Chapter 09 "The Kiss 2"

11 0 0
                                        

*Yessa's POV*

Naglalakad na ako pauwi.

Grabe antok na antok na ako pagod na katawan ko.

Si Yohan kaya kamusta na? Gusto ko siyang makausap.

Nilabas ko yung phone ko, keypad lang phone ko hindi ko kasi hilig bumili ng mga mamahalin cellphone.

Tsaka isa pa wala akong pambili.

Itetext ko sana si Mark para hingin yung number ni Seth.

Kaso naalala ko wala pala akong load.

Umuwi na lang ako at naisipan kong maligo.

Habang dumadampi ang tubig sa katawan ko,

Naiisip ko yung nangyari kahapon.

Yung halik ni Seth.

Nagkita na kami ni seth ulet.

Sa tagal kong nawala, hanggang ngayon hindi nya pa rin nakalimutan yung nararamdaman niya para saakin.

Dapat ko na bang suklian?

o hayaan ko ng panahon ang magdesisyon.

Paano kung hindi ako magustuhan ng pamilya nya?

Malayo ang agwat ng katayuan namin sa buhay.

Bakit ba seth ako pa?

Sinarado ko ang gripo at kinuha ang twalya para itapis.

Lumabas ako ng CR.

nagbihis ako at nagpatuyo ng buhok.

Sobrang haba ng buhok ko.

Pati sarili ko hindi ko magawang ayusan.

Pumunta ako sa salamin.

Kailangan pa ba mag ayos?

Narinig kong may kumatok sa pinto, kaya lumabas ako ng kwarto.

Pagbukas ko

Si Yohan agad ang nakita ko, lumapit siya saakin at yumakap.

Ateeeee! Namiss po kita. Ate alam mo po ba ang laki po ng bahay nila kuya seth. Tapos ang dami po nilang pagkain, tapos pinakita nya po mga toys nya saakin kagabi, may mga airplane pa nga po e.

Ikaw talaga, hindi ka ba nagkulit dun?

Hindi po ate.

Ate tingnan nyo po binigay pa po ni kuya seth yung iba niyang laruan, sandali lang po ate.

Tumakbo siya sa kwarto at kinuha yung iba pa niyang laruan.

Seth pasensya ka na kay Yohan ah, makulit talaga sya..

Bigla niya kong niyakap.

Di siya nagsasalita kaya niyakap ko din siya.

Imissyou Yesh.

May problema ka ba?

W-wala niyakap kita, kasi namiss lang kita.

Binobola moko?

Hindi bakit kita bobolahin.

Teka, bakit basa buhok mo? Naligo ka? Diba masama yun puyat ka e, gusto mo na ba magkasakit.

Hinigpitan niya pa pagkakayakap niya saakin.

Kumawala ako. Tinignan ko siya

Kumain kana?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His One Great LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon