at ng mga councils.Subaybayan nating lahat ang huling chap ng kwentu ni Ayeshia.

Hidden Academy(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon