Yujin

451 20 4
                                    

Kim Minju
• active now

Yujin:
Hi ate, good morning as friend.

Yujin:
Kain ka na po ng breakfast as friend.

Yujin:
Ingat po sa pagpasok as friend.

Minju:
Ingat ka rin.

Minju:
As friend.

Yujin:
Kailan po kaya magiging as jowa?

Minju:
Soon, charot.

Yujin:
Pwedeng charot without a C?

Minju:
Baliw, pero hindi talaga pwede. Oh wag kang iiyak ha!

Yujin:
Hindi ako iyakin.

Minju:
Pero uhugin.😅

Yujin:
Grabe siya oh! Naliligo na nga ako everyday.

Minju:
So hindi ka naliligo everyday dati?

Yujin:
Oo, kasi may water shortage dapat magtipid.

Minju:
Ay, paano ba yan gusto ko yung malinis sa katawan.

Yujin:
Bakit yung aso mo ba araw-araw naliligo?

Minju:
Hindi bakit.

Yujin:
Pero mahal mo?

Minju:
Syempre naman.

Yujin:
Edi ako rin, di naliligo pero mamahalin mo soon. 🤭

Minju:
Iba rin, pumasok ka na nga!

...

"Mukha kang tanga." Sinamaan ko naman ng tingin si Yuna. Napansin niya kasi na nakatitig ako sa chat namin ni Minju.

"May progress na kami ni Ate Minju." Bumulalas naman ito ng tawa.

"Tinatawag mong ate yung crush mo? Nakakaturn-off ka naman." Tinitigan ko siya, syempre dapat akong maniwala sa sasabihin nito kasi may jowa siya.

"Edi anung dapat kong itawag?"

"Mommy." Nakangisi niyang sambit.

"Pero hindi ko siya Mommy, hindi naman niya ako anak." Tinapik naman ako ni Yuna sa balikat.

"Kapag tinawag mo siya nun, magbabago ang lahat. Oh siya una na ako, dadaanan ko pa si Baby Ryeong ko." Napaisip naman ako sa sinabi niya.

Dapat pa akong maniwala sa gagang 'to?

...

Nakita ko si Minju sa cafeteria kaya nagdecide akong tawagin siya.

"Mommy Minju!" Sigaw ko na nakangiti't kumakaway pa. Natigilan naman ito habang nanlalaki yung mata. Pansin ko rin yung bulungan ng mga tao sa paligid. Hinila ako ni Minju palabas.

"Anung sabi mo?"

"Mommy Minju, sabi kasi ni Yuna tawagin kita ng ganun." Napasapo naman siya sa noo niya.

"Alam mo uto-uto kang bata ka." Napanguso naman ako dahil wala namang mali sa ginawa ko.

"Ba...bakit?"

"Ah basta. Nakakaloka ka Yujin!" Sambit niya saka umalis sa harapan ko. Sinilip ko naman si Yuna na humahagalpak ng tawa sa tabi.

Tangina nito. Hindi dapat ako nakikinig sa kanya.

3 Shots Of Jin (Jinjoo|Ryeji|2Jin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon