ML1

478 35 15
                                    

[ML1]

~~~

Machika’s POV

 

“Oy.”

 

Napatingin ako sa likuran ko habang naka-indian sit. “Late ka ha.”

 

“Hindi ah.”

 

“Oo kaya, 25 seconds.”

 

Ngumiti si Louen sa akin, “sus pati yun binilang eh. Kumusta ang klase?”

 

“Okay lang. Sana fourth year na akong gaya mo. Ang daya kasi,” napasimangot ako.

 

“Darating ka rin naman dun. Tiwala lang. Masaya ang buhay, di ba?”

 

Ngumiti na lang ako kesa sagutin pa siya. Oo, masaya ang buhay kapag nakikita ko siya...

 

“Naiiyak ka na naman. May nasabi ba akong mali?” nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

 

“Wala... ano... naalala ko lang yung pinanood namin nina mama kagabi,” pagdadahilan ko. Pinanood... sinungaling. “Mahal mo ba talaga ako, Louen?”

 

“Ano bang klaseng tanong yan? Siyempre mahal na mahal. Magtitiis ba ako sa panliligaw sa iyo ng halos dalawang taon kung hindi?”

 

Yun ang gusto ko kay Louen,very vocal. Tumayo ako at lumuhod sa likuran niya, yinakap ko siya mula doon, “mahal na mahal na mahal din kita. Wag mong kalilimutan yan ah?” at di ko na napigil ang luhang umalpas sa mga mata ko.

~~~

Napasinghap ako. Para akong nalulunod na biglang nakasagap ng hangin ng bumangon sa kama. Tumayo ako at nagpunta sa terrace ng hotel na tinutuluyan ko. Kinuha ko ang cellphone mula sa gilid ng mesa. “I need to see you soon, you know?” kausap ko sa larawan ni Louen 6 years ago pa. “May nagbago na ba sa iyo? Eh ang nararamdaman mo, nagbago na rin ba? Kasi ako, hindi pa.”

***

“Hello, Machika? Are you safe? Nasa Pilipinas ka na ba? Pupunta na ba ako diyan, ha, anak?”

 

“Ma, you’re exaggerating. I’m fine, okay?” napangiti ako ng marinig ang nag-aalalang boses ni Mama. Naka-long distance call ako. Nasa Japan kasi si mama kasama ang pangalawang asawa niyang si Ichiro.

“Ma, give me that phone I want to talk to Machika---“

 

Machika's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon