Chapter 07 "Disguise Feelings"

20 0 0
                                        

*Chasey's POV*

Naguhuluhan ako sa mga nalalaman ko at lalo na sa mga nakikita ko. Bakit ganun na lang ka apektado si Justin nung sinabi ni Mark kung sino yung nakita nya?

Sino sya? Sino si Yessa? Malungkot akong nakatingin sa kanila habang sila mark at jake nag uusap pero si justin nakikinig lang sya sa sinasabi ni Mark.

Saan ko siya Makikita? Tanong ni Justin kay Mark.

Respetuhin mo na muna naten yung sinabi nya, sabi nya paghanda na daw sya tsaka sya yung magpapakita sayo. Sabi nya kay Justin.

Naguguluhan ako, naguguluhan kami sino siya? At bakit ganito yung pakiramdam bakit ang bigat bigat makitang interesado syang malaman kung nasaan yung babae na yun.

Tinago mo na sakin yung nakita mo sya, kaya ka ba di sumama saamin sa Baguio? Dahil sya ba? Sya yung nakita mo? Bakit hindi mo sinasabi saakin.! Mark! Alam mo naman 3 years ko siyang hinanap at inantay! Bakit mo pinagdadamot saakin kung nasaan siya. Sabi ni Justin na nag gagaralgal na yung boses.

Sila andrew at trixie mukhang nag aalala na din kay Justin.

Gusto ko! Gustong gusto ko! Pero paano ba naman ako tatanggi sa pakiusap nya! Kung nakita mo lang yung mukha nya, mukha nyang napaka inosente! Kala mo madali lang saakin to? Nung malaman ko lahat lahat ng nangyari sa kanya! Sa tingin mo ba gugustuhin ko pang itago sayo! Sainyo! Kaso nakiusap sya saakin Seth! At sinabi nya saakin may tamang oras daw at siya mismo magpapaliwanag sayo! Sagot ni Mark sa kanya na tumutulo ang luha.

Habang si Justin naman dahan dahan ng pinakawalan ang luha at saka tumayo at umalis.

J-just tinawag ko siya pero di sya lumingon.

-- - -- -- - -- -- - -- - -- - -- - -- -- - --

Naiwan kami dito sa Garden ng hindi nagkikibuan.

Walang ni isang nagkakatinginan sa mata.

Jake? Mark? Tanong ni Trixie dun lamang sila nag angat ng tingin kay trixie. Sino si Yessa? Tanong nya at nanlaki ang mga mata ko dahil yun dapat ang tatanungin ko din kaso naunahan nya ko.

Kaibigan din namin sya, way back 3 yrs ago. Naging one of the boys siya. Nakilala namin sya dahil kay Prince minsan kasing tinulungan ni Yessa si Prince kaya nakilala namin sya, tumagal ang panahon mas nahulog si Prince sa kanya, pero alam namin na kasalungat ang nararamdaman ni Yessa sa kanya, kaya lahat ng effort at pagmamahal pinakita ni Prince pero una pa lang sinabi na ni Yessa na Huwag umasa si Prince dahil alam nyang darating ang araw na masasaktan nya si Prince. Hindi pa rin nakinig si prince kaya pinatuloy nya lang yung panliligaw nya. Pero sad to say umalis si Yessa dahil may sakit yung nanay nya, inuwi nya sa Cebu pero sinabi nya saamin na saglit lamang sya, hanggang sa hindi na siya nakabalik. Habang kinukwento ni Jake dahan dahan nadudurog ang puso ko. All this time malungkot na malungkot pala sya dahil yung taong pinakamamahal nya iniwan sya.

Halos mabaliw si Prince nun isa, dalawa, tatlong linggo medyo okay pa sya pero yung mga sumunod na buwan, wala na bumigay na sya. Lalo na nung umabot ng taon nag iba si Prince mas naging mabilis itong mainis. At mabilis magdesisyon ng mga bagay bagay. Ilang beses na rin nya sinubukan magpakamatay pero sinasabi namin sa kanya, eh paano kung bumalik si Yessa tapos bangkay kana, oh edi di mo sya nayakap. Dugtong pa ni Jake.

Hinawakan ni Trixie ang kamay ko, nararamdaman nya siguro na malungkot din ako sa mga narinig at nalaman namin.

Pero saan mo siya nakita Mark? Sabihin mo hindi namin sasabihin kay Justin. Tanong ni Andrew.

His One Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon