ML15

282 16 2
                                    

[ML15]

 

Machika’s POV

 

I can’t breathe again... dumadalas na ito...

At habang tumatagal, lalo akong nahihirapang makita si Louen.

“Hey,” agaw pansin niya mula sa likuran ko.

Nagkunwari akong inaayos ang mga bulaklak na kakapitas ko lang sa garden sa flower vase na nasa altar. Give me strength, God... not now... Huminga ako ng malalim kahit na kunti lang ang nasasagap kong hangin at ngumiti, humarap ako sa kanya, “oy.”

 

“Anong gusto mong gawin ngayon?”

 

“Ha? Hmm...” wala, I just want you to stay beside me... yes, beside me and never leave my side.

*ring ring*

“Nagri-ring ang telepono, ikaw na ang sumagot, baka si Aliyah yan,” sabi ko at bumaling ulit sa flower vase.

Sheez.

Nilalamig din ako na hindi ko maintindihan. Hindi ako makahinga ng maluwag.

Hello?” sagot ni louen sa telepono na hindi naman kalayuan sa lugar ko kaya dinig ko pa rin. “Uh, Louella... I’ll ask her, okay? Hindi ako sigurado. Okay.” Binaba na niya.

“Oh, anong sabi ni Lou?”

 

“Gusto daw tayong makita nina papa,” nagkibit balikat siya, “kasi daw, magda-dalawang buwan na mula ng huling nagkita-kita tayo, ikaw, gusto mo ba?”

 

Two months.

Dalawang buwan na pala mula ng umalis ako sa Japan.

Pumikit ako... yes, two months have gone so fast... kaya pa yan, Machika, kakayanin mo pa yan.

“Yes, I would love to and I won’t miss it for the world,” makahulugang sabi ko kay Louen na sinabayan ko pa ng tipid na pagngiti.

“Thank you.”

 

And in just a glimpse of an eye, he gave me a kiss on my lips.

***

“Hayan, akala namin hindi kayo darating ni Kuya eh,” salubong sa amin ni Louella pagkapasok ng sasakyan sa driveway.

“Man-chi-tsismis ka na naman bago kami papasukin,” saway ni Louen kay Louella.

“Hmp. Suplado.”

 

Nauna nang pumasok si Louella.

“Hi, ma, pa,” sabay pa kami sa pagbati ni Louen sa mga magulang niya.

“Sinasanay mo na talaga ang sarili mong tawagin silang ‘mama’ at ‘papa’ ha?” bulong sa akin ni Louen.

Siniko ko siya sa tagiliran ng palihim. Parang sinasabi niyang magiging magulang ko rin ang mga magulang niya...

 

“Tara na, handa na ang tanghalian sa dining room,” anunsiyo ng mama ni Louen.

Nagsi-sunod kaming lahat sa kanya.

Pagakaupung-pagkaupo ay bigla kong naramdaman na parang umikot ang nasa paligid ko. Di ko yun pinahalata sa kanila, basta ngumiti na lang ako kahit na mabigat ang pakiramdam ko.

“Kuya, bigyan mo kaya ng kanin si Machika, di ba?” tinik-tik pa ni Louella yung babasaging lalagyan ng kanin.

“Oo nga, hijo, dapat mong patabain ang magiging ina ng una kong apo!” natatawang pakli ni papa Rick.

Napangiti ako sa kanila.

They’re really hoping that I would be Louen’s future wife---forever.

Masigla kaming kumain habang nagku-kwentuhan, pero sa totoo lang, ni hindi ko magalaw-galaw yung pagkain ko kasi parang bumubulusok ang tiyan ko.

“Oy! Picture naman tayo, ngayon lang ulit nagsama-sama eh!” request ni Louella.

“Come, picture daw,” sabi sa kin ni Louen, “ok ka lang?”

 

“H-ha? Oo...”

 

“Sigurado ka ha?”

 

Ngumiti lang ako sa kanya. Ayokong dagdagan pa ang pagsisinungaling ko sa kanya.

 

Inalalayan ako sa siko ni Louen.

Iniusod ko ang upuan ko at tumayo.

Sa pagtayo kong yun, biglang umikot ang paningin ko and everything went pitch black.

***

Author: Please hold on po, ilang chapters na lang po ang kasunod nito. Maraming salamat.

Machika's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon