Prologue

3.8K 37 3
                                    

"Bata, bata. Bakit ka umiiyak?" tanong at puna ni Alec sa isang bata na nadatnan niyang umiiyak sa LRT station.

"E kasi iniwan ako ng mama ko!" malungkot na sagot ng batang babae habang patuloy pa rin sa pag-iyak at sunod-sunod na pagpupunas ng luha sa magkabilang pisngi gamit lamang ang kanang kamay nito.

"Ganon ba, wag ka ng umiyak. Mamaya lang baka bumalik na rin ang mama mo," alo ni Alec sa batang babae. "Ito o panyo, basang-basa na kasi yang damit mo at tsaka ang sipon mo tumutulo na rin," pagmamagandang loob pa niya dito sabay ngiti.

Ang linaw kasi ng sipon na tumutulo na sa ilong ng batang babae, sanhi ng kaiiyak nito kanina pa.

"Salamat, palagay mo babalikan pa ako ni mama dito?" kalmado ng tanong ng batang babae. Malinis na rin ang mukha nito dahil sa panyo na ibinigay ni Alec.

"Oo naman! Sa tagal ko ng umaakyat palagi dito sa LRT station, palagi akong nakakakita ng batang umiiyak dito. Dahil naiiwan sila ng mga magulang nila. Pero binabalikan din naman agad sila ng mama at papa nila. Kaya wag kang mag-alala, babalik din ang mama mo. Safe ka naman dito. At may mga gwardya naman dito at mga pulis," alo at pampalubag loob ni Alec sa bata.

"Talaga ba? Sana nga!" Biglang nagkaroon ng pag-asa ang batang babae na mababalikan pa ito doon ng mama nito.

"Teka, bakit ka ba kasi naiwan ng mama mo dito?" nag-aalalang tanong niya sa batang babae.

"Akala ko kasi nang pagbukas ng pinto ng LRT, e lumabas na si mama. Pero paghawak ko sa kamay nya, hindi pala siya si mama. Kapareho lang pala ng damit ni mama ang suot niya," kwento nito na tila gusto na namang maiyak dahil naalala ang ina.

"Ganon ba? Di bale babalikan ka din ng mama mo mamaya lang. Ang mabuti pa halika muna sa baba. Pulis ang papa ko.

And'on sya sa police station sa baba lang ng LRT station. At si mama ko naman ay may tindahan ng pritong manok sa tabi lang ng police station," aya ni Alec sa batang babae. Kaya biglang sumaya ang mukha nito dahil sa pagmamagandang loob niya.

Agad inakay ni Alec ang batang babae pababa sa hagdanan ng LRT station. Hanggang sa makarating sila sa police station ay nakaalalay pa rin siya dito.

"Papa, nakita ko po sya na umiiyak sa LRT station sa taas. Naiwan daw po sya ng mama nya!" di magkandatuto na balita ni Alec sa papa niya na si Police Captain Alexis Ramos.

"Ha, e paano daw syang naiwan ng mama nya, sigurado ka ba?" kunot noo at pagtataka nito. Sabay luhod nito upang kausapin ang batang babae. Na nagsimula na namang umagos ang mga luha sa pisngi, dahil sa takot at kaba na baka hindi na balikan ng mama nito.

"Bata, totoo ba na naiwan ka ng mama mo? Taga saan ka ba at tsaka anong pangalan mo?" malambing at mabait na tanong ni Captain Alexis sa bata.

"Opo, akala ko po kasi si mama yung sinusundan ko, pero hindi po pala. Tapos hahabulin ko po sana si mama sa loob ng tren. Kaso bigla na pong nagsara ang pintuan ng tren kanina. Tulungan nyo po akong mahanap si mama. Miss na miss ko na po si mama ko!" umiiyak pa rin na sagot at kwento nito kay Captain.

"Don't worry, hahanapin natin ang mama mo. Sigurado ako na hahanapin ka rin nya at babalikan dito maya-maya lang," alo nito para tumigil na ito sa pag-iyak. "Ano bang pangalan mo?" tanong muli nito sa pangalan ng bata.

"Erin Joy po," maigsing sagot ni Erin sabay singhot ng sipon at pahid ng mga luha sa pisngi.

"Ang ganda naman pala ng pangalan mo. Ilang taon ka na ba? Ako nga pala si Captain Alexis. Pero tawagin mo na lang akong Tito Alexis. At ito namang nakakita sayo sa taas ng LRT station ay anak ko, si Alexander. Pero Kuya Alec na lang ang itawag mo sa kanya. Tahan ka na ha, gagawan natin ng paraan na makita si mama mo, okay," malumanay at nahahabag nitong alo pa rin kay Erin.

The great mistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon