Pusong Nagmamahal

4 0 0
                                    

Buo na ang araw kapag ika'y nasulyapan
Tumatalon ang puso at umiikot ang tiyan
Hindi mapagtantato kung anong nararamdaman
Pag-ibig na pala, hindi na mapipigilan

Unti-unting nabihag sa iyong kagandahan
Nag-uumapaw pa busilak na kalooban
Tuwing kasama ka masaya sa pakiramdam
Bawat oras na lumipas aking ninanamnam

Ang iyong tinig na ubod ng lamig
Nagsisilbing musika sa pandinig
Aking pagmamahal sayo ay tapat
Ibibigay sayo lahat at sapat

Ang iyong mga mata'y laging nang-aakit
Malalim ang tingin, ang titig ay malagkit
Mahabang pilik mata na ubod ng rikit
Nagliliwanag kapag ikaw ay malapit

Aking damdamin iyo sanang dinggin
Iyong pag-ibig ibigay sa akin
Aking kahilingan sana'y pagbigyan
Iyong pag-ibig sa akin ilaan

Pag-ibig ko ay sayo magpakailanman
Pangako habang buhay hindi iiwan
Ikaw ang handog sa akin ng Maykapal
At ikaw lamang ang aking minamahal

RandomWhere stories live. Discover now