Kim Minju
• active nowYujin:
Hi ate, good morning!
Minju:
Oy, Yuj. Nasa school ka na ba?Yujin:
Bakit?Minju:
Ayain kitang kumain, libre ko.Yujin:
Teka lang po, hindi ako makahinga.
Minju:
Anung meron? Hoy!Yujin:
Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko dahil inaaya mo akong makipag-date 🤧
Minju:
Hala siya! Ang OA ha.Yujin:
Nahuhulog ka na sa akin 🤧
Yujin:
Konting kembot ko na lang.
Minju:
Paano yung kembot? HAHAHAYujin:
Mamaya pakitaan kita ng kembot. 😅
Minju:
Ewan ko sayo! Hahaha hintayin kita sa labas ng room namin.Yujin:
Okay po 🤧...
"Hoy anung tinatayo-tayo mo diyan?" Bulalas ni Minju nang tumayo ako sa upuan. Ngumiti lang naman ako saka nagsimulang kumembot.
Namumula siya habang tumatawa tapos ay hinihila ako para makaupo.
"Anung ginagawa mo?"
"Sabi mo patingin ng kembot, edi ayan. Gusto mo isa pa?" Bumulalas ulit siya ng tawa tapos umiling. Hindi naman mawala ang ngiti sa labi ko dahil alam kong napatawa ko siya. Wala na talagang gaganda pa sa ngumingiting mata ni Minju.
"Baliw ka talaga, pinagtitinginan tuloy tayo."
"Kasi maganda ka kaya tinitignan tayo." Binato niya ako ng tissue sa mukha saka mahinang tumawa.
"Napaka-manloloko mo!"
"Hala, loyal po ako. Loyal sayo." Sinabayan ko pa siya ito ng kindat, muli ay napangiti siya tapos umiling.
"Ay naku, Yujin! Halika nga rito." Nagulat naman ako dahil bigla niyang inilapit yung mukha niya sa akin. Kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko ay ang pagpilit ng mata ko.
Hahalikan niya ba ako?! Level up na ba talaga kapokpokan ko?!
"Ang dungis mo kumain." Bulong niya saka ko naramdaman yung hinlalaki niyang pinunasan ang gilid ng labi ko. Namumula kong iminulat yung mata ko.
"Bakit namumula ka?"
"Akala ko kasi hahalikan mo ako." Nanlaki naman yung mata niya saka mahinang tumawa.
"Baliw! Baka makasuhan ako ng child abuse."
"Willing naman akong magpa-abuso sayo." Napailing siya saka tinignan yung phone niya.
"Balik na tayo sa school, may klase pa kami."
"Paano yung kiss ko?" Nakanguso kong tanong.
"Anung kiss? Nilibre na nga kita!"
"Joke lang. Tara al-" Natigilan ako nang maramdaman ko yung malambot niyang labi sa pisngi ko.
"Thank you, Yujin. Sa uulitin." Pagtingin ko sa kanya ay nasa pintuan na siya at niyaya na akong sumunod.
...
Shet, tangina! Pinapaasa ako ni Minju and I love it 🤧
BINABASA MO ANG
3 Shots Of Jin (Jinjoo|Ryeji|2Jin)
Random3 EPEKTO NG JIN SAYO. • 1 SHOT OF JIN : PAMPALAKAS LOOB. • 2 SHOTS OF JIN : MAPAGPANGGAP NA. • 3 SHOTS OF JIN : WALA KA NG BALANSE. ⚠️ WARNING: NAKAKALASING