Part 6 - Kampana

8 0 0
                                    

Kapag ang hangin ay malamig, ibig sabihin may katabi kang multo. Ayun ba ang sabi nila? Siguro.

Actually, ngayon ay nanonood kami ni Prince at Justine sa bahay ng horror movie. Malamig nga ang hangin, dahil nakabukas yung aircon. Diba?

Date: December 15

Napakalapit na ng Christmas Party at hanggang ngayon parin hindi ko parin nakikita si Mariel. Grabe, hanggang ngayon nagtataka parin ako... Tsk...

Nakahanap na ako ng magandang damit para suotin sa Christmas Party, dapat pormal lang ako. Hindi dapat ako magmukhang gwapo (joke) o kahit ano man, dapat pormal lang ako katulad ng araw-araw.

Hindi katulad ng palaging pawisan at pagod, hah? Dapat maayos lang ako sa araw na 'yon.

Habang nanonood ako, nag-text sa akin si Mariah.

Tinignan ko agad-agad at binasa ang kanyang text.

"Hoy otor! Simba tayo maya, kita tayo eight ng gabi."

Grabe hah! Eight ng gabi, sana lang huwag lumagpas yung pag-iisip ko kapag sinabing 'samahan mo ako mayang gabi'.

Nagreply ako sa kanya ng sige, at nagtuloy sa panonood. Sakto, pagtaas ng ulo ko, nakatingin yung multo. Bigla tuloy akong napatambling sa upuan ko. Tapos pinagtawanan pa ako nila Prince at Justine.

Nakakahiya pero masaya...

Pagdating ng eight ng gabi, sinubukan kong isama si Justine pero ayaw niya. Masyado siyang busy maglaro ng PB (point blank). Hinayaan ko nalang nga siya. Dumaan na ako papunta sa Simbahan.

Sakto sa daan ko papunta sa Simbahan, nakasabay ko si 'Reader' este si Mariah.

Sabay na kaming pumasok ng misa, at pagkatapos ay nandoom kami palabas ng Simabahan. Nakita namin yung kampana, na siyang tumunog kaganina bago magsimula ang masa.

Sa laking 'yon, imposibleng hindi yun marinig ng mga tao sa paligid.

Kapag hindi, edi bingi na silang lahat... Basta ako narinig ko 'yon kanina...

"Uy otor, may gusto nga palang sabihin si Jessa sa'yo." - biglang sabi niya sa akin matapos ang halos (kunyaring) sandaang minuto na hindi nagsasalita.

"Ano 'yon?" Ang simpleng sagot ko.

"Ay!" Biglang hawak sa bibig niya. "Nakalimutan ko! Sorry otor! Ayaw niya nga palang sabihin sa'yo. Ang bobo ko naman."

"Hah! Buti alam mo!"

Sabay suntok sa braso ko. "ARAY!!!" Sigaw ko.

Mahilig manakit 'to si Mariah kapag naaasar o nagigil. Di ko nga alam 'bat ganito 'to eh... :(

"Oo nga pala, otor. Ano na nangyari sa inyo ni Mariel?"

"Eh!? P-Pano mo nalaman yon!?"

Bah! Mukhang may nagsabi niyon sa kanya ahh. Lagut sakin yun...

"Si Prince. Sabi niya sa akin may nililigiwan ka dati, pero na-busted ka. Wawa ka naman, otor."

"Ay! Hindi naman ako na-busted, hindi lang siya dumating. Kay tagal ko na ngang hinihintay siya eh..."

"Edi ibig sabihin, hanggang ngayon, hindi mo parin siya nakikita."

"Oo."

Nakaka-iyak ba o hindi? Matagal na akong naghihiling na makita ko ulit si Mariel. Naglakad na ako paabante, tinanggihan ko na yung sumunod na tanong ni Mariah.

"Huy san ka pupunta!?" - sigaw niya sa akin.

"Uuwi na ako. Kita nalang tayo sa Christmas Party..."

Sabi ko sa kanya. Umalis na ako, naglakad paabante. Sumunod na rin si Mariah at tumuloy sa bahay niya. Nakatago ang mga kamay ko sa bulsa ko. Matapos yung sinabi ko kay Jessa na totoo ang lahat, parang napilitan akong layuan siya muna.

Hindi ko alam bakit ganun... Hindi rin naman siya lumalapit o nakikipag-usap sa akin. Nakakapanghinayang... Pero sana lang, sa Christmas Party, ang huling araw sa school, sana maka-usap ko ulit siya.

"Hay nako!"

IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon