Midnight Thoughts

3 0 0
                                    


Isa na namang gabi na puno ng lungkot
Tila ba ngayon ang mundo ko ay nababalot
Nang isang itim na kumot
Na aking ginagamit upang itago ang lungkot

Eto nanaman ako, nag aantay ng umaga
Liwanag na magbibigay pag-asa
Para sa buhay kong tila pagkaing paulit-ulit
Na nakakawala ng gana.

Nandito nanaman ako sa sitwasyon kung saan di ko mahanap ang saya. Parang nabubuhay ako sa mga nakalipas na alaala. Mga alaala na para sakin noon ay naghahatid ligaya ngunit nagdudulot ngayon ng pighati at pagdurusa. Siguro nga tama na. Marapat lamang na itigil ko na . Ibababa ko na ang aking bandera. Ilalaan ko nalang ang panahon at atensyon ko sa iba. Hahanapin muli ang sariling nawala noong sandaling nawala sya.
Sabi nga nila tapos na ang laban. May nanalo na. Lalaban ka pa ba kung nakikita mo na masaya na sya. Masaya na sya sa piling ng iba . At wala ka nang magagawa dahil ang pagmamahal na inilaan mo sa kanya ay balewala na.

RandomWhere stories live. Discover now