Ang lakas parin ng sikat ng araw kahit na tapos na ang Summer. Salamat nalang at walang bagyo ngayong araw na 'to. Napakasaya ng araw ko ngayon, hindi ko alam kung bakit pero eto ang nararamdaman ko.
Ngayon, naglalakad ako papunta sa LMI.
Wala naman akong ineekspektang may darating pero bigla nalang sumulpot si Jessa sa tabi ko.
"Hi Deniel." Ang sabi niya sa akin. "Kamusta ka na?"
"Okay lang. May nararamdaman ka ba?"
"Wala. Bakit?"
"Parang may nararamdaman ako na magiging masaya yung araw na 'to eh... Siguro magiging tama ang inaakala kong may mangyayari sa school."
"Siguro... Pansin ko rin na parang masaya ang araw na 'to, parang ako rin 'ata may inaakalang may mangyayari."
Sabay kaming pumasok ng school. Pagdating namin doon sa room, nagulat na lang ako na nandoon kaagad yung teacher namin sa Science.
Nakakagulat naman...
Late na pala ako nang tignan ko yung orasan doon sa room namin. Pagdating ko doon sa upuan ko pero may nakaupo na doon. Sabi ko umalis siya doon pero ayaw niya.
Tumingin ako sa paligid at nakita kong may bakanteng upuan, pero sa tabi siya ni Jessa. Parang ayaw ko namang umupo doon dahil nahihiya ako pero bahala na.
Umupo na ako doon sa upuan sa tabi ni Jessa kaysa na sa nakatayo ako buong class hours. Hindi ako halos makapagsalita nang doon ako makaupo. Unti-unti tumitingin ako sa kanya pero hindi ako makapagsimula ng usap.
Ang kailangan nga 'ata talaga siya ang magsimula ng usap, ang kaso naman, mabilis matapos ang pag-uusap. Gusto ko nga sanang dagdagan ang skills ko sa pakikipag-usap.
Tignan mo 'to, ang galing-galing kong mambola pagdating sa Facebook at sa text, pero pagdating sa personal, nganga ako.
Hindi ba nakakabadtrip yun?
Maya-maya, pagkatingin ko sa orasan sa likod, napansin ko na 5 minutes nalang bago mag-recess.
"Yes!"
Ang sabi ko. Tinuloy-tuloy ko na ang pagsusulat ko ng kahit anong maisip ko para pangpalipas oras, pero bigla nalang nakipag-usap sa akin si Jessa.
"Uy, Deniel. Pwede mo ba akong tulungan dito?" Sabi niya sa akin.
"Saan?" Tumingin ako sa notebook niya sa kanyang mesa at nakita ko na naghihirap siya sa Math.
Ayoko sanang tulungan siya doon dahil napakahirap ng Math namin ngayon pero bahala na, kung ano ang alam ko ay ayun nalang ang itutulong ko sa kanya.
"Hirap na hirap ako diyan, Jessa, pero tutulungan kita. Huwag ka magalala, nandito ako."
Ang sabi ko sa kanya. Hiniram ko ng saglit ang kanyang notebook at binalik ko sa kanya kaagad, tinapos ko lang yung number 3 niya dahil yung mga iba nasagutan na niya pero yung mga sumusunod na number ay hindi ko alam.
Ang totoo, nosebleed ako sa Math.
Nang tumunog ang bell, lahat kami ay nagsibabaan na. Habang paalis na ako ng classroom, tinawag ako ni Jessa at sinabi niya sa akin. "Deniel, pwede mo ba akong samahan sa Faculty. May gusto sana akong tanungin kay Ma'am Lea."
"Sige, ano bang tatanungin mo?" Sagot ko sa kanya.
"Yung sa assignment kasi sa English nung nakaraang araw, tatanungin ko lang kung ilan ako."
"Hmm... Sasabihin naman ni Ma'am Lea yun mamaya eh..."
"Siguro pero samahan mo parin ako. Hindi lang naman si Ma'am Lea yung pupunta ko doon ehh.
Ibibigay ko pa kay Ma'am Caracas 'tong mga notebook na 'to." Pinakita niya sa akin ang pitong notebook at naisip ko na ako na ang magbigay kay Ma'am Caracas nun.
Oo naman ang sinagot niya sa akin. Binigay niya sa akin ang mga notebook at dumaan na ako papunta sa Faculty Room.
Pagkalabas ko ng Faculty Room, nakita ko si Jessa na naghihintay sa akin. "So, nabigay mo?" Tanong niya sa akin.
"Oo. Nabigay ko na, ano pang gusto mong gawin ko?"
"Wala na... Thanks, Deniel... Worthwhile ka pala, hindi ka worthless." Tumalikod siya at naglakad na siya palayo. Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ko siyang maglakad palayo.
"First-time ko lang yun marinig sa akin ahh... Siguro binobola niya lang ako."
Sabi ko sa aking isipan. Pero habang naglalakad siya palayo, bigla ko nalang naisip na para siyang si Mariel kung maglakad.
O siguro ngang bigla ko nalang naisip si Mariel... Hindi ko alam, siguro nga namimiss ko na si Mariel dahil hindi siya dito sa LMI nagaaral. Nasaan nga ba siya ngayon?
BINABASA MO ANG
Iris
Teen FictionHay nako... Pagibig nga naman talaga oh... Tanong lang nga, naniniwala ka ba sa kanya? Ako, siguro pagitan sa oo at hindi. Ang pagibig kasi minsan hilig manloko, akala mo yun na eh yun pala hindi pa. Dito sa kwentong 'to, ang lalaking bida natin ay...