Ako Naman

3 0 0
                                    

Isa kang bituin para sa akin,
Isang bagay na mahirap abutin,
Hindi ko na papangarapin, ika'y  mapasakin
Sapagkat langit at lupa ang pagitan natin.

Pero bakit biglang ika'y nag-iba,
Pinilit bumaba at biglang nagpakita
Ng intesyon at motibo para sa ating dalawa.
Dahil dito'y labis labis ang aking tuwa.

Pakikitungo mo sa akin, biglang nagbago
Naging mas malapit at maayos Tayo
Akala ko ayos na dahil ika'y seryoso
Pero putangina gusto mo lang mangago.

Sabi mo sakin iba ang iyong gusto
Pero bakit naman ang mga kilos mo'y ganito
Ano ba talaga kase ang trip mo?
Pinaglalaruan mo lang ba ako?

Gusto ko nang itigil itong aking kabaliwan.
Okay na ako kahit ikaw ay lumisan.
Babauin mga alaalang ating pinagsamahan.
Sa ngayon, wala nang iisipin, sarili Lang, ako naman.

RandomWhere stories live. Discover now