Xandra's POV
-____-
"Ms. Montreal! Kung matutulog ka lang sa klase ko mabuti pa at huwag ka ng pumasok!"
O__O
Napabangon naman ako kaagad ng marinig ang sigaw ng prof namin ngayon.
"Sorry mam."
"Ms. Montreal, alam mo naman ata ang punishment right? Detention after class!"
Haay! Dapat kasi hindi ako nagpupuyat eh! Yan tuloy napapala ko! Punishment punishment pa kasing nalalaman!
Natapos na nga ang classes at ayun nga, papunta na ako sa detention.
Kaway-kaway sa inyo! Ako nga pala si Alexandra Montreal. You can call me Xandra or Alex. By The Way, I'm 15 yrs old and 4th year highschool at Southern University.
Kilala ako bilang napakamasayahin na babae. Yung tipong kahit may problema ay kaya pang magpatawa at ngumiti. Ganun ako.
Pagpasok ko ay binigay ko ang detention slip ko at umupo sa may harap malapit sa pinto. Matutulog nga muna ako! Wala rin naman akong gagawin dito eh.
~~~
*boogshh*
"Ay pusang kalabaw!!" Napabalikwas nalang ako ng marinig kong biglang may nag slam ng pinto ng pagkalakas-lakas.
"Tss." Sabi nung lalakeng pumasok ng detention room na gusto yata sirain yung pinto. Taray! Walang emosyon! Tao ba to? O baka alien?
Eh pabayaan na nga! Teka hanggang anong oras ba ako dito? Tanungin ko kaya si Mr.-I-don't-know-kung-tao-or-alien?
"Uhhhhmm hello? Magtatanong lang...po...uhhhmm ilang oras ba kapag na-detention?" Nakangiting tanong ko.
Tumingin lang siya sakin and then kinuha niya yung phone niya. Akala ko kung ano gagawin. Naglaro lang pala ng flappy bird. Psh.
-__________-
May kausap ba ako? S to the E to the R to the I to the O to the U to the S to the L to the Y?
"Uhhhmm nagtatanong ako. Ilang oras ba kapag na-detention?" Nakangiti ko pa ring tanong. Pero deep inside, nababadtrip ako. Ano ako kumakausap sa hangin? -,-
Pinatay niya yung phone niya tapos biglang lumipat ng pwesto. Kfine. Deadma pa more! Tapos wala pang ekspresyon yung mukha! Mapagkakamalan ko na talaga tong bingi eh!
Eh bat ba kasi sakanya ka nagtanong? Utak naman Xandra oh!
Tinanong ko yung nagbabantay sa detention room.
"Kuya ilang oras nalang po ba ako dito?" Nakangiting tanong ko.
"3 minutes nalang and you can go."
"Ah ok po. Buti pa kayo mabait di katulad nung isa dun, snob. Di naman kagwapuhan. Psh." Pagpaparinig ko dun sa lalakeng bingi.
Napatingin naman siya saken at wala lang. Tingin lang talaga. Di man lang ako sinamaan ng tingin or whatsoever!
"Ms. Montreal you can go."
"K po." Tapos lumabas na ako. Anong klaseng tao ba yun? Tao ba talaga yun? Sayang gwapo pa naman. Bingi nga lang. -___-
Teka nga bakit ba iniisip ko yun? Hay. Ewan!
