Chapter 6 - Agree

1.4K 17 0
                                    

Matapos ang mainit na sandali ay nagsuot na sila ng damit na tila walang nangyari.

Pagkatapos ay tila pagod silang umupo ng ayos sa mahabang sofa at nag-usap. Sinabihan ni Erin si Alec na umakyat kwarto niya sa taas upang mag-shower.

Ayaw niyang pauwiin si Alec na amoy sex. Kaya lalabahan muna niya ang damit nito habang naliligo ito sa taas. Natawa naman sa kanya si Alec.

"Hindi na kailangan, may extra naman akong damit sa kotse ko. Saka dito ko gustong matulog sa tabi mo ngayong gabi," natatawa at malambing na wika ni Alec sabay halik sa labi ni Erin.

"Ano ka ba, hahanapin ka ng mga anak mo sa umaga. Kaya sige na, umuwi ka na. Tsaka di ba uuwi na rin ang asawa mo bukas. Pero bago yun, kunin mo muna ang damit mo sa kotse mo. Maligo ka muna, tapos iwan mo na ang dirty clothes mo dito. Kunin mo na lang pag nalabahan ko na," malambing na utos niya dito.

"Okay sige na nga, pero salamat ha?" pasasalamat nito na may malagkit na titig kay Erin.

"Salamat saan?" kunot-noong tanong ni Erin. "You mean sa free sex?" natatawa pang biro niya.

"Hindi yun, ano ka ba!" sagot ni Alec. What I mean is, salamat dahil pinagbigyan mo ako at pinasaya ngayon," saad pa nitong may matamis na ngiti.

"Ano ka ba, pinasaya mo din naman ako. Patas lang tayo," pilosopong sagot naman ni Erin sabay ngisi dito.

"Pero ibig bang sabihin nito, tayo na?" paniniguro ni Alec. "Mahal kita Erin," malambing pang bulong nito sa kanya sabay halik sa makinis na balikat ng kausap.

"We can just be a fuck buddy, hello!" pairap at sarkastikong sagot niya dito.

"Ayoko, gusto kong iparamdam sayo na mahal kita. Hindi lang sex ang habol ko sayo, okay. Importante ka sa akin," giit agad ni Alec sabay hawak sa kamay ni Erin.

"May asawa ka, Alec. Tapos ako, ayoko ng commitment. Tatanggi ka pa ba sa offer ko?" tila nangungumbinsing wika niya dito.

"Sabi ko mahal kita, Erin. Kaya please, maging tayo na lang. Let me take care of you. You deserve someone like me."

"Seriously, someone like you na may pananagutan na sa iba at may mga anak? Wow ha, pang-kabit pala ang tingin mo sa akin talaga," natatawang sabi ni Erin dito.

"Hindi yan ang ibig kong sabihin. Ibig kong sabihin, deserve mo na mahalin kita. Alam kong mali dahil kasal na ako sa iba. Pero hayaan mong iparamdam ko sayo ang pagmamahal ko. Hayaan mong alagaan kita," kumbinsi pa rin nito habang hinahaplos ang malalambot na kamay ni Erin. Si Erin naman ay nakahilig na ang ulo sa balikat ni Alec.

"Ayoko pa rin, ayoko ng sakit sa ulo," mahinahong tanggi at katwiran niya sa gusto nito.

"Sige na please... Let me love you, Erin. Kahit hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko ngayon. I still want you, I need you. Ikaw lang ang nagpapalakas sa akin at nagpapasaya," kumbinsi pa rin nito sa kanya.

Napatunghay tuloy si Erin ng ulo at napatitig kay Alec. "Okay fine!" bulalas niya na ikinatuwa naman ni Alec.

"Really, thank you!" may sigla ng wika ni Alec sabay yakap sa kanya nito ng mahigpit na tila bata na naglalambing sa ina.

"Oo. But I'm telling you hindi ako seryoso sa gusto mo. Para din maunawaan mo, pleasure lang ang gusto ko sayo. I have no intention to fall in love with you, always remember that. At may mga rules ako na dapat mong sundin, okay," mariing paalala ni Erin dito. Napakalas bigla ng yakap sa kanya si Alec.

"Ano naman yun?" tanong naman agad ni Alec na may pagtataka.

"Basta, sasabihin ko sayo pagkatapos mong maligo."

The great mistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon