Kabanata 5

11.3K 215 4
                                    

KABANATA V

Katabi lamang naman ng apartment ni Cleo si Caleb Buendia, the  last  person  she  wants  to  see,  her  worst  enemy, a  nightmare,  and  someone  she  has  slept  with.  Iyong taong tinatakbuhan niya kanina pa mukhang hindi niya talaga ito matatakasan.

Sinubukan na pumasok ni Cleo at isarado kaagad-agad ang pintuan pero naabutan ito ni Caleb dahil mas malakas siya sa dalaga nabuksan ni Caleb. Pagkapasok ni Caleb itinulak niya si Cleo sa pader at inorserbahan 'tong mabuti, inilapat ni Cleo ang dalawa palad dibdib nito para ilayo sya sa kanya.

Agad namang iniwas ni Cleo ang kanyang tingin, ramdam ng dalaga ang pag-akyat ng dugo sa kanyang mukha. Hinihiling niya na sana naman hindi namumula ang kanyang pisngi dahil sa maliit ba espesyo mayro'n sila.

"Stalker ka ba?" Halos lumuwa ang mata ni Cleo sa kanya dahil sa malamig na paratang nito. Unang-una sa lahat siya 'tong kanina pa tinutugis si Cleo, para siyang mabungongot ng nakaraan na pilit na bumabalik.

"Siguraduhin mo lang na wala kang tinago na kahit anong litrato para ipangblackmail, Sacramento." Iyon ba ang inaakala ni Caleb? Mayroon na tinago si Cleo na makasisira sa kanyang imahe.

"I'm not that low, I hate him but that isn't my thing." In Cleo's thought.

Nakapamulsa ito at tsaka inilibot nya sa paligid ang kanyang paningin, halos bakante pa ang loob ng apartment.

"Sa gandang lalaki ko na 'to, Hindi maiiwasan 'yong mga katulad nyo nahuhumaling sa akin." Napanganga na lang si Cleo sa kanyang tinuran. Kung alam lang ni Cleo na andito sya naninirahan hindi siya tutungo at tatapak sa residential building na ito.

"Huwag kang mag-alala Buendia, kahit ako gusto ko na lang ibaon sa limot iyong nangyari." Pangungumbinsi ni Cleo. "Pati ikaw gusto ko ibaon na sa lupa." bulong pa niya sa pinakamahinang boses, kumunot lang ang noo ni Caleb marahil hindi niya narinig ang sinabi ni Cleo.

Kailangan agad niyang makahanap ng ibang malilipatan kaso naisip niyang nakapag down na ang kanyang ina't masasayang lamang ito.

Tumango tango si Caleb tsaka nagumpisa maglakad palabas. Siguro naman naniniwala na siyang hindi gagawin ni Cleo yon. Pinagmasdan lang siya lumabas ni Cleo, hindi niya maintindihan ang taong ito. Kaya napatanong siya sa kanyang sarili kung iyon na 'yon? Naghabulan lang naman sila na parang pusa't daga para sa usapan na 'yon?

Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis, tuwa kasi madali lang pala sya kausap at inis kasi halos magkadapa-dapa ito kanina sa pagtakbo, binibigyan nya ng takot ang dalaga. Pinatakbo nya ito nang mabilis kanina, muntikan niya ng maisip kung siya ba talaga si the flash o isa talaga siyang atleta. She should try engaging into sports, baka may kinabukasan din siya sa larangan na 'yon.

Lumibot ang kanyang paningin paikot sa loob ng apartment pansin ang maalikabok na paligid, wala pa siyang kagamitan para panglinis.

Wala man lang siyang dala na pwede niyang mahigaan kahit pansamantala lang at ang tanging bukas na lang sa mga oras na ito'y ang convenience store na nadaanan niya kanina.

Sobrang minamalas talaga siya ngayon 'no. Paano kaya siya matutulog rito ngayon? Naputol ang kanyang pag-iisip nang may kumatok sa pintuan. Sino naman kaya ito?

Binuksan niya ng bahagya ang pintuan sapat upang makita ni Cleo kung sino ang kumatok at hindi na nakakapagtaka kung si Caleb na naman ito. Para syang kabute na sulpot-sulpot. Ano na naman ba kailangan niya kay Cleo?

"You can sleep on my couch, tara na." Walang emosyon nitong sabi habang nasa bulsa ang mga kamay, nagsimula na syang maglakad papunta sa pintuan ng apartment nya.

Nagtatakang tiningnan siya ni Cleo, nang mapansin ni Caleb na hindi pala sumunod si Cleo. Iritable itong bumalik at hinatak ang dalaga tsaka isinara pa nito ang pintuan ng apartment ni Cleo.

Napaatras siya nang maisip na baka may masamang balak si Caleb sa kanya. Hinampas ng dalaga si Caleb sa kanyang balikat na nagpahinto sa kanila maglakad, binigyan lamang siya ng masamang tingin pabalik.

Napatras naman si Cleo sa biglaan niyang paghinto. "Ikaw, anong pinaplano mo ha?" Mautal utal na tanong ni Cleo, inangat niya ang kanyang kamay na naghahanda sa kahit anumang pag-atake pero walang dumapo o dumating sa kanya.

Narinig pa niya bumuntong hininga ito tsaka siya tinalikuran, pumasok sa palagay niya'y kuwarto ni Caleb. Ito na 'yong oras para tumingin tingin sa paligid. It's typical a guys room, obserba ni Cleo sa lugar ni Caleb.

Bakit nya ba dinala rito si Cleo? Kung akala nya ganon na klaseng babae si Cleo ay nagkakamali sya. Malalim ang iniisip ni Cleo, kaya napaupo siya sa sofa.

"Be grateful, I'll let you sleep in here." Hindi manlang nag-iba ang emosyon ni Caleb habang sinasambit ang nga katagang 'yon. Tumango na lamang si Cleo, may respeto naman siya sa taong tumutulong sa kanya.

Lumipas ang oras ngunit hindi pa rin makatulog si Cleo sa hindi malamang dahilan, malalim ang kanyang iniisip ng magsalita si Caleb mula sa kwarto nitong nakabukas na. 

"You've been staring at the ceiling for hours now. Sobrang pokus ka, ang lalim naman ng iniisip mo." Sabi ni Caleb, habang tumutungo sa kusina upang kumuha ng maiinom. Tumagal ito ng ilang minuto dahil nag hagilap pa siya ng pwede na kainin.

Babalik na si Caleb sa kanyang kwarto ng mapansin niyang wala na si Cleo sa sofa, nagmamadali siyang pumasok sa sarili niyang kwarto at doon nakita niyang komportableng nakahiga ang dalaga. She's sound asleep, mukhang maamo 'to kapag tulog. 

He isn't that heartless, hinayaan na lang niya 'to matulog at umupo sa harap ng kanyang game console para mapagpatuloy ang paglalaro. Though he keeps side-glancing Cleo, he is distracted.

Perfect Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon