Yujin

447 21 1
                                    

Kim Minju
• active now

Minju:
Yuj?

Minju:
Yujin?

Minju:
Busy ka?
(Seen)

8:32 pm

Minju:
Tinawag kita noong nakaraan sa cafeteria, hindi mo ata ako narinig.

Minju:
Nakita rin kita sa gym kanina, kumaway ako pero hindi mo 'ko napansin.

Minju:
Wala skl.

Minju:
Miss na kita.

Minju:
Yung happy meal ko nasaan na?

...

"Ate, anung ginagawa mo rito?" Kinakabahan kong tanong. Hindi ko naman kasi ini-expect na makikita ko si Minju dito sa room. Ilang araw ko na kasi siya iniiwasan dahil kapag hindi ko yun ginawa magiging marupok ako sa kanya. Hindi pwede yun dahil hindi na ako dapat umasa sa kanya dahil nga pagmamay-ari na siya ng iba.

"Hinintay kita rito."

"Bakit? May kailangan ka ba?" Taka kong tanong.

"Ikaw." Natigilan naman ako para akong nabingi sa sinabi niya. Syempre bawal mag-assume.

"Anung ako?"

"Iniiwasan mo ba ako? Lagi kitang nakikita pero hindi mo ako pinapansin." Alam ko iyon, God knows how much I want to talk to her too pero dapat magpigil.

"Busy lang ako, Ate. Marami kasing requirements sa school."

"Bakit hindi ka na nagrereply sa chat?"

"Pinatay ni Jeongyeon yung wifi namin. Mag-aral daw ako. Sorry talaga ate, bumabawi lang ako sa klase."

"Bakit anung nangyari sa grades mo?"

"Okay naman pero I want more to improve." Napatango naman siya.

"May kailangan ka pa ba? Baka dumating na kasi prof namin." Ngumiti naman siya.

"Study well, Yuj." Tumango naman ako, akmang aalis na ako nang hilahin niya yung dulo ng damit ko. Napatingin naman ako sa kanya.

"Miss na kita, Yuj. Walang nangungulit sa akin." Kumabog yung puso ko, kinikilig ako pero sa tuwing iisipin ko na off limits na siya ay umaatras lahat ng iyon. Miss na miss ko rin siya pero kasi, happy na siya sa iba and I should be happy for her too.

"Miss rin kita, Ate. Bawi na lang ako sayo."

"Aasahan ko yan." tumango naman ako at ngumiti. Pinagmasdan ko siyang umalis sa room namin.

Wag mo naman akong pahirapan, Minju.

3 Shots Of Jin (Jinjoo|Ryeji|2Jin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon