-NERDY- (1)

51 2 0
                                    

Jas POV’

Naglalakad ako ngayon sa campus, at dahil first day of school ngayon? , as always pinagtatawanan ako ng mga bagong students dito…

Di ko maiwasang hindi yumuko hindi dahil sa kahihiyan, kundi dahil gusto kong pakalmahin ang sarili ko at huwag patulan ang mga taong nanlalait sa akin.. wala rin namang mangyayari kung papatulan ko pa ang mga gaya nilang hindi marunong rumespeto sa kapwa nila…

Kahit nobody ako, may galit din akong nararamdaman sa puso ko, ang mga taong walang modo ang pinaka-ayaw ko sa lahat at kinaiinisan ko…

Oo nga pala, ako si Jashin’ Ashley Tiu half Filipino/Korean , 16 years old, I am the youngest child in our family and yes, I am a rich kid.., mabait ako sa lahat pwera sa mga taong masasama, isa akong nerd at walang iniintindi kundi ang pag-aaral at kasiyahan.. panget ako at wala ni isang lalaki ang nagtangkang ligawan ako.. Ganyan talaga ang buhay ko.. pero sa ilang taong pagtitiis, Nasanay narin ako…

nag-iisa lang ako sa bahay dahil nasa Korea sila mommy at daddy, nasa France naman ang kapatid ko nasi Jamaica Ash’lyn Tiu , siya lang ang taong naging bestfriend ko at siya lang ang taong pinagkakatiwalaan ko lalo na ang mga magulang ko.. nagpapasalamat ako dahil sila ang naging pamilya ko, laging nadyan at sila ang nasasandalan ko sa mga problema ko.. ang mga taong nagtatanggol saken at gumagabay saken..

Nagpunta na ko sa room namen.. Section A ako at isang graduating student dito sa *****University

Pagkapasok ko sa pintuan, natahimik ang lahat atsaka biglang nagsitawanan .. ano pabang bago?? Ganyan naman talaga sila lagi eh…

‘OH!! Andito na pala ang muse ng section A’ .

‘Goodmorning miss BEAUTIFUL’.

‘Im a BIG fan of yours Jas, because of your wonderful face’

‘hahahahaha, I miss you NERDY!!’

 

Sari-saring pang-aasar kaagad ang ibinungad nila sa akin.. take note: First day palang yan ah!! Pano pa kaya kapag buong isang taon??,, oh noes… UHHHH!! Fighting spirit jas, just focus on your studies okay?? Tsk….

Natigilan sila sa pagtawa nang padabog na bumukas ang pinto at iniluwa nito ang masungit at strikto naming teacher..

Kunot kaagad ang noo at magkasalubong ang kilay.. Padabog din nitong sinara ang pinto at pumunta sa harapan

‘Good Morning Ma’am Orteza’ koro naming lahat

‘please take your seat’ sabi nya na sinunod naman namin

‘so, Good Morning SectionA in 4th year, I am in your front because I’m the one that is going to be your adviser’ napakunot ang noo naming lahat, dahil sa pagkamasungit nito walang estudyante ang may gustong maging adviser sya

 

‘Is there anything problem section A’ biglang taas ng isa nyang kilay

‘NONE’ sabay kamot namin sa ulo

 

‘so, if I’m not mistaken there is a new student here came from ******University?’ and she gave us a fake smile

‘Yes ma’am” sabi nung lalakeng katabi ko, at tsaka tumayo sa harapan, ngayon ko lang din napansin ang mukha nya kaya pala parang hindi sya pamilyar saken, kase bagong student sya dito..

‘Introduce yourself first’ ….

‘Hi, I’m Gabri’lle Sky Gomez hope we will be nice to each other thank you’ bati nya saming lahat at ang mga babae kong kaklase ay kinilig, anyare? At baket?

Umupo na sya sa katabi ng upuan ko at nahalata nya atang nakatingin ako sa kanya kaya nag-iwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ko ang pagbabasa..

Natapos ang unang araw ko ng pagiging 4th year student ng maayos at walang gaanong namimintas at nanlalait. Sana ganto nalang palagi….

-------------------------

The Truth vs. DenyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon