Time Skip: Pagkatapos ng ilang buwan, dumating ang November.
Lumipas nanaman ang isang buwan, nandito na tayo sa November. Magde-December na, isang buwan nalang, tapos na ang taong 'to.
Pero aaminin ko, hindi na ako makapaghintay para sa Christmas Party. Atat na atat na ako!
Ngayon, nasa classroom ako.
Nasanay na ako sa school na 'to, palagi nalang quiz, test. Kailangang makinig, pero nakikinig lang ako sa teacher na hindi ako naboboring... Actually hanggang ngayon, hirap na hirap parin ako sa Math. Hindi ko nga alam kung bakit eh, pero ganun nayun... Hindi ko na maiiba...
Kapag sinabi kang swerte, didikit na yun sa'yo hanggang sa magsawa sayo. Pero kapag nagsawa na yon sa iba, babalik at babalik parin yun sa'yo.
Katulad lang nitong nangyari sa akin. Nung nakaraang araw, weekend: Linggo. Niyaya ako ni Mariah na magsimba. So sumama nga ako, actually kaibigan lang naman ang tingin ko sa kanya.
Wala nang iba.
Natapos ang simba ng alas-onse, ang lakas ng tirik ng araw, hindi ko akalain na ganito kainit sa ber ngayon.
Dapat hindi, dapat malamig ang simoy ng hangin dahil magpapasko na. Kagagawan rin naman natin 'to eh, mga hindi kasi tayo marunong mag-alaga ng nature.
(Wow, nature talaga. Pwede bang paligid nalang... Nosebleed ka naman)
Paglabas namin ni Mariah ng simbahan, niyaya niya ako sa 7-eleven. Hindi ko alam kung bakit pero sumama nalang ako.
Sabi ko nga sa sarili ko eh; "Wala rin naman akong gagawin sa bahay kaya sasama nalang ako sa kanya."
Sa kasalukuyang oras, nakaupo kami ni Mariah sa loob ng 7-eleven. Siya ay may ice cream habang ako wala. Hindi ba unfair?
"Mariah, libre mo naman ako." Sabi ko sa kanya.
"Huh? Ay, sorry otor (author actually, ganyan lang kasi yung spelling niya kapag author sa akin). Wala na akong pera, huwag ka mag-alala, ililibre kita."
"Weeh? Kailan?"
"Next year."
"Pst... Grabe ka, next year pa? Pwede bang bukas?"
"Uy, si otor naman. Isang buwan nalang nga hihintayin mo. Libre kita next year, ganito din kaso lang nga sorbetes, okay lang?"
"Bahala ka..."
Tumingin ako sa salamin at bigla kong nakita si Justine na papunta dito. Nakita niya ako kasama ko si Mariah. Sh*t! Paano 'to, magseselos na naman si Justine tungkol dito.
Kailan ko ng dahilan dito! Pumasok si Justine sa pintuan at lumapit siya sa akin.
"Hoy, anong ginagawa niyong dalawa dito?" Sabi niya sa aming dalawa."
"Ay Justine, niyaya ko siya magsimba. 'Wag ka mag-alala, pumunta lang kami dito para kumain."
"Siya lang." Sabi ko kay Justine. "Siya lang nga yung kumain eh, hindi niya ako nilibre. Tuloy, nagtatakam tuloy ako ng lasa ng Ice Cream."
"Ay si otor nagtatakam!" Sigaw ni Mariah. Sabay nagsitawanan silang dalawa, habang ako naman ay awkward sa isang tabi. Sa isang iglap, bigla namang dumating si Jessa.
What a coincidence?
Hindi ko inaakala ang mga pangyayaring 'to! Nakita kami ni Jessa doon at lumapit siya ng nakangiti.
"Uy, nandito pala kayo, hindi niyo sinasabi."
"Ehh... Sorry, hindi namin alam na gagala ka pala." Sagot ko sa kanya. Kailangan nang mag-concentrate. Tama na ang mga pagiging shy, oras na para maging walang-hiya.
Kailangan kong magsalita at makipag-usap sa kanya. Sakto, sa tabi ko pa siya umupo.
Ang kaso lang nga... Baka hindi ako makapagsalita ng kahit isang salita.
Kapag nandito na siya, nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung bakit pero may nararamdaman ako sa looban ko na hindi ko maintindihan.
Actually naramdaman ko na 'to kay Mariel dati eh, pero kay Jessa; ganoon din ang nararamdaman ko.
"Hoy otor, magsalita ka naman. Parang statue ka naman diyan. Gumalaw ka kaya." Sabi sa akin ni Mariah.
"Eh, wala akong masabing salita eh... Puro kasi kayo nag-uusap, tignan niyo, pati si Justine hindi makapagsalita."
"Hoy, nagsasalita ako. Ikaw lang hindi." Sabi ni Justine.
"Baka otor natatae ka. Uy, wag ka nang mahiya, dumeretsyo ka na sa CR." Sabi ni Mariah.
"Hinde!" Sigaw ko.
"O baka may gusto ka kay Jessa kaya hindi ka makapagsalita? Ay oo nga pala, may gusto ka nga pala sa kanya. Nakalimutan ko yun ahh."
"Ano!? Hoy, hindi ahh... Kung ano-anong pinag-iisip niyo."
"Hindi, Justine. Hayaan mo na si otor, siguro nga masakit lang yung tiyan niya." Sabi ni Mariah.
"Sabi nga hindi diba... Bahala nga kayo, basta walang totoo sa mga pinagsasabi niyo." Ang sabi ko sa kanilang dalawa. Sumandal ako sa pader at hinayaan ko silang isipin kung ano ang mga gusto nilang isipin.
Maya-maya nang umuwi na kami, sabay ulit kami ni Jessa. Sa malayo kasi siya papunta, hinatid ko lang siya doon sa sakayan ng jeep.
"Uhm... Deniel... May gusto sana akong tanungin sa'yo..."
"Bakit, ano yun?"
"Uhm... Pwede ka bang humarap sa akin. Personal kasi 'to eh.."
Tumigil ako sa paglalakad at humarap ako sa kanya. Nanginginig ang tuhod ko kung ano man yung sasabihin niya, sana lang huwag yung inaakala ko.
Baka manhidin ako sa isang tabi. Hawak-hawak niya yung mga kamay niya, sa tingin ko ninlalamig siya.
"Uhm... Deniel... Totoo ba yung pinagsasabi nila kanina?"
"Yung masakit yung tiyan ko? Hahah! Hindi. Hindi ako constipated."
"Hindi yun... Yung isa?"
"Jessa, ano bang tinatanong mo?"
"Totoo ba... Please sagutin mo ako..."
"Hmm..." Ngumiti ako. Ang totoo, hindi ko alam kung ano ang gagawin at sasabihin ko. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang totoo pero mas maganda na yung ginawa ko.
Inilagay ko sa kanya ang mga kamay ko at niyakap ko siya.
Tumingin siya sa akin at sabi ko sa kanya ng mahimbing. "Oo... Totoo yung mga sinasabi nila. Sana lang... Tanggapin mo ako."
Buti lang nga at walang tao sa paligid. Kapag maraming tao sa paligid, siguro pinagpi-picture-ran na kami dito.
Salamat nalang at wala gaano. At buti nga, nasa isang park kami, at kung natatandaan ko, ito yung park kung saan naghintay ako kay Mariel.
Pero buti nalang, napalitan ang puso ko. Pero aaminin ko, hanggang ngayon hindi ko parin nakakalimutan si Mariel.
Pero alam mo ba, na ang nararamdaman ko ngayon ay parang kasama ko si Mariel.
Parang siya na ang niyayakap ko ngayon....
Basta kasama ko si Jessa, parang kasama ko na rin si Mariel.
BINABASA MO ANG
Iris
Teen FictionHay nako... Pagibig nga naman talaga oh... Tanong lang nga, naniniwala ka ba sa kanya? Ako, siguro pagitan sa oo at hindi. Ang pagibig kasi minsan hilig manloko, akala mo yun na eh yun pala hindi pa. Dito sa kwentong 'to, ang lalaking bida natin ay...