Prologue

13 2 0
                                    

"Sabi mo ikikiss moko sa lips ko kapag maaga akong nakarating dito sa playground?" tanong isang batang lalaki sa babaeng bata din.

"Masyado pa tayong bata entot. Tsaka na kapag malaki na tayo" ani nito.

"brina naman e, yan pramis mo sakin kahapon dba?"

"Oo nga pero bata pa tayo"

Nanahimik nalang yung lalaking bata pagkatapos lumabas ang pangungusap nayun sa bibig ng babae.

"Hmm sge ganito nalang. Dapat ikaw ang first kiss ko" nagliwanag ang mga mata ng lalaki ng narinig niya ang ideya ng bata.

"Sige, basta dapat ako hah."

"Sige entot, tinawag na ako ng inay ko. Uuwi nadaw kami"

"Sige brina, bukas ulit hah. Babye"

Nagpaalam na si brina sa lalaki tsaka na siya umalis. Nung pauwi naman si entot ay may nakita siyang itim na kotse at kabisadong kabisado niya na sa daddy niya ito kaya nagmamadali siyang lumapit.

Malapit na sila sa bahay nila ng biglang bumagsak ang malakas na ulan dahilan ng hindi masyadong makikita ang daan galing sa loob ng sasakyan. Nabigla nalang ang tatay niya ng may napakaliwanag na ilaw na naka harap sa kanila at ang pananaw ni entot ay naging itim.

"Ahhh!" sigaw ng binata ng nagising ito dahil sa panaginip niyang paulit ulit nalang simula nung makalabas siya sa hospital.

"Anak! May nangyari ba?" sigaw ng mama niya sa kabilang bahagi ng pinto. "O-okay lang po ako" sigaw pabalik ng binata upang marinig ng kanyang ina. "Sige kung ganun, magbihis kana at bibisitahin pa natin ang daddy mo" tugon ng ina at tsaka naman umo-o ang binata bago bumangon sa higaan.

-

"Ma, san po ba si kuya" ani nito habang nagsusuot ng sapatos niya.

"Nasa kompanya pa anak, e"

"May problema na naman ba sa kompanya?"

"Hmm, oo pero wag ka ng magaalala dahil maaayos din yun ng kuya mo. Sige tara na" umalis na kami.

REVENGE:Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon