Part 2: Number

36 1 0
                                    

Nang tumugma ang hula ko noong nakaraang araw, nagkaroon nga kami ng exam na siyang magtatahanghal kung saang section ako.

Pasalamat na lang nang matanggap ko ang resulta, dito parin ako sa section na 'to parehas nila Justine at Prince.

Pero sa isang hindi inaakalang pangyayari, dito pa napunta ang babaeng na-attract ako. Pangalan niya pala ay Jessa.

Nakakagulat talaga nang makita ko siya dito, akala ko doon parin siya sa Section 1 pero dito pala siya napunta matapos ang exam. Siguro nga tinadhana kaming dalawa ng oras at tadhana. Joke lang!

Kasalukuyang araw: ang pangalang linggo matapos ang unang araw ng pasukan.

Sa wakas, bumalik narin ang pagkasanay ko sa eskwelahan. Katulad nga ng inekspekta ko, wala paring nagbago sa LMI.

Ganun parin siya, walang improvement at kulay dilaw parin ang pintura. Habang nakatambay kami ni Prince at Justine sa labas, bigla namang dumating ang pinsan kong parang t*nga o awkward.

Oo nga pala, ako nga pala ang awkward, siya pala yung overacting. Siya ay si Emman.

"Emman, 'bat ka nandito?" Tanong ko sa kanya. "Oo nga, 'bat ka nandito?" Sabat naman ni Justine.

"Wala lang. Kayo, bakit kayo nandito?" Sagot niya sa akin.

"Nabobored kami eh bakit may problema ka?"

"Oo, bakit!?"

"Wala lang..."

Habang nagkakatuwaan kaming magkakaibigan doon, bigla namang dumaan si Jessa na sa kanya napatingin ang mga mata ko. Pilit kong hindi itingin sa kanya pero tuloy-tuloy parin ang pagsulyap ko. "Nakakabadtrip naman.

Bakit hindi ko maialis 'tong pagtingin ko sa kanya!?" Sabi ko sa isipan ko.

Sa isang pang pagnakaw ko ng tingin sa kanya ay bigla naman akong nahuli ni Justine. Hinawakan niya ang aking balikat at sabi niya sa akin;

"Hoy, sino yang tinitingin-tingin mo? Siguro si Jessa yung tinitignan mo noh?"

"Huh!? Hindi ahh 'bat naman ako titingin sa kanya?"

"Sayang wala kasi dito si Mariel ehh... Siya sana yung tinititigan mo ngayon."

"Tumahimik ka nga, Justine kung ayaw mong makatikim ng..."

"Ng ano!?"

"Basta!" Sagot ko sa kanya. Ang totoo kasi, wala akong maisip na sasabihin ko sa kanya. Nagmukha lang akong tanga nung oras na 'yun pero bahala na, nasabi ko naman na eh.

Tumayo ako at umalis ako sa kanila.

"Hoy, san ka pupunta?" Tanong sa akin ni Prince. "Bibili lang ako ng inumin." Sagot ko sa kanya.

"Owws... Maniwala ako, papasikat ka lang kay Jessa eh.."

"Manahimik ka nga, Prince. Lagut ka sa akin mamaya." Habang nagsasalita ako ay tuloy-tuloy ang paglakad ko paatras nang bigla nalang akong may mabunggo sa likuran ko.

Pagtaligod ko ay nakita ko na si Jessa pala ang natamaan ko.

"Ay sorry sorry, hindi ko sinasadya." Sabi ko sa kanya.

"Okay lang... okay lang, Deniel."

"Seryoso ka? Baka mamaya may masakit dyan..."

"Hindi, okay lang ako, Deniel." Sagot niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at siya'y ngumiti din sa akin. Nung oras na 'yon, iba talaga ang naramdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko nang bigla nalang nagsalita ang mga katropa ko ng-

-"Ooohhh... Humble sa Deniel!"

"Manahimik nga ka'yo!!"

Sigaw ko sa kanila.

Hindi naman ako napikon pero tumuloy na ako sa canteen para lang malayuan ko sila. Hindi naman ako madaling mapikon, lahat ginagawa ko lang na biro. Kahit yung sinigaw nila kanina biro lang 'yun para sa akin.

Mayang uwian, nasa daan na ako pauwi nang biglang sumabay sa akin si Jessa. "Hi Deniel!" Sabi niya sa akin. Hindi nalang ako kumibo at hindi ako nagsalita.

"Ay, deadma ka?" Tanong niya sa akin.

"Tsk! Hinde! Wala lang akong ganang makipagusap."

"Ahh ganun ba... Pauwi ka na ba?"

"Yah..."

"San ba bahay niyo?"

"Diyan lang sa kanto, malapit na lagpas ng bangko doon."

"Ahh... Ang lapit lang pala ng bahay niyo, siguro kapag malelate ka na, tatakbo ka nalang padirestyo doon."

"Baka, pero hindi ako male-late kahit kailan."

"Ohh, sipag pumasok sa school pero pagdating doon gagawin lang makipagdaldalan."

"Tama ka dyan!" Sagot ko sa kanya. Sa pagsabi ko nun, bigla siyang napatawa at nalaman ko nalang na kaya ko pala siyang patawanin. Siguro nga mukha talaga akong clown, joke lang!

Anyway, habang naglalakad kami. Bigla niya nalang tinanong ang number ko at sabi niya sa akin;

"Para makausap kita kahit wala sa school. Pansin ko kasi na hindi mo ako kinakausap sa school kaya sa text-text nalang."

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero sa isang iglap, naramdaman ko nalang na binigay ko na pala sa kanya ang number ko.

"Salamat Deniel! Alis na pala ako, sasakay pa ako ng tricycle eh! Bye!" Tumakbo siya palayo at ako ay napatigil sa lugar na kinatatayuan ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero matapos kong pumikit ng maraming beses, doon ko nalang naranasan na nasa tabi na pala ako ng bahay namin.

Tinignan ko ang aking kamay at nakita ko na hawak-hawak ko ang cellphone ko. Nabigay ko nga sa kanya ang number pero hindi ko naman nakuha ang number niya. Sayang naman pero bahala na, nagawa ko na eh.

Pumasok nalang ako sa loob ng bahay at nagpahinga kaagad pagdating ko sa aking kwarto. Bigla nalang tumunog ang aking cellphone at tinignan ko na parang tinatamad.

"Hi Deniel, si Jessa 'to. Nakalimutan ko number ko bigay sa'yo kaya eto na. First text! :D"

Sa isang iglap, bigla ko nalang naramdaman na may ngiti na na lumitaw sa aking mukha. Doon ko naranasan ulit ang naranasan ko na dati pa.

IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon