Chapter 3 - Kalayaan

2.7K 21 0
                                    

"Bru, natawagan ka na ba ni Attorney Beltran? Ang sabi kasi niya sa akin, na-grant na daw ang annulment mo."

"Oo, tinawagan niya ako kahapon lang. Salamat sa pag-recommend mo kay Attorney ha. Hindi ko talaga akalain na mabilis maga-grant ang annulment namin."

"Welcome best friend! So, ano na ngayon ang plano mo?" tanong nito sa kanya sa kabilang linya.

"Uuwi na ako sa Pilipinas para makapag-restart," nakangiting sagot naman ni Erin sa best friend niyang si Shina sa kabilang linya.

"Sigurado ka ba na iiwan mo na ang Japan? Paano si Jonas?" kunot noong tanong ni Shina.

"Hindi na kami kasal. Kaya wala siyang magagawa kundi panoorin na lang akong lumalabas sa pinto ng bahay niya. Tsaka hindi naman ako ang nagkasala, siya naman. Kaya wala akong guilt na iwan siya dito mag-isa."

"Sigurado ka ba? Baka naman kapag nandito ka na sa Pilipinas, e iiyak ka lang nang iiyak ha. College pa lang kaya tayo mahal na mahal mo na si Jonas. Siya nga ang first mo sa lahat, di ba?" paalala nito sa kanya.

"Sigurado na ako! Iiyak ba kamo? Mm-mm, maybe kapag na-miss ko yung happy memories namin, oo. Pero part naman siguro yun ng pagmo-move on, di ba?" nakangiting sagot niya dito sa kabilang linya.

"Sabagay... pero maiba ako. Saan ka nga pala titira kapag bumalik ka na dito sa Pilipinas?" pag-iiba ni Shina sa usapan nila.

"I'm not yet sure about that. But, I'm planning to buy a condominium na malapit sa inyo."

"Bongga yan!" bulalas ni Shina. "Pero alam mo sayang din yung bahay nyo, bru. Wala namang nakatira dun, di ba? Wala namang ibang kapatid si Jonas para tirahan ang bahay nyo," panghihinayang nito. Kaya natawa si Erin dito bigla.

"Well, pwede naman niyang patirahan sa mga kabit niya yun if he want to," natatawa na naiiling na sagot niya sa kaibigan.

"Ikaw talaga e di ba nga binilhan na niya ng bahay yung dalawa niyang kabit na yun. Binawi na ba niya yun?" may kuryosidad nitong tanong.

"I'm not sure. Pero ang alam ko wala naman siyang binawi sa mga yun. Inanakan niya ang mga yun. Kaya saan nga naman titira ang dalawa niyang panganay. Kung babawiin niya ang bahay sa mga yun."

"Pero di ba nasa inyo yung panganay niya? Nandiyan na sa inyo sa Japan, di ba?" usisa pa nito.

"Oo, kasi namatay sa panganganak yung nanay ng bata. Kaya ang tumitira sa binigay na bahay ni Jonas dun sa babae, e mga kamag-anak na lang daw ni girl. Tapos, ako si tanga ang nagpapalaki sa anak nila ng kabit niya. Pero alam mo, wala namang kasalanan yung bata. Kaya naman minahal ko na rin yung anak nila. At itinuring na parang anak ko na rin," mahabang sagot ni Erin dito na wala namang bakas ng pagsisisi sa pag-ako niya sa anak ni Jonas sa unang kabit nito.

"Oo naman, at mabuhay ka sa pagiging martir! E yung isa pa niyang nabuntis, kumusta naman?" sarkastikong sagot ni Shina at pangungumusta.

"Ayun, nanganak na, at malaki na din yung bata. Sabi ko nga kay Jonas, dalhin na niya dito sa Japan yung kabit niya. Para may mag-aalaga sa kanya at sa anak niya. Kasi suko na talaga ako sa kanya. Masyado na niyang niyurakan ang pagkatao ko at ang pagkababae ko. Lalo na ang puso ko. Kaya ko siyang patawarin sa unang pagkakasala. Pero sa pangalawa, never na!" medyo may gigil na sagot ni Erin dito.

"Tama yan best friend!' sang-ayon nito. "Basta bru, tawagan mo lang ako kapag nandito ka na sa Pilipinas ha. O kaya susunduin na lang kita sa airport. Sigurado ako na madami pa tayong pag-chichikahan," dugtong pa nito.

"I will!" tipid na sagot ni Erin dito.

"Dadamayan kita, bru. Kung gusto mong umiyak sa balikat ko, o kahit mag-inom pa tayo maghapon at magdamag. Game ako dyan! Basta madamayan ko lang ang best friend kong martir at tanga sa pag-ibig," tatawa-tawang biro nito. Kaya natawa rin si Erin sa sinabi nito.

The great mistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon