ML21

249 15 0
                                    

[ML21]

 

Machika’s POV

 

“Ma... gomenasai... kausapin mo na ako...” kanina lang ay si Dylan ang kausap ko pero ngayon ay si mama na mismo, gusto ko na talaga siyang makausap.

“Hindi kita matiis, Machika,” bigla ay narinig kong humagulgol si mama.

Hindi ko tuloy maiwasang mapasabay sa kanya. “Ma, naman eh.”

 

“Umuwi ka na, nak... ang tagal na nating hindi nagkita...”

 

“Ma...” huminga ako ng malalim at kumuha ng buwelo para sabihin kay mama ang pakay ko, “ma... ikakasal na ako.”

 

Namagitan ang katahimikan sa amin.

“Ma...”

 

“Kailan?”

 

“Isang buwan na lang...” yes, rush ang magiging kasal namin ni Louen, simple lang pero siniguro niyang sa simbahan pa rin.

“P-pwede ba kaming um-attend?” narinig ko ang pagsinghot ni mama sa kabilang linya.

Kahit alam kong hindi niya ako amkikita, tumangu-tango pa rin ako, “kaya nga ako tumawag, ma... makakapunta ba kayo?”

 

“Kung sa ikakasaya mo, pupunta kami...”

 

Tumahimik na naman.

“Mama... may isa pa.”

 

Matagal bago siya nakasagot. “Ano yun?”

 

“I’m pregnant...” naghintay ako ng reaksyon mula sa kanya.

~~~

Pumasok na kami sa loob ng opisina ng doctor. Ika-apat na pagbalik na namin ito sa loob ng dalawang buwan.

 

“May pagbabago po ba?” ako na ang nagtanong kasi alam kong magbe-breakdown lang din naman si mama kung siya pa ang pagsasalitain ko.

 

Nagkibit balikat ang doctor... “you know that you can’t be pregnant.”

 

“Y-yes,” labag yun sa kalooban ko.

 

“I mean... you can but...”

 

Hindi na naituloy ng doctor ang sinasabi niya, may iniabot siya sa aking papers, results ang mga yun.

 

Nilabas ko ang laman at binasa ko.

 

Tumingin ako kay mama at ngumiti ng malungkot.

 

Pwede akong magbuntis... pero hindi ako makakapanganak ng normal... hindi rin sigurado kung mabubuhay ang anak ko.

 

It’s either ako ang mamatay at may pag-asa png mabuhay ang bata...

 

O ang bata ang mamatay... pero wala pa ring pag-asa na mabuhay ako.

~~~

“Alam ba ni Louen?” tanong ni mama sa akin na nagpabalik sa akin sa realidad.

“Alam na niya ang sakit ko, ma...”

 

“Not that one.”

 

“H-hindi, ma... pero... masaya siyang magkakaanak na kami, ma...” pampalakas ko din yun ng loob ko. “Masaya din ang mga magulang niya, ma... so magiging masaya na rin ako.”

***

Author: Short yeah. XD

Machika's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon