Prologue

119 3 0
                                    

-------------------------------------------------------------------------------------

Her POV’

Bakit ba naging hilig ng mga taong nakapaligid sa akin ang manlait ng kapwa? Hindi ba nila nalalaman na nakakasakit din ng dadamdamin ang pagiging sobrang malaitin? WALA namang taong perpekto diba? Pero kahit ganito akong tao, may nararamdaman din ako…..

Nasanay na ako sa mga panlalait at tuksong ginagawa nila sakin araw-araw, mapa eskwelahan pa yan o sa kahit anong lugar. Walang araw na hindi ako makaririnig ng mga salitang masama dahil sa kalagayan ko at itsura ko..

Inaamin ko na hindi ako maganda, hindi kasing ganda ng mga artista, at hindi rin kasing tangkad kagaya ng mga modelo sa t.v… Isa lamang akong nobody girl, at ni isang tao ang may gustong makipagkilala saken kahit ang kaibiganin ako ay walang nagtangkang gawin sa akin..

Pero kahit anong panlalait pa ang marinig ko araw-araw maski habang buhay? Tatanggapin ko iyon dahil kahit ganito ang itsura ko, may maipagmamalaki naman ako..

Hindi lamang sa katalinuhan, kundi pati narin sa Kagandahan ng loob at kung papaano ikontrol ang pag-uugali ko…

-----------------------------------------

His POV’

Isa akong bad boy..... lapitin ng mga babae pero ni isang babae, wala pa kong nililigawan.. pangtanggal ng boring lang ang mga babae para saken.. minsan madalas ko silang pagtripan at gawing slave o utusan..

Mabait talaga ako dati, pero gaya ng sabi ko, DATI , binago ito ng pangyayaring ginawa ng ina ko, at dahil doon pinandidirian ko na ang mga babae..

Gusto kong maranasan nila ang hirap dahil sa mga panlolokong ginawa nila sa mga lalakeng tulad ng daddy ko… Gusto kong ipaghiganti ang daddy ko sa mga babaeng kagaya ng mommy kong nangangaliwa at kinamumuhian ko……

Wala akong paki-alam kahit maubos ang lahat ng pera ko…. Basta ang gusto ko lang ay ang magpakasaya at gawin ang lahat ng gusto ko…

The Truth vs. DenyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon