Chapter 8 - (SPG) Ground rules

1.6K 13 0
                                    

Warning: This chapter is strictly for readers aged 18 and older, it contains sexual situations.

Nang gabing iyon ay pinatunayan nga ni Alec na malakas ito. Dahil kahit pagod sila sa kaka-bisekleta at kaka-gala sa Tagaytay. Nagawa pa rin nitong galingan ang performance nang magniig sila ni Erin.

Si Erin naman ang tila exhausted na exhausted dahil ang una nilang pagniniig ay hindi na nasundan pa. Nakatulog na agad siya pagkatapos ng isang beses na iyon.

Paggising niya ng umaga ay wala na sa tabi niya si Alec. Kaya naisip niya na baka umuwi na ito sa pamilya nito.

Hindi siya nagagalit kapag ganoon si Alec. Sanay na siya dito na bigla na lamang nawawala. May pamilya ito, kaya ano pa ba ang inaasahan niya sa taong may pananagutan na.

Masaya na siya sa hiram at panakaw na sandali na kaya lamang ipagkaloob ni Alec sa kanya. Isa pa ay hindi din naman siya mapaghanap na babae.

Matapos ayusin ang sarili ay lumabas na siya ng kwarto upang magkape at magluto ng kanyang agahan. Pero pagdating niya sa may kitchen ay naroon pala si Alec, nagluluto ito ng agahan nila.

Natuwa siya nang makita ito. Kaya naman dahan-dahan siyang lumapit dito. Upang gulatin ito. Di man lang naramdaman ni Alec na papalapit siya dito. Dahil abala ito sa pagsasangag ng rice. Natinag lang ito sa ginagawa, dahil bigla itong niyakap ng mahigpit ni Erin sa likuran.

"Good morning, handsome!" malambing na bati ni Erin dito sabay yakap dito ng mahigpit. "Thank you for making our breakfast," dugtong pa niya sabay kiskis ng pisngi sa likuran ni Alec.

"Good morning, pretty!" ganting bati nito sabay harap sa kanya upang gumanti ng yakap at para halikan siya sa labi. "This is nothing, gusto ko lang pagsilbihan ka ngayon," nakangiting hirit pa nito.

"Akala ko pa naman umuwi ka na. Nandito ka lang pala sa kusina."

"Pwede ko ba namang iwan ang mahal ko," may lambing na sagot nito sabay halik muli sa labi ni Erin nang mabilis lang. "Sige na, maupo ka na doon at tapos na akong magluto, hahayinan na kita. Pagsisilbihan ko ang mahal ko ngayon," dugtong pa nito na agad namang sinunod ni Erin.

Matapos nilang mag-agahan ay nag-swimming naman sila. Hindi akalain ni Erin na magaling palang mag-swimming si Alec.

Hinamon kasi niya ito ng swimming race. Akala kasi niya ay gaya pa rin ito ng dati na hindi marunong maglangoy. Kaya pala ang lakas ng loob ni Alec na pumusta sa kanya, kasi magaling pala ito. Kaya agad siyang natalo sa hamon niya dito.

Isa lang naman ang pilyong pusta nito sa kanya. Yun ay mag-s*x in the water daw sila, but Erin refused to do it.

Hindi siya komportable sa pool dahil sa chlorine nito. Feeling kasi niya ay magkakasakit siya kapag ginawa nila yun sa pool. Kaya sinabi niya kay Alec, na mamaya na lang sa kwarto siya babawi dito.

Kinagabihan ay masaya muli silang nagniig. Para silang bagong kasal na hindi nagsasawa na gawin iyon. O baka dahil sinusulit lang nila ang bawat oras na magkasama sila.

Nasa kalagitnaan na sila ng tagumpay nang biglang nag-ring ang cellphone ni Alec. Tumatawag na naman si Selena.

"Alec tumatawag ata si Selena pwede ba sagutin mo muna yan," humihingal na bulong ni Erin habang binabayo ni Alec.

Mamaya na," bulong nito sabay halik sa labi niya.

"Shit Alec, naririndi ako sa cellphone mo, kanina ka pa niyang tinatawagan. Pwede bang sagutin mo muna siya," pabulong na giit niya sabay kagat ng labi dahil sa patuloy na pagpapaligaya sa kanya ni Alec.

Tila hindi naman nakikinig sa kanya si Alec. Kaya kahit hindi niya nakikita ang cellphone ni Alec ay pilit niya iyong inabot sa may side table. Upang sagutin ang tawag at itapat sa tainga ni Alec. Pinanlakihan niya ng mga mata si Alec dahil ayaw nitong sagutin si Selena. Tatawa-tawa naman si Erin dahil sa huli ay napilitan din si Alec na sagutin ang tawag ng asawa nito.

The great mistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon